Chapter 6: Nicholas

30 3 4
                                    

Nilibot naming tatlo ang bahay upang makapaghanap ng mga ebidensya. Inuna namin ang kusina. Binuksan namin ang mga cabinet at drawer sa kusina. Sinilip ko ang ilalim ng cabinet at nakita ko ang envelope na iniiwan ng killer. Binuksan namin ito at kinuha yung letter. Sa likod ng letter nakasulat ang letter C.

Ako ang nasa pinakababa ngunit takot sa akin ang karamihan.

Tinignan ito ni Christopher at napa-isip. Nakakapanibago dahil biglang tumagal ang pag-iisip niya.

"Maybe a basement." sagot ni Christopher. Nakakapagtaka dahil hindi siya sigurado sa sagot niya.

"Hindi naman kasi ako takot sa basement eh." dagdag nito.

Nagpunta kami sa basement nung bahay. Bumababa kami sa kahoy na hagdan. Tumutunog ito sa bawat tapak namin paibaba. Sa basement nakita namin ang no. 4. Sa sahig may bote ng lason. Dinampot ko ito at bigla akong sinigawan nung dalawa. Natingin ako sa aking kamay na walang suot na gloves nung hinawakan ko ito. Nagsuot ng gloves yung dalawa at inilagay ito sa plastic na may sealed. Mayroong kakaibang mga numero sa bote. '59-53-7-58' iyan ang nakalagay ngunit mukha namang bar code lang ito ng bote kaya hindi nalamang namin pinansin. Nakita namin yung mga pictures nung mga victim na may cross out.

Nagpunta na kami sa agency. Inabutan namin doon si Ethan.

"Eto yung mga nakuha namin doon sa bahay. Mukhang murder nga siya dahil nandoon yung envelope katulad nung mga nakaraang case. Higit sa lahat may mga litrato doon ng mga nakaraang biktima at bote ng lason." sabi ko kay Ethan.

Lumabas sa opisina si Shamae.

"Siya si Nicholas J. Cervantes, ang asawa ng biktima. 33 years old. Pikot lang daw ang kasal nila." pagbabalita ni Shamae.

Dumating si Romnick na mainit ang ulo. Kinamusta naman namin ito.

"Wala akong napala doon sa mga nakausap ko wala sa kanila yung killer." sabi ni Romnick na naiinis.

Bigla niyang napansin si Nicholas. Na mukhang normal naman ang itsura.

"Hey, don't hide your nervousness." bungad dito ni Romnick at sinamaan ng tingin. Medyo nagulat si Nicholas nung marinig at makita niya si Romnick.

Hindi na namahinga si Romnick at nagsimula na naman siya sa paginterrogate.

Mga ilang minuto lang lumabas din sila.

"Sabi niya may sakit daw sa puso si Billie ngunit parang may itinatago siyang lihim." sabi ni Romnick.

Dumating na rin si Jianne mula sa laboratory.

"She died from a heart attack." sabi ni Jianne kaya nagkatinginan kami kasi akala namin murder iyun.

"Hindi ba siya pinatay kasi may nakita kami na bote ng lason sa basement nila." sabi ko at inabot naman ni Dave yung bote na nasa plastic na may sealed.

"She died from a heart attack and at the same time she was murdered." sabi ni Jianne. "Yung laman ng bote na iyan ay lason na nagcacause sa tao upang makaroon ng heart attack, lumabas din iyun sa autopsy." dugtong nito.

Bumalik sa laboratory si Jianne bitbit ang bote para icheck ang mga fingerprints mula dito.

Kinabukasan.

"May dalawang fingerprints doon sa bote ng lason. Nagmatch yung fingerprints nito kay Nicholas. Tapos mayroon pang isang fingerprint." sabi ni Jianne.

Bigla akong binatukan nila Dave at Christopher.

"Ere yung salarin kaya dalawa yung fingerprints." sabi nung dalawa. Ang sakit nung pagkabatok nila kaya medyo nahilo ako.

Ininterrogate ulit ni Romnick si Nicholas.

"Maaari mo bang ikwento kung paano kayo nagkakilala ni Billie."

"Magkaibigan ang mga magulang namin kaya nagkaroon kami ng fix marriage. Minahal ko siya pero hindi mutual ang pagmamahalan namin."

"Minahal? So ngayon hindi na kaya nagawa mo na siyang patayin."

"Hi-hindi!"

"Pinatay mo siya kasi hindi niyang nagawang mahalin ka. Nilason mo siya para lumabas na inatake siya sa puso dahil may sakit na siya. Pumatay ka ng iba para malihis yung balak mo. Nagiwan ka rin ng clues para mapigilang ka kasi may kakaunti ka pa ring pagmamahal kay Billie. Tama ba!"

Inawat namin si Romnick dahil galit na galit siya kay Nicholas.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now