Chapter 9: Witness

21 3 2
                                    


Makalipas ang isang araw. Hindi na namin sinagutan ang nasa black board. Nagpunta kami sa lugar na sinasabi ni Shamae.

"Pinky N. Griffin nga pala ang taong pupuntahan natin. 29 years old. Isa siya dun sa maid ni Prince ngunit umalis ito nung nangyari ang krimen." sabi ni Shamae.

Isa itong bungalow na simpleng simple lang ang pagkakagawa. Pagkapasok namin bumungad sa amin ang isang babaeng nakabikti. Nakatali ang ulo niya gamit ang isang matibay na lubid. Slip knot ang ginamit nito sa pagtali niya sa kaniyang leeg.

May nakalagay na no. 7 sa sahig. Mayroon din ditong isang chest na may marka ng ulo ng lobo sa loob ng araw.

"Ohh no. Siya sana ang witness natin." sabi ni Shamae.

"Kung ganoon bakit hindi mo sinabi samin." sabi ni Ethan.

"Ka-kasi iyun ang sinabi niya. Nakita niya kung sino ang pumatay. Sabi niya dito daw kami magkita. Ramdam ko rin ang takot sa boses niya habang nagsasalita." sabi ni Shamae.

"Dapat kasi sinabi mo para naprotektahan natin siya." sabi naman ni Romnick.

"Ang sabi kasi niya na huwag ko daw sasabihin sa ibang opisyal dahil isa daw iyun sa killer." paliwanag ni Shamae.

"Sinasabi mo ngayon na may isa pang killer." singgit ni Jianne.

"Pwedeng siya mismo ang tunay na killer." sabi ko.

"Hindi ba nakatakas si Nicholas, ang killer. Kakatakas lang pumatay na naman siya." sabi ni Romnick.

"Kasalanan ko ito. Kasi hindi ko ka-agad na solve yung sequence." Agad namin siyang tinignan.

"Yung unang tanong W ang sagot. Pangalawang tanong ay Fibonacci sequence kada number nagreresemble sa letter ng Fibonacci at yung missing part ay yung panghuli, which is letter I. Sakto ang bilang ng numero sa letter ng kada sequence. Yung sumunod ay arithmetic sequence pang-apat na numero ang nawawala at letter T ito. Ganoon din sa sequence ng harmonic, yung pang-anim ang nawawala at ito ay letter N. At panghuli ay yung geometric sequence nawawala yung panglimang numero at letter E ito. Tapos S yung sunod na sagot mula sa mga unang letra sa mga numbers. Tapos S din daw ang sagot sa riddle sabi ni Christopher." paliwanag ni Dave.

F  I  B  O  N  A  C  C  I
1  1  2  3  5  8  13  21  _

A  R  I  T  H  M  E  T  I  C
4  7  10 _ 16  19  22  25  28  31

  H    A     R     M   O    N    I     C
840 420 280 210 168   _  120 105

G  E   O   M   E    T     R      I       C
7  14  28  56  _  224  448  896 1792

"Kapag pinagsama mo lahat ng mga sagot. It will be 'witness'. Kung nalaman ito ka-agad ni Shamae maliligtas sana natin ito." sabi ni Dave.

"It's okay wala kang kasalanan. Kasalanan ito ng killer." pagpapakalma ni Ethan.

"Magfucos tayo ngayon para mahuli na talaga natin kung sino yung killer." sabi ko.

"Hindi na natin maiibalik ang buhay ng mga patay. Ang kailangan nating gawin ay pigilan na may mamatay ulit." sabi ni Jianne.

"Ngunit paano nito nalaman na mayroong witness kung wala namang pinagsasabihan si Shamae." pagtataka ni Romnick.

"Alam na niyang mayroon siyang witness at hinintay niya itong magsumbong saka niya pinatay." sabi ni Ethan.

"Hindi ba't nagbigti siya." sabi ko.

"Isa siyang witness, yung numero, at iyang chest ay mga ebidensya na siya ay pinatay." sabi ni Romnick na parang nagmamalaki.

Lumapit si Jianne sa bangkay at ibinababa nina Christopher at Dave ang bangkay mula sa pagkakasabit. Inanalyze ito ni Jianne ngunit para siyang naguluhan.

"It was a suicide." sabi nito na ikinagulat namin. "May bali ang leeg niya at dito lang ang may galos. Kung murder ito dapat makakatamo din siya ng ibang galos mula sa pagpiglas." dagdag nito.

"Yeah, Jianne is right yung upuan dito may footprints niya." sabi naman ni Dave habang tinitignan ang upuan na pinakamalapit sa biktima.

"Paano kung nilason siya?" tanong ko.

"Kilala niya ang killer, I don't think she will take foods coming from the killer. Kakatapos lang din niyang makita ang krimen kaya may aftershock pa siya." paliwanag ni Ethan.

"Baka nabaliw siya kaya nagpakamatay." sabi ni Christopher.

"Yeah, I believe in you guys. Pero kailangan nating mahanap kung sino ang nagiwan nito at siya ang tanungin natin ukol dito." sabi ni Shamae habang pinanggigigilan yung chest.

"Mayroong susi dito oh." sabi ko.

The Overthinking DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon