Chapter 11: Together

11 2 3
                                    


Kinabukasan. Pinatawag ulit ang aming team dahil mayroon na naman daw na murder case.

"Nakatanggap kami ng report na nagsasabing nakakita siya ng murder mula sa isang bungalow. Limang lalake at dalawang babae ang suspect na sinasabi nito." sabi ni John.

"It was us. May kikitain sana kami ngunit nadatnan namin itong nagpakamatay." paliwanag ni Ethan.

"Residente nga lang pala talaga iyon." sabi Christopher.

Nagtipon kami sa isang bilog na table para isipin kung ano ibig sabihin nung mga clues na iniwan ng killer.

"Sigurado ba kayo? Hindi na natin ito kailangan." sabi ni Romnick.

"Baka sakali mailigtas natin ang susunod na biktima at mahuli na rin ang killer kung masasagutan natin ito." sagot naman ni Shamae.

"It was air. Air ang sagot doon sa riddle." sabi ni Christopher.

Natapos ang araw nang hindi namin nakuha ang ibig sabihin ng mga numero.

Kinagabihan. Mag-isa lang akong nakatira sa bahay. Nakalapag sa lamesa ko ang mga larawan ng mga biktima pati na rin ang mga clues na iniiwan ng killer. Sa gilid may picture frame namin nang mga magulang ko.

Biglang nawalan ng kuryente ang bahay ko. Nakita ko ang isang lalakeng naka-itim, may maskara at naka-suot ito ng gloves na kulay itim din. Kaparehas ng suot nung lalakeng nakita namin sa gubat. Parehas din sila ng pangangatawan noon.

Lumapit ito sa akin at tunutukan ako ng baril. Kaya sinuntok ko siya at sinipa palayo ang baril. Nagtambuno kami sa loob ng aking bahay. Mas malakas ako sa kaniya kaya ilang beses ko siyang napatumba. Nang naging dehado siya sa suntukan namin. Naglabas siya ng bakal na tubo. Hinampas niya ito sa akin at akin itong sinasangga gamit ang aking mga braso. Tinamaan niya ako sa bandang kaliwa ng aking noo. Umagos ang dugo ko mula rito hanggang sa aking baba at pumatak sa sahig. Nakita ko ang emergency button at dali-dali ko itong pinindot. Nang nakita niya iyon bigla siyang na balisa at kumaripas ng takbo upang makalikas.

"Hindi ninyo ako mahuhuli, detectives." sabi nito na pamilyar sa akin ang boses.

Mga ilang sandali lamang. Dumating na rin ang mga pulis, nurse, at mga kasama kong detective. Habang ginagamot ako napansin ko na hulas na hulas sa pawis si Dave. Alalang alala sa akin ang mga ito at paulit-ulit ang tanong kung okay ako. Maliban kay Romnick na ang tanong ay kung nakita ko raw ba ang itsura ng killer. Pinaliwanag ko naman sa kanila kung ano ang nangyari.

Kinuha ang baril na naiwan nung nakasuntukan ko para malaman ang identity nito. Walang nakitang fingerprints mula dito at hindi rin ito nakarehistro kaya hindi malalaman kung sino ang may ari.

Dumating si Boss Max at si Mr. Summers.

"Mukhang alam ng killer kung sino-sino ang tumutugis sa kaniya. Papabantayan ko kayo mula sa malayo para hindi ganoon ka-aware ang killer." sabi ni Max.

"Or more like gagawin kayong pain para mahuli ang killer." pagsinggit ni Mr. Summers sabay ngisi nito.

"Hindi kami papayag sa ganiyan." pagsalungat ni Jianne.

"Edi pagsasamahin ko nalang kayo sa isang bahay. Mas makakabuti ito sapagkat maaari ninyong tulungan ang isa't isa." suhestiyon ni Max.

Nagsiuwian ang mga kasama ko para kumuha ng mga gamit nila. Pagkaraan akong magamot pumasok ako sa aking silid at nagempake. Nilagay ko sa bag ang mga importanteng bagay kasama na ang larawan namin ng aking mga magulang.

Sumakay ako sa sasakyan at nagpunta kung saan kami mananatili ng aking mga kasama. Pagkarating ko doon nandoon na sila at nagaabang. Isa itong malaking bahay. Mayroon itong tatlong palapag. Mayroon kaming tigi-tigisang kwarto. Bawat kwarto ay may sariling banyo, kusina at sala. Katulad ito ng condo.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now