Chapter 2: The Team

41 4 5
                                    


"I'm Christopher R. Rivera, solving riddles is my expertise. Nice to meet you all." Pakilala niya nang nakangiti.

"I'm Romnick H. Perez." sabi niya nang may pagsusungit. Mayroon siyang intimidating presence.

"Romnick Perez ang top 2 detective ng agency, magaling siyang magpaamin nang mga krimal at magaling magbasa ng expression or should I say Romnick the mind reader. Oops hindi pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si Shamae J. Fernandez, ang data collector ng agency." pagpapakilala niya nang masigla. She's cute.

"Ako si Dave C. Adams, former teacher ng sequence or patterns sa isang mathematical university." pagpapakilala nito.

"Ako naman si Doctora Jianne P. Evans, leader ng autopsy team. May ari kami ng isang body farm pinagaaralan namin ang nangyayari kung anong nangyayari sa katawan kapag namatay, kung ilang oras magdecompose ang isang katawan at -"

"Okay na po yun doktora." sabi ni Ethan.

"I'm Ethan E. Phillips, a detective nice to meet you all."

"Ako naman po si Ian Washington." sabi ko.

Pagkaraan naming magpakilala sa isa't isa. Sinabi ko lahat ng nakalap kong ibidensya sa kaso ni Joseph. Nagpunta na kami sa susunod na kaso na binigay ni Max.

Nasa gubat ito sa gilid ng kalsada. Isang magandang babae ang nakahandusay at wala itong suot. Nagdurugo ang ulo nito.

"Lyka A. Cooper 23 years old. Isang amateur model ngunit matulin ang pagsikat niya. Her father is Martin B. Cooper 56 years old and her mother is Elizabeth A. Cooper 53 years old." biglang sabi ni Shamae habang nakatingin phone niya.

"So siya yung sinasabi sa envelope na rising star." sabi ni Christopher.

"She was raped. Aside sa maselan niyang part na malaking proweba na siya ay ginahasa, yung mga galos niya sa katawan ay nagpapakita rin na siya ay nanlaban especially yung wrist niya na may bakat na kamay. Pinatay siya sa pamamagitan ng isang matigas na bagay na pinukpok sa ulo niya, more likely a stone." banggit ni Dra. Jianne na pinagaaralan yung katawan ng bangkay.

"May nakasulat na no. 2 dito sa may puno. Does he mean she is the second victim." sabi naman ni Dave.

Napansin ni Ethan ang isang envelope na katulad nung nakita ko sa bangkay ni Joseph.

Hindi ako mabubuhay kung wala siya, ngunit ako ang dahilan kung bakit siya mawawala. Kaya pigilan mo ako.

Iyan ang nakasulat sa loob ng envelope. Sa likod naman ay may nakasulat na letter T. Binasa naman ito ng malakas ni Ethan.

"According sa huli niyang letter, he is referring to himself. Nagpapapigil talaga siya or more like nanghahamon." banggit ni Christopher.

"Hindi kaya isa itong uri ng piste." sabi ko.

"It's fire. He is referring to a fire. At yung siya na sinasabi niya ay isang bagay na nasusunog. Ihanda ang mga bombero." sambit nito.

"Shamae, bigay mo lahat ng names at location ng malapit sa biktima. I'll talk to them." sabi ni Romnick kay Shamae.

Kinuhanan din namin ng litrato lahat ng maaring maging ebidensya.

Ilang araw ang nakalipas at nainterview na ni Romnick ang mga taong sinabi na ni Shamae.

"Wala sa kanila yung killer." sabi ni Romnick.

"Paano mo naman nalaman. Pwedeng magaling lang silang magpanggap kaya hindi mo mabasa ang iniisip nila." sambit ko.

"Yes, hindi natin masasabi kung sino talaga ang killer base on their expression." sabi ni Ethan kaya kumunot ang noo ni Romnick.

"Pero yung sinabi ni Romnick ay totoo. Ayun kay Jianne ginahasa ang biktima ngunit ang binigay na information ni Shamae at nainterview ni Romnick ay puro babae." dagdag nito kaya nawala din bigla ang kunot sa noo ni Romnick.

"Baka naman pinalabas lang na ginahasa siya para malihis ang tunay na rason sa pagkakapatay sa biktima." sabi ko nang may pag-aalintana.

"Natapos na yung autopsy, magaling talaga yung killer dahil kahit na ginahasa niya ito wala pa rin siyang naiwan kahit na fingerprints." pagbabalita ni Jianne.

"Mayroon sunog sa isang street." sabi ni Dave pagkababa niya ng phone.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now