Chapter 18: Chaos

14 2 2
                                    


Pinatawag kami ni Boss Max.

"Ano to akala ko ba nahuli niyo na ang suspect pero bakit may namatay pa rin?" galit na tanong ni Max.

"Maybe patay na yung mga biktima bago pa namin mahuli si Ralph." sagot ni Jianne.

"Pero bakit naguguluhan pa rin kayo. Ian ano ba ang pinaggagawa mo. Maganda na ang reputasyon ng agency huwag niyo nang papangitin pa. Madali nang lalabas ito dahil sa media. Magtataka ang mga tao sapagkat alam nilang nahuli na ang killer."

"Nasaan po si Mr. Summers?" tanong ko.

"He is very disappointed sa ginawa mo Ian. Hindi ko na din siya macontact. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta."

Pagkalabas namin sa opisina ni Max. Biglang kumalat ang balita tungkol dito. Imbes na magalit ang mga tao sa killer ay namangha pa sila dito. Marami ring nagalit sa agency dahil ang tingin ng mga tao pinagloloko sila ng agency.

Binigyan ng mga tao ng code name ang killer na ito. The Genius Hunter. Sumikat ang simbolo nang killer na ulo ng lobo sa loob ng araw. Dahil dito, tumaas ang crime rate. Lumakas ang loob ng mga masasamang tao dahil hindi pa rin nakikilala ang killer. Ginaya ng ibang criminal ang ginawa ng genius killer kaya nag-iiwan din sila ng katulad na simbolo para na rin hindi sila mahuli. Pati na rin sa iba't ibang uri ng krimen ay mayroon na ring ganoong simbolo. Ang naiba lang ay wala nang mga riddles at pala-isipan na naiiwan sa mga ito.

Dumami rin ang pagtatag ng mga gang. Karamihan sa mga gang ay iisa ang naging simbolo na ulo ng lobo sa loob ng araw. Ang mga rebelde ganoon na rin ang ginamit na simbolo. Naging active ang mga ito sa paggawa nang kaguluhan. Hindi na kinakaya ng pulisya ang mga krimen na nangyayari. Kapag marami ang namamatay tinatawag nila itong The Genius Hunter's Festival.

Hindi nalang kami ang nagiimbestiga sa kaso ng may tatak na ito. Halos lahat na nangdetective ito na ang hinahawakan na kaso. Nagkaroon ng compitensya sa pagitan ng mga ito. Para malaman kung saan nagsimula ang mga kaguluhan na ito. Lumawak nang lumawak ang mga nasangkot sa kaso kaya kung sino-sino na rin ang pinaghinalaan ko. Nawala na rin kami sa atensyon nang mga tao.

Tinawagan kami ni Boss Max.

"Nalulugi na ang agency natin. Hindi ganito ang inaasahan kong mangyari. Nagsisisi ako sa ginawa ko pati kayo nadamay patawarin niyo ako." panghihingi ng tawad ni Boss Max.

"Okay lang po yun malaki na rin po ang naitulong niyo sa amin." sabi ni Shamae.

"Kung alam niyo lang ang ginawa ko para lang sa agency na ito. Siguradong isusumpa niyo ako." sabi ni Max na lugmok na lugmok at mukhang nagsisisi.

"Past is past hindi na natin maibabalik ang mga nangyari." sabi ko.

"This agency will disband. Magkakanya kanya na muna kayo."

Lumabas kami sa opisina. Si Shamae ay pumunta sa table niya at doon umiyak nang umiyak. Si Jianne naman ay lumapit sa amin isa-isa at yumakap. Si Christopher ay umupo sa table niya at nagbasa nang mga libro niya. Si Dave ay masayang nililigpit ang kaniyang mga gamit at mabilis ding umalis. Si Ethan ay hindi pa rin nagbabago ang expression. Si Romnick naman ay inis na inis at sinuntok pa ang pader.

"Nagsisinungaling si Boss Max." sabi ni Romnick.

"Nakakapagtaka dahil kakainvest lang din ni Mr. Summers." sabi ni Ethan.

Nagtinginan kami maliban kay Christopher na nakafocus lang sa kaniyang binabasa. Naupo ako sa upuan ko at nag-isip isip. Namaalam na sila at nagsiuwian ngunit hindi pa rin lumalabas sa opisina si Boss Max. Biglang nag 'flashback' sa isip ko ang lahat ng nangyari simula noong unang biktima hanggang ngayon. Kilala ko kung sino ang killer. Kumuha ako nang baril at nilagay ko ito sa likod ko. Pumasok ako sa loob ng opisina ni Boss Max na nakaupo pa rin.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now