Chapter 1: The Overthinking Detective

76 6 5
                                    


Ian's point of view

Ako si Ian B. Washington, ang overthinking na detective. Wala pa kasi akong nasosolve na case. Sapagkat lahat ng tao ay pinaghihinalaan kong killer. Pero mahilig talaga ako sa mystery kaya nagdetective ako. Mayroon pa akong isang rason at iyon ang mahanap ang pumatay sa mga magulang ko na dati ring mga detective. Dito ako nagwowork sa Max's detective agency, ang Isa sa pinakamagaling sa pagsosolve ng case sa Pilipinas.

Isang araw, pinatawag ako ni boss Max. "Meron isang murder case at eto yung address about doon. Puntahan mo na agad." utos ni Max. Ma-inipin ang amo namin na iyun.

"Sir, yes sir." tugon ko. Pumunta ko sa address na tinutukoy ni boss. Naroon na ang mga pulis at hinarang pa ako bago makapasok. Pinakita ko naman ang ID ko kaya pinapasok na rin ako.

Tumambad sa akin ang isang lalakeng walang buhay at naliligo mula sa kanyang sariling dugo. Nakasaksak sa kaniyang puso ang isang kutsilyo. Sa pader ng bahay ng biktima ay may nakasulat na no. 1 gamit ang dugo ng biktima. Sa sahig may envelope na kulay itim at may larawan na ulo ng lobo sa loob ng araw na mapula. Binuksan ko ito at nakita ko isang letter card.

Dear detectives,
Find me before a rising star falls.

Sa likod ng letter may nakalagay na letter H. Napangiti ako nung nabasa ko yung letter. Pinicturan ko lahat ng mga maaaring maging ebidensya. Nilapitan ko si John ang Chief police.

"Mukhang naghahamon ang killer." sabi ko kay John. "Pakicheck ang background at autopsy ng biktima." dagdag ko.

Wala namang nawala sa gamit ng biktima kaya hindi ito robbery. Wala rin itong naiwang ibidensya ultimo finger prints maliban sa ginamit sa pagpatay at ang envelope. Ininterview ko ang mga kapitbahay ng biktima upang makakuha ng impormasyong makakatulong sa kaso. Ngunit iisa lang ang sagot nila na wala na siyang pamilya at nagtatrabaho siya bilang isang construction worker.

Ilang araw ang nakalipas inabot na sa akin ang background ng biktima.

Joseph W. Williams
32 years old
Works at St. Rafael's Construction.

Pinuntahan ko agad ang construction site upang makakuha ng impormasyon na makakatulong sa kaso. Kinuha ko ang panayam ng tatlo sa mga trabahador na kilala ang biktima.

Daniel S. Gonzalez 35 years old HR manager. Siya mismo ang naghire kay Joseph.

Charles B. Walker 30 years old co-worker ni Joseph. May utang si Joseph dito.

Edward H. Parker 32 years old co-worker at best friend ng biktima.

Makalipas ang dalawang araw, binalikan ko ang construction site. Si Daniel nalang ang natira sa mga napagtanungan ko. Kaya tinanong ko si Daniel tungkol dito.

"Pagkatapos mo silang matanong at nalaman nila na patay na si Joseph ay dali-dali silang nagfile ng resignation letter. Simula noon ay wala na akong alam kung nasaan sila at kung anong ginagawa nila." paliwanag ni Daniel.

Bigla naman akong pinatawag ulit ni boss Max. Pagkapasok ko sa opisina may tatlong lalakeng nakaupo. Nasa may table pa rin si boss Max. Magkatapat naman yung dalawang lalake. Parehas silang naka-formal attire.

"Ian, eto si Ethan ang maghahandle na sa kasong hawak mo." sabi ni boss. Si Ethan E. Phillips ang top detective ng agency at laging siyang cold kung tumingin.

"Hahahaha you should show me how great your detectives are before I invest to your company, Max." sabi ng isang lalake. "By the way, I'm Kiefer Summers." sabi naman nito sa akin. Sabay ngisi nito. May tumawag sa phone ni Max.

"Mayroon na namang panibagong kaso hindi nalang si Ethan ang ipapadala ko. I will send all the detectives. I will show you Mr. Summers that my agency is worth it." panghahamon ni Boss Max kay Mr. Summers.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now