Chapter 17: Confused

15 2 3
                                    


"Ano bang ginagawa mo Christopher?" tanong ko.

"Pinaglalaruan lang tayo nang taong nasa likod nito." sagot ni Christopher.

"Ilang beses na bang maaari nating mailigtas ang mga susunod na biktima sa tulong nito. Mukhang pinaglalaruan mo nga kami eh. Yung mga riddles na expertise mo pumapalya na. Matapos yung pangalawang riddle na matulin mong nasagutan bigla nalang ka nalang naguluhan sa mga susunod na riddles kahit na mukhang alam mo yung sagot."

Inawat ako ni Dave dahil medyo nagwawala na ko.

"Bitawan mo ko Dave. Isa ka pa. Lagi kang lumalabas tuwing gabi at uuwi kang hulas na hulas sa pawis. Hindi ko maintindihan kung ano ano ang pinaggawa mo dahil mukhang hindi naman basketball ang ginagawa mo. This killer is very smart."

"Ahh so exempted ka kasi hindi ka smart." pangkukutya ni Romnick.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sakin ha."

"Kasi ikaw ang pinaghihinalaan kong killer." sabi sa akin ni Romnick.

"Ano to, ako naman ang ididiin mo dahil nakatakas si Nicholas at sinabi ni Ralph na isa lang ang pinatay niya. Bakit hindi si Ralph ang tunay na killer ang panggigilan mo."

"Stop this nonsense, Ian." sigaw sa akin ni Ethan.

"Ikaw din feeling leader. Napakahirap mong basahin. Yung background mong blanko. Para kang hindi nageexist. Hindi kapani-paniwala ang resume mo."

"Ian, kumalma ka." pakiusap ni Jianne.

"Pati ba kami pinaghihinalaan mo?" tanong ni Shamae.

"Oo, kasi hindi ko na alam kung sino ang gumagawa nito. Baka isa itong organization or grupo. Baka isa sa mga katrabaho ni Joseph na bigla nalang nawala. O kaya yung guwardiya ni Prince. Kulang nalang pati multo paghihinalaan ko. Sina Nicholas, Ralph, Mr. Summers pati na rin si Boss Max na nag-alaga sa akin dito sa agency. O baka naman may kinalaman ito sa pagkamatay ng mga magulang ko."

"Okay lang yan naiintindihan ko ang nararamdaman mo." sabi sa akin ni Jianne sabay ngiti sa akin.

"Masaya ako na naging katrabaho ko kayo pero mukhang hanggang dito nalang ako."

"You think too much. Si Ralph lang ang may kagagawan niyan. Siguro tinatawanan ka nun kasi nauto ka niya." sabi ni Shamae.

"Kausapin natin si Ralph para maliwanagan tayo." sabi ni Ethan.

Pinuntahan namin kung saan nakakulong si Ralph.

"Paano ka nakapatay kahit nasa loob ka nang kulungan?" tanong ni Romnick.

"Sigurado ka talaga sa tanong mo." Sabay tawa nito.

"May susunod pa bang biktima ha." sabi ni Christopher.

"I don't know pero marami ang mamatay."

"Paano mo nasisikmurang pumatay ng inosente?" tanong ni Dave.

Tumawa ito ng malakas.

"Wala pa akong napapatay."

"Anong kasinungalingan yan." sabi ko.

"Hindi naman ako nagsisinungaling."

"Kung hindi ikaw sino? Sino ang nag-uutos sa iyo? Sino ang killer?" tanong ni Romnick.

Tumawa ulit ito na tila pinaglalaruan kami. Tinitigan namin siya nang masama. Huminto ito sa pagtawa.

"He is the smartest, strongest, and scariest man I've ever seen. Hindi ko siya kilala. Hindi ko pa siya nakikita maliban sa mga cold niyang mata. Nakakatindig balahibo siya kahit wala pa siyang ginagawa. Ang boses niya siguradong manginginig ang mga tuhod mo. Siya ang taong hindi mo gugustuhing makaaway. He thinks ahead of time."

"Anong dahilan mo para sundin siya. Tinatakot ka ba niya." tanong ni Dave.

"Kasi magandang sumunod sa mga taong katulad niya."

Tumawa na naman ito kaya umalis na kami doon at iniwan siya.

"Makapangyarihan ang taong tinutukoy ni Ralph. Hindi siya matatakot nang ganoon kung hindi talaga kayang pumatay nang taong tinutukoy niya." sabi ni Ethan.

"What if sinabi lang niya yun para lituhin tayo at isipin na hindi siya ang killer para maghanap pa tayo ng iba. Kasi kung totoong takot siya sa taong iyon hindi siya aamin kasi baka balikan siya nito." sabi ko.

"Yeah may punto ka diyan pero parang hindi naman siya nagsisinungaling." sabi ni Romnick.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now