Chapter 19: Revelation

27 2 17
                                    


"Kilala ko na kung sino ang killer."

"Talaga? Bakit hindi pa mo pa pinahuli."

"Dahil sa dalawang rason."

Tinaas ko ang dalawang daliri ko. Ang index finger at middle finger ang daliring itinaas ko.

"Una, dahil wala na akong proweba."

Binababa ko ang index finger
ko at naiwan ang middle finger ko.

"Pangalawa, dahil ayoko kong makulong." Sinabayan ko ito ng tawa.

"Ikaw? Pero paano at bakit?"

"Matagal ko rin pinlano toh. Being part of this agency is one of my plans. Mr. Summers, ako ang nagkumbinsi sa kaniya para maginvest dito. Sinabi ko rin sa kaniya na pilitin ka para lahat ng detective ay makasama sa imbestigasyon. Kasi alam ko na kapag si Ethan lang ang magiimbestiga mareresolba niya ito. Mabuti na rin na kasama ako sa imbestigasyon para mabantayan ko sila at maiililihis ko ito.

Ang bawat isang miyembro na kasama sa nagiimbestiga ay kasama sa plano ko. Si Shamae, kaya niya malaman na ako ang killer pero meron siyang kahinaan. Madali siyang magtiwala. She is emotionally weak.

Si Jianne kaya niyang malaman ang kinamatay ng mga bangkay ngunit wala siyang will na humuli ng mga criminal.

Si Dave, isang secret bounty hunter. Ginagamit niya ang pagiging detective para humuli ng mga criminal. Mas malaki ang kinikita niya sa pagiging bounty hunter. Ngayon siguradong masayang masaya siya dahil marami siyang mahuhuli.

Si Romnick, dating nerd sa school. Madalas siya binubully kaya ngayon nagkaroon siya ng transformation. Nagpalit ng pangalan, itsura, at katauhan. He tried to become a great detective para hindi na siya mabully ulit. Binully ko din siya dati kaya alam kong may galit siya sa akin. Dahil doon isanali ko sa case na ito si Nicholas ang lalakeng nambubully sa kaniya. Kung si Romnick ay mind reader, siguro ako ang mind controller.

Si Christopher isang normal na detective. Wala akong makitang butas sa kaniya kaya ginawan ko ito. Yung riddles niya ang ginamit ko para magkaroon siyang alinlangan na sagutin ang mga ito. Kung simpleng riddles lang ginamit ko sigurado akong kayang-kaya niya iyong sagutan. Dinagdagan ko pa ito sa pag-iwan ng mga letters sa likod ng mga riddles. H T P C R O I S E iyan ang mga letrang bumubuo sa pangalan na CHRISTOPHER. Alam kong mafifigure out niya iyon.

Si Ethan ang ideal detective. Ang pagiging almost perfect niya ang ginamit ko para maging butas niya.

Ginamit ko ang mga butas nila para paghinalaan nila ang isa't isa. Hindi ba ang galing ko?"

Nanatiling tahimik si Max at hindi makapaniwala.

"Hindi ba at may fingerprints ko yung bote ng lason na dahilan ng kinamatay ni Billie. Alam kong makikita nila na magkakaroon iyun ng fingerprints ko kaya pinakita ko kila Christopher at Dave na hinawakan ko ito.

Ako rin ang nagpatakas kay Nicholas para kasama pa rin siya sa pinaghihinalaan. Mas lalo na dahil dinidiin siya ni Romnick.

Ako rin ang nag-uutos kay Ralph nang mga gagawin at sasabihin niya. It was all scripted. Inutos ko na saktan niya ako para hindi nila ako paghinalaan. Yung pagkakataon na sinamaan ko siya nang tingin. Pagpapaalala ko iyon sa kaniya nang mga sasabihin niya dahil iyong mga mata ko lamang ang nakikita niya.

Umarte lang ako na nagooverthink ako nang mga bagay. Iyon ang paraan ko para dumami ang paghihinalaan. Mas madaming paghihinalaan mas confusing.

Ako ang nagsabi kay Mr. Summers na ilabas ito sa media. Ako ang nanghikayat sa mga criminal na gamitin ang simbolo ko para mas magulo at malayo sa akin ang atensyon. May mga nangyayaring krimen kahit hindi ako kumikilos at makikita nila ako kahit may nangyayaring krimen kaya malilihis sa akin ang tingin ng mga detectives.

Iba-iba ang paraan na ginamit ko para patayin sila. Para hindi nila ako ma-trace. Binigyan ko din ito nang iba't ibang klase nang rason."

"Nababaliw ka na!"

"Oo at ikaw ang next victim ko."

Nakatitig sa akin si Max. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Mukhang hindi ka ata makapaniwala. Yung iniwan kong clue nung nakaraang krimen."

Wala nang clue. Hanggang diyan nalang ang kaya ko. Sagad na.

"It refers to your name, Max. Lahat iyon ay planado na. Can you remember all the middle initials of the victims? Iyan ang apelyido ko Washington."

Joseph W. Williams
Lyka A. Cooper
Russel S. Turner
Billie H. Cervantes
Prince I. Collins
Pinky N. Griffin
Xander G. Ventura
Cecille T. Lewis
Michael O. Diaz
Max N. Jones

"Ikaw ang panghuling biktima ko."

"Bakit mo ito ginagawa?"

"Para makasama ako sa history. Hindi ba masaya na ako pa ang mastermind nito."

"Anong kahibangan iyan."

"Kahibangan? Para ito sa aking mga magulang. Ang mga magulang ko na naging best detectives of the decade na namatay. Hindi ko kayang mahigitan sila kaya ako nalang ang magiging the best serial killer."

"Best serial killer? Iyon lang ang dahilan mo."

Tumawa ako nang malakas.

"Alam mong revenge ang dahilan hindi ba?"

Natahimik ito bigla.

"Ginawa ko itong lahat para patayin ang taong pumatay sa mga magulang ko. Para patayin ka. Pinatay mo ang mga magulang ko kasi nahigitan ka nila. Ex ka ng mom ko. Nagpatong patong ang pagseselos mo kaya pinatay mo sila. Ikaw ang humawak sa kaso kasi ikaw ang best friend ng dad ko. Walang nangyari sa imbestigasyon dahil ikaw ang pumatay. Naging ulila ako kaya ginawa ko ang lahat para dumating ang araw na ito. Kaya hindi mo ko inalis sa agency kasi sa mga magulang ko ito at nakokonsensya ka."

"Bakit nandamay ka pa ng iba?"

"Para makita ng buong mundo ang apelyido ng pamilya ko."

Dumukot siya ng baril kaya inunahan ko siyang putukan at tinamaan ang dibdib niya. Hindi ako nag-iwan ng marka at umalis na sa lugar na iyon.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now