Chapter 3: Unidentified

33 3 3
                                    

Nagpunta kami kung saan may nasusunog. Malakas yung apoy at marami na ring bagay ang nasunog. Matulin din ang responde ng mga bombero kaya naapula ka agad yung sunog. Naging kulay itim na lahat dahil sa sunog. Pumasok kami sa bahay. Nilibot namin ito at nakita namin ang isang kwarto. Pagkapasok namin, nakita namin ang isang bangkay na maitim na maitim dahil sa sunog. Ang mga galamay nito ay tumiklop at nag-shrink na ang katawan nito.

"Ilang oras ba ang tinagal ng sunog?" tanong ni Dr. Jianne. Sabay hinawakan ang bangkay.

"8:45 nagsimula ang sunog sabi ng mga residente." sabi ni Dave.

"9:30 na." sabi ko pagkatapos kong tumingin sa relo.

"He didn't die from that fire." sabi ni Jianne kaya nagkaroon ng pagtataka sa aming mga mukha.

"Sobrang expose sa apoy ang katawan niya at hindi magiging ganiyan ang itsura niya sa loob lamang ng 45 minutes. Kakatapos lang din ng sunog kaya dapat mainit siya." dagdag ni Jianne.

"So, hindi siya namatay ngayon umaga." sabi ni Christopher.

"Hindi lang iyun pati ang kwarto na ito hindi tuluyang nasunog kaya malamang ibang lugar din ang kinamatayan ng biktima." sabi ni Romnick habang nakatingin sa isang bookshelf na hindi nasunog.

Napatingin si Dave sa mga nasunog na bagay at sinundan niya kung saan nagsimula ang sunog.

"Ang mga nasunog na bagay ay may mga naiwan na bakas na parang pattern." sabi ni Dave at ngumiti.

"Nandito ang killer's mark." sabi ni Ethan habang kinukuha ang libro na may marka ng ulo ng lobo sa loob ng araw.

Napatingin si Christopher sa bookshelf.

"May kulang na mga libro." sabi ni Christopher. Kaya inisa isa ni Shamae ang mga set ng libro at inilista ang mga nawawalang libro.

Missing books
First set: book 3
Second set: book 1
Third set: book 7
Fourth set: book 7
Fifth set: book 1
Sixth set: book 8
Seventh set: book 5
Eighth set: none
Ninth set: book 5

Binuksan naman ni Ethan yung librong hawak niya. Iisang page lang ng libro ang may sulat at yung back page noon. Nakabaliktad ang mga letra nito. Letter P naman ang nakalagay sa likod na nakabaliktad rin. Kaya pinaikot ang libro.

Ako ang dahilan kung bakit ka nakakakita ngunit hindi mo man lang ako masulyapan. Ano ako?

"It's the ShiningLight." sagot ni Christopher. Kaya napatingin kaming lahat. "Ahh I mean the sun yung araw." pagtatama nito.

"Ngunit anong connect nito sa killer." tanong ko.

"Baka yung mark yung tinutukoy niya." sagot ni Romnick.

"Walang kinalaman yung riddle sa kaso na ito kung hindi yung way kung paano isunulat yung riddle." sabi ni Ethan.

Kumuha siya ng isang calculator at kinuha din ang mga numero sa libro na nawawala. Pinindot ni Ethan yung mga numero sa calculator tas yung completong set ay ginawang 0.

317718505

Pagkaraan binaliktad ito ni Ethan.

SOSBILLIE

"Shamae, hanapin mo lahat ng may pangalang Billie baka siya ang susunod na biktima." utos ni Ethan.

"Dave, nalaman mo na ba ang dahilan ng sunog." tanong ni Romnick.

"Y-yes it came from a molotov. Nahulog yung molotov dahil magkatabi angalarm clock at molotov. Nung magring yung alarm clock at nagkaroon ng vibration nahulog yung molotov na nagcause ng sunog." paliwanag ni Dave.

"Pero hindi pa rin na-iidentify kung sino yung victim. Shamae, kanino nakarehistro yung bahay na ito." tanong ko.

"I already check it pero walang may-ari nito matagal na itong abandonado kahit yung mismong lupang kinatatayuan ng bahay walang record." sagot ni Shamae.

"Yung characteristics ng biktima ay maaaring makatulong sa pag-identify sa biktima diba? Dadalhin ko ito sa laboratory namin para makuha Ang mismong itsura ng biktima nang sa gayon mas madali siyang maidentify." banggit ni Jianne.

Inalis na namin ang katawan ng biktima para sa autopsy.

The Overthinking DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon