Chapter 16: Triple Murder

16 2 4
                                    

May mga kaunting pagbabago sa buhay namin. Bumalik na ako sa bahay ko. Biglang tumawag sa akin si Shamae.

"Mayroon tayong kasong hahawakan ulit."

"Pass muna ko. Hindi pa ako makamove on sa nakaraang kaso eh."

"Iyun na nga eh. Tungkol pa rin ito sa nakaraang kaso."

Nangmarinig ko iyon dali-dali akong pumunta sa lugar na sinasabi ni Shamae. Isa itong malaking bodega pagkapasok ko nandoon na sila. Lumapit ako sa kanila at nakita ang tatlong bangkay sa sahig.

"May nakalagay dito na no. 8 ngunit wala yung no. 9 at 10 kung yung mga numero na ito ay ang nagiindicate sa bilang ng biktima." sabi ni Christopher.

"No. 8?" pagtatakang sinabi ni Dave. Tinignan ni Dave yung mga dating larawan ng numero at pinakita ito kay Shamae. Tumango si Shamae na parang naintindihan ang sinasabi ni Dave.

"Hindi iyan number 8. May pattern ng pagsulat ang killer. Magkakaparehas ng pagsulat yung mga dating numerong nakasulat sa biktima." sabi ni Dave.

"Yung mga unang numero ay may iisang font style na ginamit. Kung susundan natin ang font na ito. Dapat mas maliit yung nasa taas na bilog ng eight kesa sa ilalim na bilog." si Shamae naman ang nagsalita.

"It's an infinity sign." singgit ni Ethan.

"Ang ibig sabihin noon hindi matitigil ang pagpatay nito." tugon ko.

"Huwag muna natin isipin iyan. Nahuli na ang killer kaya wala nang susunod." sabi ni Romnick.

"Bago pa lang ang pagkamatay nilang tatlo. It's been 4-5 days nung mahuli natin si Ralph. Ngunit sa itsura ng mga bangkay, mukhang 6-8 hours pa lang silang patay." sabi ni Jianne at lumapit sa mga bangkay.

"Pero hindi naman nakatakas si Ralph." sabi ni Romnick.

"Pagkalunod ang kinamatayan ng mga biktima. Salt water. May possibilidad na tumagal ang katawan nito dahil sa alat." dagdag ni Jianne.

"Shamae, may information ka na ba about sa kanila?" tanong ko.

"Ahmm yeah
Xander G. Ventura. 41 years old.
Cecille T. Lewis. 30 years old.
Michael O. Diaz. 38 years old."

Biglang lumingon si Ethan kay Shamae. Lumapit ito at tinignan ang mga pangalan ng biktima.

"Iyan pala ang ibig sabihin nun." sabi ni Ethan kaya napatingin kami sa kaniya.

"Naalala niyo ba yung sagot sa algebra? It was 15, 150, and 1500." dugtong nito.

"Oo naalala ko pero ano naman ang connect nun?" tanong ni Christopher.

"The number 15. Sa Roman Numerals ay XV. Para ito kay Xander Ventura.

The number 150. Sa Roman Numerals ay CL. Para ito kay Cecille Lewis.

The number 1500. Sa Roman Numerals ay MD. Para naman ito kay Michael Diaz.

Yung initial ng first at last name nitong mga victim ay ang Roman Numerals ng mga sagot sa iniwang clues ng suspect." paliwanag ni Ethan.

Kinuha naman ni Christopher ang envelope na may marka ng ulo ng lobo sa loob ng araw. Kinuha niya ito at ganito ang nakalagay.

Wala nang clue. Hanggang diyan nalang ang kaya ko. Sagad na.

"May limit din pala ang katalinuhan nito." sabi ni Christopher.

"Parang contradict naman ito sa ibig sabihin ng infinity." sabi ko.

Dumating naman ang may ari ng bodega. Nilapitan ito ni Romnick.

"Alam mo bang may mga patay dito sa bodega mo?" bungad na tanong ni Romnick.

"Hi-hindi po, hindi ko po alam."

"Ano ba ang tinatambak ninyo sa bodegang ito?"

"Wa-wala po."

Nginitian naman ito ni Romnick na para bang walang kinalaman ang taong iyon kahit na sobrang kinakabahan ito.

Tinignan naman ni Dave yung likod ng envelope kung may letra ito. Tatlong letra ang nasa likod nito. I S E ang mga letrang nakalagay dito.

"Ano ba talaga meron sa mga letrang ito." sabi ni Dave kaya binalikan niya yung mga dating letra nito.

H T P C R O I S E

"Ayan na lahat ng letrang nakuha natin." dagdag nito.

"May biktima din tayong na nalaktawan, baka meron din itong Isa pang letra." paalala naman ni Jianne.

"Baka jumbled letters lang yan." sabi ko naman.

Pinaikot-ikot naman ni Dave yung letra para makita kung anong ibig sabihin noon. Yung pangatlong subok sana ni Dave ay bigla nalang hinagis ni Christopher ang mga letrang iniikot ikot nito. Nagulat kami sa ginawa ni Christopher.

The Overthinking DetectiveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt