Chapter 13: Capture

11 2 5
                                    


Kinaumagahan tinawag kami ni Ethan para makagplano.

"Masyado nang tahimik ang killer, hindi natin alam kung gaano kalaki ang pinaplano nito o baka tumakas na siya." mungkahi ni Ethan.

"Ano na ang gagawin natin?" sabi ni Christopher.

"We'll move! Unahan na natin siya bago pa magawa ang plano niya o tuluyan siyang makatakas." sagot ni Ethan.

Lumabas kami sa bahay na tinirhan namin at nagkanya-kanya na kami ng direksyon para makahanap ng lead.

Binalikan ko ang construction site kung saan nagtatrabaho ang unang biktima. Ngunit Wala akong inabutan doon. Hindi na natapos ang construction at wala na ring mga taong nagtatrabaho doon. Maya-maya pa at may tumawag na sa phone ko na nakakonekta sa aming lahat. Mayroon nang lead si Dave. Kaya dali-dali akong pumunta sa lugar na sinasabi na lead ni Dave.

"Paano ka nakakuha ng lead?" pagtatanong ko.

Binuklat niya ang isang mapa.

"Nung inatake ka nung killer tumakas siya pa Southwest tama ba? Nung hinabol ninyo naman siya nung pumunta tayo sa bungalow ni Pinky tumakbo siya pa Northeast. At Yung iba niyang bakas ay nagtuturo sa lugar na ito."

Tinuro niya ang isang lugar sa mapa kung saan nagintersect ang mga linyang gawa niya.

Namangha kaming lahat kay Dave na gumamit ng mga patterns para malaman ang kinaroroonan ng killer. Isa itong underground cave na nababalutan ng mga sanga at dahon sa paligid kaya hindi pansinin nang mga mata. Dumukot ng baril si Dave. Ikinasa niya iyon at dali-daling pumasok sa loob nang hindi kami hinihintay.

Bigla kaming nakarinig ng putok ng baril kaya dali-dali kaming pumasok sa loob ng kweba. Nakita namin doon si Dave na may tama ng baril.

"Anong nangyari?" tanong ni Jianne.

"Nakatakas siya." sabi ni Dave.

"May sugat ka kaya kailangan mong malunasan." sabi naman ni Shamae.

"Pero yung killer kailangan niyang mahuli." pagpupumilit nito.

"Itong lugar na ito ay malaking tulong na para mahuli ang suspect." sabi ko naman.

May mga larawan ito ng mga biktima katulad nung natagpuan namin sa basement ng mga Cervantes. Dinala namin siya sa ospital kahit ayaw niya. Nagstay siya sa ospital at umuwi na kami.

Kinagabihan. Nagpahinga na kami at pumasok sa kaniya-kaniyang kwarto. Humiga ako sa kama. Papatayin ko na sana yung light lamp sa tabi ko nang biglang nawalan ng kuryente. Katulad ito nung nangyari sa aking bahay. Biglang sumigaw si Christopher at nakarinig ako ng kalabog. Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto papunta sa kwarto ni Christopher. Nakita ko siyang nakahilata. Ilang segundo lang at pumasok sina Romnick at Jianne.

"Nasaan sina Shamae at Ethan." bungad ko sa dalawa.

Iniwan ko ang dalawa at dali-dali akong lumabas para hanapin sina Shamae at Ethan. Una kong pinuntahan ang kwarto ni Ethan. Nakita ko siya at chill lang habang hawak ang baril.

"Nasaan sila." tanong nito sa akin.

"Bumagsak si Christopher pero nandoon naman na sila Romnick at Jianne. Si Shamae hindi ko pa nakikita." sagot ko.

"Find her." utos nito.

Pumunta ako sa kwarto ni Shamae. Nilibot ko ito at tinawag ang pangalan nito ngunit wala siya dito. Lumabas ako sa kwarto at nakita ko ang isang lalakeng nakaitim na tumatakbo sa bahay na parang kabisado niya ang bahay na ito. Kaya mabilis siyang nawala sa paningin ko.

Biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Dinala niya ako sa madilim na sulok. Nagulat ako nung makita ko kung sino ang humitak sa akin.

"Shh, huwag kang maingay." sabi ni Shamae na malapit na malapit sa mukha ko ang mukha niya. Dahan-dahan niyang binaba ang mga kamay nito.

"Don't move!"

Narinig namin ang isang boses at sinilip kung saan nanggaling ang boses. Sa madilim na lugar makikita mo ang hugis ng dalawang lalake. Tinututukan ng baril ng isang lalake ang isa pang lalake. Nang maaninag namin ito. Si Ethan ang lalakeng may hawak na baril at tinututukan nito sa ulo ang lalakeng nakamaskara.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now