Chapter 14: The Man Behind the Mask

10 2 6
                                    


Pinosas namin ito sa upuan. Bigla itong tumawa na parang demonyo. Bigla itong sinapak ni Romnick. Tinanggal namin ang maskara nito. Dinilaan niya ang sugat niya sa labi tyaka tumawa nang mas malakas.

"Ano bang motibo mo? Bakit ka pumapatay?" tanong ni Jianne.

Tumawa ulit ito tapos biglang sumeryoso ang mukha.

"That's rude. You should tell your names first."

"Okay, I am -" pagpapakilala ni Ethan na hindi natuloy.

"Because it's fun being part of the history!"

"Pinatay mo sila para lamang sa mga kalokohan mong history." sabi ni Shamae.

"First, hindi ito kalokohan. In the end, all of us will die. Kaya mas maganda na may maiiwan ka dito sa mundong ito kahit na sa pinakapangit na paraan. Kontento na ba kayo na mamatay kayo sa mundong na hindi man lang napapansin. Hindi ba Ethan? Yung mga taong namatay dapat magpasalamat sila dahil may katuturan ang pagkamatay nila. Malaki ang naging parte nila sa magiging history."

Nagising na si Christopher at lumapit sa amin habang hilot-hilot Ang kaniyang batok.

"Inagawan mo sila ng buhay tapos ngayon sasabihin mo na dapat pa silang magpasalamat." sabi ni Christopher.

Tumawa na naman ito.

"Hindi ninyo mapipigilan ang pagpatay."

"Anong sinasabi mo na magiging part ng history. Samantalang confidential lahat ng impormasyon tungkol sa kasong ito." sabi ni Ethan.

Humalagakhak naman ito.

"You will know it. In the near future."

Ngimisi nanaman ito. Huminto siya sa pagtawa at nagseryoso ang kaniyang mukha.

"It was planned long ago and even the best detectives cannot stop it."

"Mabalik na tayo sa trabaho para makulong na ang lalakeng ito." sabi ko.

"Shamae, give me details about this guy." utos ni Ethan.

"I'm Ralph Smith. 34 years old."

"Yeah, he is right that's his name." sabi ni Shamae na kakahanap lang sa lalakeng ito sa kaniyang phone.

"Bakit ka naman nag-iiwan ng mga clues at yung ulo ng lobo sa loob ng araw?" tanong ko.

"Para may thrill. Ang boring kasi kung papatay ka lang ng normal. Tyaka hindi ito makakasama sa history kung simpleng murder lang ang magaganap."

"Paano mo naisip yung mga riddles na pati si Christopher ay nahirapan. Tyaka yung mga letters anong ibig sabihin noon?" tanong ni Jianne.

Tumingin ito kay Christopher nang nakangiti. Umiwas naman ng tingin si Christopher.

"Secret no clue." sabay tawa nito.

"Si Nicholas anong connection niya sayo." tanong ni Romnick.

"Nicholas?.... Ahh si Nicholas yung pinagkamalan ninyong killer."

"Hindi naman siya pinagkamalan may proweba kami at umamin din siya!" sambit nito na nakakunot na ang noo.

"Maybe siya ang pumatay sa asawa niya. Maybe may kinalaman ako sa pagpatay. Maaari siyang kasuhan ng paricide pero hindi multiple murder."

"Nasaan siya?" tanong ni Romnick.

"I don't know. Maybe he go to a far place. Maybe he hides. Maybe he is the 5th victim."

"Si Pinky, nagpakamatay ba talaga siya o pinatay mo?" malumanay na tanong ni Shamae.

"Oww Pinky the Crazy. A ghost murdered her. Nakita niya ang amo niya o ang kaniyang kasintahan na namatay sa harap niya."

Nagtaka ang mga mukha namin sa sinabi niya. Tumawa siya nang makita niya ang mga mukha naming nagtataka.

"Si Prince ang kasintahan ni Pinky na kaniyang maid. Nakita lahat ni Pinky ang pangyayari. Nakatingin sa kaniya ang kaniyang nobyo na tinututukan ng baril. Nanghingi ng tulong si Prince kay Pinky ngunit wala itong ginawa. Sinisisi ni Pinky ang kaniyang sarili sa pagkamatay ni Prince kaya nabaliw siya. Binabangungot siya lagi pagkatapos mamatay ni Prince. Kaya nagpakamatay siya para hindi na niya makita si Prince."

"Bakit alam mo? Anong ginawa mo sa kaniya?" tanong ni Ethan.

"Ahmm pinakita ko lang naman sa kaniya ang kaniyang kasintahan."

"Binaliw mo si Pinky para magpakamatay." sabi ni Shamae habang tinakpan ang kaniyang mga bibig na nakabuka dahil sa sinabi ni Ralph.

Tumatawa pa rin ito. Hanggang sa dumating na sila John para hulihin ito.

The Overthinking DetectiveWhere stories live. Discover now