Chapter 8: New Lead

26 3 5
                                    


Bumalik na sa normal yung office namin. Mga nakaharap na naman kami sa computer at wala sa field.

Pinatawag si Dave at nagkaroon ng panibagong kaso. Pumunta siya sa crime scene.

Maya-maya tumawag si Dave kay Shamae. Nagbago ang expression ni Shamae na parang nagulat.

"Kailangan daw tayo ni Dave sa kasong ito." sabi ni Shamae sa amin.

"For the first time nanghingi yan ng tulong sa kaso. Gaano kaya kahirap yung kaso na hawak niya at kailangan niya ng tulong." sabi ni Romnick.

"Edi tignan natin." sabi ni Christopher.

Nagpunta kami sa crime scene na sinasabi ni Dave. Isa itong malaking mansion. Parang parke ang bakuran nito. Pumasok kami sa loob at malawak ito parang museum. Sa gitna nandoon ang bangkay na may tama ng bala ng baril sa dibdib at malapit siya sa isang salaming basag.

"Pinaglalagyan iyun ng diamond na nanakaw." sabi ni Dave.

"Ahh pagnanakaw ang motibo ng biktima." sabi ni Christopher.

"Mukhang hindi naman ganoon kahirap iyang kaso bakit kailangan mo pang manghingi ng tulong sa amin?" pagtatanong ni Romnick.

"Dahil dito." Tinuro ni Dave ang no. 6 na nakasulat sa sahig. "Mukhang may na miss tayong isang crime. Sa pagkakatanda ko no. 4 ang huling biktima." dagdag nito.

"Hindi ba't nahuli na natin ang suspect. Titignan ko si Nicholas." sabi ni Romnick. Nagmadali ito palabas ngunit pinigilan siya ni Ethan.

"No, maiiwan ka dito upang makausap ang mga guards at maid." utos ni Ethan. "Pulis na ang bahala sa mga ganung bagay. Papapuntahin ko nalang si John dito." dugtong niya.

Dumating si John sa crime scene tulad ng inaasahan.

"Nakawala si Nicholas." pagbalita ni John na ikinagulat namin. "Nangyari iyun nung nagbantay kami sa aming paligid." dugtong nito.

"Paano siyang nakawala?" tanong ko.

"Iyun din ang pinagtataka namin dahil imposibleng makatakas siya mula sa loob." sabi ni John.

"Ibig sabihin mula sa labas ang nagpatakas sa kaniya." sabi ni Christopher.

"Hindi pa rin naman tayo nakakasigurado na may kinalaman si Nicholas dito." sabi ni Jianne habang ina-analyze ang biktima.

"May connection pa rin ito sa mga dating biktima." singgit ni Christopher habang nakatingin sa isang black board.

May marka yung black board nang ulo ng lobo sa loob ng araw ito na ang naging background nung black board. Sa likod nito ay may letra na R. May nakasulat dito.

N  E _ S

1  1  2  3  5  8  13  21  _

4  7  10 _ 16  19  22  25  28  31

840  420  280  210  168  _  120  105

7  14  28  56 _ 224  448  896  1792

O  T  T  F  F _ S

Simula ng segundo, wala sa minuto, at huli sa oras.

"Okay, Shamae give the identity of the victim and all of his connection."

"Jianne, continue the autopsy."

"Romnick, interrogate the guards and maids."

"Dave, Ian, and Christopher, answer what's written on the blackboard."

Umandar na naman ang pagiging bossy nito.

"Prince I. Collins. 38 years old. The president of Collins Corporation. Siya ang victim. A red diamond na nabili niya sa isang auction ang nanakaw. $564,000,000.00 ang halaga nito." sabi ni Shamae.

"He died from a gunshot, which is very evident." sabi naman ni Jianne. "What?! Wait. Did you say Prince?" Mukhang nagulat si Jianne sa pangalang Prince.

"Yes, why?" sagot naman ni Shamae.

"Yung bar code kasi sa bote ng lason ay 59-53-7-58. Kung gagawin nating atomic number ang mga iyan ang equivalent nito ay Pr-I-N-Ce na initials ng mga elements." paliwanag ni Jianne.

Si Romnick naman may hawak hawak na guwardiya na parang may kasalanan ito.

"Ang sabi nung isang maid nawalan daw ng kuryente kaya hindi gumana yung CCTV at yung lasers malapit dun sa pinaglalagyan ng diamond." sabi ni Romnick.

"Ano namang kinalaman niyan guwardiya na yan." tanong ni Ethan.

"Ang dahilan kasi nang lokong toh nagtitimpla siya ng kape at nagbabake sa may kusina dahil duty niya. Yun daw ang ginagawa niya sa mga oras na iyon. Nung pumunta ako sa kusina coffee bending machine at oven ang nandoon para magamit niya sa pagtimpla at pagbake wala ng iba." sabi ni Romnick.

"Baka W yung nasa unang blank? Kasi news ang unang word na pumasok sa utak ko." tanong ko kay Dave.

"Tama ka pero hindi iyun dahil sa word na news, it was the initial of North, East, West, at South." sabi ni Dave.

Nasagutan na ni Dave yung series of numbers.

"Letter S yung pang no. 6 kasi dalawa yung T tapos dalawa din yung F kaya dalawa din dapat yung S." sabi ko.

"Tama ka S yun pero dahil iyun sa first letter ng mga numbers." sagot ni Dave sabay tawa.

"Letter S yung sagot sa riddle." sabi ko.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Christopher na medyo kinabahan.

"Nabasa ko yan sa libro mo." sagot ko.

"Mukhang wala namang connect yan sa kaso eh sinasagutan niyo pa. Pinaglalaruan lang kayo." sabi ni Romnick.

"Pero eto lang ang lead natin." sagot ko.

May tumawag sa phone ni Shamae. Pinaghalong tuwa at kaba ang naging itsura ni Shamae habang may kausap sa phone.

"We have a new lead!" sabi nito pagkababa ng phone.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now