Chapter 12: Doubt

12 2 5
                                    


Gumising ako sa ibang lugar. Masakit pa rin ang sugat ko sa noo. Pagkalabas ko nakita ko silang nag-uusap. Si Jianne mukhang balisa at ilag sa amin.

"Jianne okay ka lang ba?" pangangamusta ni Shamae.

"Y-yeah okay lang ako." sagot naman nito.

"Iniisip mo na baka isa sa atin ang killer tama ba?" tanong ni Romnick kahit alam naman niya na iyon ang iniisip ni Jianne.

Hindi na nakapagsalita si Jianne pagkaraan sabihin ni Romnick ang mga iyon.

"Hindi lang naman tayo ang may alam ng imbestigasyon eh." sabi ko.

Tumingala si Jianne at ngumiti. Kahit bakas pa rin sa mukha niya na nangangamba siya sa mga possibilidad na isa sa amin ang killer.

"We should list all the possible killer." sabi ni Ethan. "We know that the killer is a male and he knew about our investigation." dagdag nito.

"Kasama tayong lima hindi ba?" sabi ni Christopher.

"Si boss Max at si Mr. Summers alam din ang imbestigasyon natin." sabi naman ni Dave.

"Pati na rin si John at ang ibang pulis ay may alam din." sabi ni Shamae.

"Maybe it's someone na hindi pa natin nakikilala. Or someone na nakilala natin na nakaligtaan lang." sabi ko.

"Kung sino sino pa ang iniisip ninyo. It was clearly Nicholas na nakatakas." pagpipilit nito.

"Patuloy pa rin naman siyang hinahanap at kailangan nating madiskubre kung sino sino pa ang kasabwat nito." sabi ni Ethan.

"It feels strange na lagi mo nalang ginigiit si Nicholas. May connection ka ba sa kaniya." sambit ko.

"Ikaw nga itong kung sino sino pa ang iniisip samantalang sigurado na tayo na si Nicholas iyon." sabi ni Romnick.

"Yung lalakeng umatake sa akin. Hindi boses ni Nicholas iyon." sagot ko.

"Ano gusto mong palabasin ha!" sabi nito.

Unti-unti nang uminit ang tensyon at unti-unti na rin ang paglakas ng boses namin ni Romnick.

"Siguro ikaw ang killer kaya pilit mong idinidiin na makulong si Nicholas. Para makulong siya at malayo sa iyo ang atensyon."

"Ako? Baka ikaw kaya kung sino sino ang pinaghihinalaan mo para hindi isipin na ikaw ang killer."

"Tinitignan ko lang ang mga possibilities na pwedeng mangyari."

Inawat na kami bago pa magkaroon ng suntukan.

"Sorry, nadala lang ako sa kagustuhang matapos ang kaso." sabi ko.

Tumango naman siya.

Ilang araw na ang mga nagdadaan ngunit naging tahimik na bayan. Hindi na kami nakakatanggap nang report tungkol sa mga patay.

Gumising ako ng midnight at naisipang lumabas. Bago ako lumabas nakita kong pumapasok ng tahimik si Dave at hulas na hulas sa pawis.

"Saan ka galing at hulas na hulas ka sa pawis."

"Ah e kasi nagbabasketball ako."

"Nang-hating gabi?"

"O-oo para hindi ganoon kainit tyaka may trabaho kasi tayo tuwing umaga."

"Ahh ganoon ba sana hindi ka gumagawa ng mga kalokohan."

Ngumiti ito sa akin nang saglit at tuluyan nang tinalikuran ako sabay pasok sa kwarto nito. Lumabas naman ako nung gabing iyon.

Madalas kong nakikita na lumalabas si Dave tuwing gabi ngunit binalewala ko nalang ito.

Isang gabi habang nililibot ko ang bahay. Nakita ko si Ethan sa isang lugar ng bahay na hindi namin pinupuntahan dali-dali nitong tinago ang mga files nung napansin niya ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Wala." sinabi niya iyon ng walang pagbabago sa cold niyang mga tingin.

"Pinaghihinalaan kita." sabi ko ngunit walang nagbabago sa mga titig niya. "Masyadong malinis ang background mo. Masyadong kang nakakapanhinala. Lahat ng kaso mong hinawakan noon hindi nagtatagal at matulin mong nareresolba. You are very hard to read."

"Ano naman ang rason ko?"

"To become the best detective in the world am I right? You are frustrated kasi kahit gaano ka kagaling hindi ka nakakasama sa mga list ng top detectives."

Tumalikod na ko at naglakad na palayo.

"Pinaghihinalaan din kita. Bilang may pinakamababang ranggo sa kabila nang pagiging best detective of the decade, ang mga magulang mo."

"Sa tingin mo papatay ako sa ganiyang kababaw na rason."

"Ganoon din sa akin."

Tuluyan na akong umalis sa lugar na iyon.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now