Chapter 15: Media

17 2 3
                                    


Kinabukasan nakalabas na rin sa ospital si Dave. Ikinwento namin sa kaniya lahat nang nangyari at ang pakikipag-usap namin sa killer. Nagpunta kami sa opisina ni Boss Max. Nandoon sina Max at Mr. Summers na nagtatawanan. Huminto sila nung dumating kami ngunit halata pa rin ang pagiging maligalig nung dalawa.

"Sir, maistorbo na po namin ang katuwaan ninyo. Nandito po kami -" sabi ni Ethan na pinatigil ni Max.

"Nandito kayo para sabihin na mali ang pinaghinalaan ninyong killer." sabi nito.

Halatang nagulat ang mga expression ng mukha namin maliban kay Ethan at Romnick. Ang istura ni Romnick ay parang naiinis sa mga sinabi ni Max. Si Ethan hindi man lang nagbago ang kaniyang mukha. Alam kong nagtataka sila kung paano iyon nalaman nung dalawa samantalang kami-kami pa lang ang may alam.

"Alam na nang media ang tungkol sa serial killer na ito. Nag-invest na din si Mr. Summers sa agency natin."

"Mukhang kayo pa po ang may balita sa amin, boss Max." sabi ni Christopher.

"Dahil sa ginawa ninyong paghuli sa suspect malaki ang kikitain natin dito. Alam ko namang kayang kaya ninyo yan." sabi ni Max.

"Maraming news publishers ang kukuha sa story na ito. Pati na rin sa mga television ay kukunin ang balitang ito. Magtretrend din ito sa social media. Kaya makikinabang tayo nang malaki dito." sabi ni Mr. Summers sabay ngisi nito.

"Paanong nalaman ng media ang tungkol dito?" tanong ni Dave.

"Nilabas namin. Huwag kayong mag-alala dahil magandang istorya ito mas lalo na ang ginawa ng killer. Na nag-iiwan ng pala-isipan at nasagutan ninyo. Sisikat kayo at ang agency. May mga larawan naman ng crime scene hindi ba. Maraming magiinterest sa istoryang iyan."

"Paano naman yung mga biktima at yung pamilya nila? Magmumukhang pinerahan natin sila." sabi ko.

"Hindi ba ganoon din naman ang ginagawa niyo. Kumikita kayo dahil sa mga taong namatay. Ganoon talaga ang trabaho ninyo kung walang mamatay wala kayong kikitain." banggit ni Max.

"Magbabago na ang buhay niyo. Mula sa pagiging detectives maaari kayong maging celebrities. Kaya dapat magcelebrate tayo." singgit ni Mr. Summers.

Lumabas kami ng opisina nang may lungkot at pagkainis sa aming mga mukha.

"Dapat magsaya tayo kasi tapos na ang kaso." sabi ni Dave at bahagyang ngumiti kaya tumango nalang kami.

Habang naglalakad kami sa loob ng agency. Ang bawat nakakasalubong namin ay gumigilid pagkatapos yumuyuko habang nginingitian kami. Kapag kinakausap kami namumupo ang mga ito samantalang dati dinaraan lamang kami.

Pagkalabas namin ng agency maraming reporter ang lumapit sa amin. Kanya-kanya silang tanong ukol sa kaso.

"Hindi pa kami maglalabas ng kahit anong impormasyon." sabi ni Ethan.

Nagpumilit pa rin ang mga reporter sa pagtatanong ukol dito.

"Hindi pa kami maglalabas ng kahit anong impormasyon! Para sa mga hindi nakarinig." sigaw ni Ethan.

Nag-atrasan ang mga iyon at kitang kita sa mga mukha nila ang takot kay Ethan. Ganoon pa man matulin kumalat ang balita tungkol sa kaso. Maraming magagandang papuri ang natatanggap namin. Tumaas na rin ang sahod namin sa bilang detective.

Inayos na namin ang bahay na tinirhan namin. Aalis na kami rito sapagkat tapos na ang kaso.

"Parang may mali pa rin." sabi ko.

"Tsk, ayan ka na naman sarado na ang kaso. Kung ano ano na naman iisipin mo." sabi ni Romnick.

"Inisip ko lang si Nicholas kasi may kinalaman pa rin ito sa pagkamatay ng kaniyang asawa." sabi ko.

"Oo nga noh hindi pa rin pala nahuhuli si Nicholas." sagot nito. Tila nagkasundo kami ngayon.

"Hearing that. Papahigpitan natin ang pagbabantay kay Ralph para hindi siya makatakas katulad ni Nicholas." sabi naman ni Ethan.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now