Chapter 5: Suspect or victim

30 3 3
                                    

Nakarating na ako sa 81 apple street, city of Malunggay. Isa itong bahay na may katamtamang laki.

"Hello is anyone home." pagtatawag ko ng tao sa bahay ngunit walang sumasagot.

"Mrs. Cervantes! Mrs. Billie Cervantes!" Paulit-ulit kong tawag.

Sa wakas may narinig akong kaluskos. Kaya pumasok na ako. Nilibot ko ang buong bahay. Nakita ko isang babae sa kusina na nakawak sa kaniyang dibdib at hindi na makapagsalita.

"Mrs. Cervantes?" tanong ko. Bigla nalang siyang bumaksak sa sahig.

Kaya agad-agad ko itong pinuntahan at tinignan kung buhay pa ito. Nakumpirma ko na patay na ito. Agad-agad akong tumawag sa mga kasama ko para pumunta sila dito. Ilang minuto pa dumating na rin sila ngunit wala pa rin yung dalawa.

"Inabutan mo nalang ba siyang patay?" tanong ni Ethan.

"Hindi, buhay pa siya nung inabutan ko. Masakit ang kaniyang dibdib. Siguro inatake siya sa puso." sabi ko.

Nilapitan ni Jianne yung bangkay.

"Wala naman siyang galos or kahit anong physical injury na magdudulot para ikamatay niya." paliwanag ni Jianne. "Pero base sa formation niya para talaga siyang inatake sa puso." dagdag nito.

"Parang may mali, inatake siya sa puso at hindi pinatay." sabi ni Dave.

"Pwede kasi siyang nilason." sabi ni Ethan.

"Wala ring mga clues dito. Wala Yung envelope, number, at yung riddle." sabi naman ni Christopher.

"Hindi kaya, hindi si Mrs. Cervantes ang tinutukoy ng killer." sabi ko.

"Iniwan ko sa police station yung Billie na nakasama ko kanina para makasiguradong safe siya." sabi ni Ethan.

"Nakausap ko kanina, yung isang Billie mukha namang okay siya and besides marami siyang kasama sa bahay." sabi ni Jianne.

"Nakita ko kanina yung Billie malaki ang katawan nito bigla ka namang tumawag kaya hindi ko na siya kinausap dahil mukha sanay makipaglaban ito." paliwanag sa akin ni Dave.

"Hi-hindi ko napuntahan." nanginginig na sabi ni Christopher. Kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya.

"Bigla kasing tumawag si Ian akala ko safe na yung babae kaya hindi ko na napuntahan." pagpapaliwanag niya.

Tumawag kami kay Shamae kung meron siyang impormasyon upang mas madali naming makumpirma na okay lang yung isang Billie.

"Alam ko na contact number nun kaya tawagan niyo nalang. Itetext ko sa inyo." sabi ni Shamae mula sa kabilang linya ng telepono.

Tinawagan namin iyun at ligtas naman ang Billie na iyun kaya binalaan nalang namin siya at pinagingat.

"So, Mrs. Cervantes talaga ang tinutukoy nung killer." sabi ni Dave.

"What if yung Billie na tinutukoy sa nakaraang kaso ay yung murderer at hindi ang victim?" sabi ko ng may pagtataka.

"Bakit naman magiiwan ng clue yung murderer ng kaniyang pagkakakilanlan." sabi naman Jianne.

"He or she is already challenging us to find him or her." sabi naman ni Ethan.

"Ngunit may patay na Billie ngayon baka siya na talaga yung tinutukoy sa nakaraang case." singit ni Christopher.

"Baka kasi ginawa lang na pain ang pagkamatay ni Mrs. Cervantes para malihis ang pagiging killer ng isa sa mga Billie. Aghh I overthink again." banggit ko.

"It's good. Imomonitor natin ngayon ang galaw ng bawat Billie para sa kailigtasan nila. At the same time malaman din natin kung mayroong suspicious sa kanila." sabi ni Ethan.

"Siguro unahin muna natin itong bangkay na ito." pagsinggit ni Jianne.

Nakita namin ang phone ni Mrs. Cervantes. May pattern lock ito kaya inabot na namin ito sa magaling sa mga pattern, Dave. Hiningahan ito ni Ethan na nagsipilyo pala sa banyo na iyun. Kahit may mga ilang fingerprints na nakasagabal sa pattern ng phone ay nagawa pa rin itong buksan ni Dave. Tinawagan namin ang asawa nito.

"Patay na po si Mrs. Cervantes." sabi ni Dave sa phone.

Bigla namang may dumating na lalakeng umiiyak. Kinuha ka-agad ni Ethan ang lalake upang kuhanan ng pahayag. Dinala narin ng autopsy team ang katawan ng biktima kasama si Jianne. Naiwan kami upang maghanap pa ng ibidensya doon sa bahay.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now