Chapter 7: Case Closed

32 3 5
                                    

"Take it easy Romnick." panghinahon ni Ethan.

"Nasa harap na natin yung killer!" sabi ni Romnick na galit.

"Wala pa tayong matibay na ebidensya na siya yung killer." sabi naman ni Dave.

"Anong wala? Kitang kita naman sa mukha niya na siya ang pumatay at yung bote ng lason may fingerprints niya." pagpipilit ni Romnick.

"Kung siya nga ang killer, wala tayong proweba na siya rin ang pumatay sa naunang tatlong biktima." sabi Shamae.

"Maaari rin na iba iba ang killer ng mga biktima." banggit ko.

"Oo nga pero ang pagiwan ng pare-parehas na marka at paggawa ng clues hindi iyun coincidence." sabi ni Christopher.

"Edi paaminin nalang si Nicholas." sabi ni Romnick.

Pumasok si Romnick sa isang kwarto upang kausapin ulit si Nicholas.

"May nakita kaming fingerprints mo sa bote ng lason na ginamit sa pagkamatay ng asawa niyo. Kaya umamin ka man o hindi makukulong ka pa rin." pagkasabi ni Romnick nang ganun biglang nag-alinlangan ang itsura nito at lumabas ang kaba sa mukha niya.

"Kung ako sayo aamin na ako para gumaan yung kaso at maiilalabas mo lahat ng sama ng loob mo para na rin sa konsensiya mo." sabi ni Romnick nang maayos.

"Oo, nilason ko si Billie. Minahal ko siya ng lubos ngunit pinagtaksilan niya ako. Hindi na siya na kontento sa isa may Joseph na, may Russel pa. Mabuti na nga rin na patay na yung dalawa. Isama mo na rin yung childhood best friend niya na si Lyka. Pinaglaruan lang nila ako." sabi ni Nicholas.

Pagkaraan ng usapan ikinulong si Nicholas at kinasuhan ng paricide at multiple murder.

"Parang may mali. Yung pagpatay niya mukhang pinagplanuhan ngunit ang bilis niyang umamin." sabi ko.

"Kaya wala kang nasosolve na kaso eh nakakulong na yung killer naghahanap ka pa ng iba." banggit sa akin ni Romnick kaya napakunot ang noo ko.

"Yung paraan kasi niya sa pag-iwan ng mga clues pinag-isipan ng mabuti ngunit wala man lang siyang naisip na paraan nung nahuli siya." paliwanag ko.

"Kasi nataranta siya at hindi niya inaasahan na mahuhuli siya." sagot ni Romnick.

"Pero paano yung mga letra sa likod ng mga letter anong ibig sabihin nun." tanong ko.

"Masyado mo kasing iniisip ang maliliit na bagay na wala namang kinalaman. Ang importante ay may mahuling suspect." sabi ni Romnick na mas lalong kinainit ng ulo ko.

"Ahh so lahat ng mga nahuhuli mong suspect ay dahil dinidiin mo." banat ko.

Sinuntok ako bigla ni Romnick kaya sinapak ko siya sa mukha dahilan ng pagdurugo ng kaniyang mga labi at pagkatumba nito. Inawat kami nung lima.

"We are a team, hindi dapat tayo nagaaway away." sabi ni Jianne.

"Yes we are a team sa kasong ito, ngunit tapos na. Nahuli na natin ang suspect." sagot ni Romnick habang pinupunasan

"Tatawagan ko nalang si John para higpitan ang pagbabantay sa gabing estimated ni Dave ng pagpatay upang makasigurado tayo." sabi ni Ethan.

"Wala namang nangyaring kahina-hinala nung gabing iyun." pagbabalita sa amin nito.

Kinaumagahan pumunta kami sa opisina ni Boss Max upang magbalita tungkol sa kaso. Nakita namin doon si Mr. Summers.

"Nahuli na po namin ang serial killer." sabi ni Ethan.

"Talaga? Ang balita ko kasi malupit daw itong serial killer eh binigyan pa raw kayo ng clues para mahuli siya." sabi ni Mr. Summers na ikinagulat namin kung paano niya nalaman. "Mukhang nagulat kayo sa sinabi ko. Sigurista ako kaya alam ko kung worth it ba ang pagiinvest-an ko ng pera." dagdag nito.

"Mr. Summers mukhang nakita niyo na talaga kung gaano kagaling ang mga detective ko. Kaya magiinvest ka na ba?" tanong ni Max.

"I'll think about it." sabi nito sabay ngisi na para bang may inaabangan pa siyang mangyari.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now