Chapter 4: Ethan's Leadership

30 3 3
                                    


Narito kami ngayon sa laboratory ni Jianne. Nakakamangha ang lugar na ito. May mga patay na hayop din silang pinag-aaralan. Kompleto sila sa gamit. Nakasuot din kami ng lab gown na kulay puti, naka-gloves, mask, eye wear, at hair dress.

"Guys, eto na yung mga nahanap kong may pangalan na Billie." sabi ni Shamae.

Billie D. Garcia
Male
31 years old
76 Grape street, City of Anahaw

Billie H. Cervantes
Female
29 years old
81 Apple street, City of Malunggay

Billie D. Umali
Female
23 years old
68 Manggo street, city of Malunggay

Billie O. Navaro
Male
47 years old
97 Pineapple street, City of Gumamela

Billie N. Hernandez
Male
27 years old
71 Guava street, City of Sampaguita

"Tapos na yung autopsy, nakuha namin ang itsura niya bago siya masunog mula sa skull niya at nakuha din namin yung blood type ng biktima." sabi ni Jianne pakalabas niya sa isang kwarto.

Binuksan naman ka-agad ni Shamae yung laptop niya at nagtype nang kung ano-ano. Hindi ko masundan ang bilis ng mga daliri nito.

"And here's the victim." sabi ni Shamae pagkatapos niyang mahanap ang pagkakakilanlan ng biktima.

Russel S. Turner
Male
35 years old

"Shamae, bigay mo lahat ng kakilala ng biktima at pupuntahan natin ka-agad." sabi naman ni Romnick.

"Hindi ba dapat unahin nating puntahan si Billie- kung ano man ang apelyido niya." sabi ko.

"Tsk kaya wala kang nasosolve na kaso eh." banggit nito na ikinainis ko.

"Matatambakan lang tayo ng matatambakan nang kaso kung hindi tayo kikilos at huhulihin ang kriminal na ito." dagdag nito.

"Mayroong possibility na mailigtas natin ang susunod na biktima at hindi na madagdagan pa ang kaso." sagot ko.

"He is just toying with us. Planado na niya lahat, baka nga bago niya ilagay yung mga clues eh patay na yung mga kasunod na biktima." sabi ni Romnick.

"Ngunit magkakaibang araw ang pagkamatay ng mga biktima, August 3 ng gabi namatay si Joseph, August August 5 ng gabi Naman si Lyka, at nung isang araw si Russel." singgit ni Jianne.

"May interval ng 2 days at 1 night ang pagpatay na ginagawa ng killer, at kung susundan natin ang pattern ng pagpatay ng killer, probably tonight mangyayari ang pagpatay." sabi naman ni Dave.

"One night of rest." sabi ni Christopher sabay tawa.

"Tsk! Nagfofocus kasi kayo sa mga clues na binibigay ng suspect. This is not a game." banggit ni Romnick.

"But these clues is our only lead." sagot ko.

"Let's just split up." sabi ni Ethan.

"Parehas importante na mahuli ang suspect at mailigtas ang biktima." dagdag ni Ethan.

Biglang lumabas ang pagiging leader ni Ethan kahit na napakacold ng mukha niya.

"Romnick, Do what ever you want. Interrogate all the possible suspect. Get more information about the suspect." utos ni Ethan.

"Yes, I'm going to get the suspect." tugon ni Romnick. Maliban kay boss Max si Ethan at Shamae lang ang sinusunod ni Romnick.

"Shamae, maiwan ka agency upang magbigay ng mga extrang information at updates tungkol sa bawat Billie. Ilista mo rin ang alibis ng mga maiinterrogate ni Romnick." utos ni Ethan

"Aye, Captain." sagot ni Shamae nang may cute na ngiti.

"Maghihiwa-hiwalay tayo para kausapin ang bawat Billie na sakop ng agency natin."

"Dave, pumunta ka sa 76 grape street, city of Anahaw."

"Ian, ikaw naman sa 81 apple street, city of Malunggay."

"Christopher, sa 68 manggo street, city of Malunggay."

"Jianne, sa 97 pineapple street, city of Gumamela ikaw pupunta."

"Ako na bahala sa natitirang Billie. Now Move!"

Utos ni Ethan na agad agad naming sinunod. Pagkalabas namin sa laboratory nagkanya kanya kami ng direksyon upang puntahan ang bawat lugar na itinalaga sa amin ni Ethan.

The Overthinking DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon