Chapter 10: Mystery Man in Black

18 3 2
                                    


Yung susi ay nakalink doon sa isang manipis na bakal na hugis bilog. Yung bilog naman ay nakalink sa isang straight na manipis na bakal na may bilog sa magkabilang dulo. Apat na straight na manipis na bakal na may bilog sa dulo ang nakalink na humuhugis ng square. Nakalink ito sa isang kalahating bilog na nakadikit sa pader.

Lumapit dito si Dave at sinubukan hanapin yung pattern para humiwalay yung susi mula sa pagkalink nito. Kung saan-saan niya pinalusot yung susi para makaalis doon. Nung malapit nang maka-alis yung susi mula sa pagkalink. Lumapit si Romnick doon na may dalang wire cutter.

"Konting isip lang naman ang kailangan eh." sabi ni Romnick.

Pinutol niya yung wire kung saan nakalink yung susi. Lumapit siya sa chest at sinubukan yung susi para buksan ito. Pero nabigo ito dahil hindi iyun yung susi na nagmamatch doon sa chest. Kaya napangisi ako ng bahagya.

Kinuha ni Ethan yung wire na pinutol ni Romnick at iyun ang ginamit niya sa keyhole at bumukas ito. Sa loob nito, mayroong isang piraso ng papel. May nakasulat dito. Sa likod naman ay may nakalagay na letter O.

X=5
(X)(12÷4)=
(X)(120÷4)=
(X)(1200÷4)=
I could form anything
I am something you can't measure
Time doesn't affect me
I am everywhere

Nasagutan ka-agad namin yung algebra. 15, 150, 1500 ang sagot ngunit hindi namin maintindihan kung para saan ang mga numerong ito. Si Christopher naman ay nakatitig lamang sa riddle. Kitang kita sa mukha niya na naguguluhan at nagtataka.

"Hey, okay lang na hindi mo masagutan. Pahigpitan nalang ang pagbabantay ng mga pulis." sabi ko. Bigla siyang tumingin sa akin na parang nagising.

"Oh yeah masasagutan ko rin toh." banggit nito.

"Mukhang ngayon ka lang pumalya sa mga riddles ah." sabi ni Romnick.

"Ikaw nga hindi ka makasagot nang ganiyan eh." sabi ni Shamae kay Romnick.

Nakaupo sa isang gilid si Jianne at malalim ang iniisip.

"Huwag mong isipin yun mahal ka nun." sabi Dave ni kay Jianne.

"Isang opisyal ang killer. Dapat siya ang maging taga-protekta sa mga tao ngunit siya pa ang gumagawa ng krimen." napatingin kami kay Jianne habang binabanggit ang mga katagang iyon.

"Ayon kay John mula sa labas ang nagpalaya kay Nicholas kaya malamang may connection ito sa loob. Ganun din ang sinabi ng witness kay Shamae. At higit sa lahat nakakapagtaka na alam nito ang
ginagawa natin sa imbestigasyon. It feels weird na alam ng suspect ahead of time na magkakaroon tayo ng witness." dugtong nito.

Mula sa sinabi ni Jianne nagkanya-kanya kami ng iniisip. Nagsiyukuan kami at tumahimik ang paligid.

Bigla kaming nakarinig ng kaluskos.

"Shamae kuhanan mo ng larawan ang mga makakatulong sa imbestigasyon."

"Dave, Christopher, at Jianne bitbitin ninyo ang bangkay."

"Romnick at Ian sumama kayo sa akin at susundan natin ang kaluskos."

Pagkaraan sabihin ni Ethan ang mga iyun dali-dali namin ginawa ang mga ito.

Hinanap namin kung saan nagmula ang kaluskos at may natanaw kaming lalakeng nakaitim sa kakahuyan. Sinundan namin ito. Bigla akong nadapa. Nilingon naman ako nung dalawa.

"Huwag ninyo akong alalahanin habulin niyo yung lalake." sabi ko habang nakadapa.

Sa kasamaang palad hindi namin ito nahuli o nalapitan man lang kahit na nagkasugat ako kakatakbo. Nilagyan naman ito ng first aid ni Jianne. Pinag-usapan namin ang misteryosong lalake na nakita namin.

"Siya kaya ang killer." sabi ni Christopher.

"Si Nicholas siguro yun." singgit ni Romnick.

"Baka naman residente dito at nakita lang tayo." sabi ko.

"Pero bakit siya tatakbo." sabi ni Dave.

"Natakot siya. Kasi nakita niya tayong may kasamang patay kaya nagtatakbo siya. Tyaka wala naman tayong dalang gamit pang imbestiga at wala rin tayong kasamang ibang pulis." sabi ni Ethan.

Pagkaraan noon ay umalis na kami sa lugar na iyon.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now