PROLOGO

3.3K 107 9
                                    

Islaw POV

" Inay, Itay! Mauna na po ako ng hindi po ako tanghaliin sa daan!"

Masaya kong sabi kay Inay at Itay habang hawak hawak ko ang tali ng alaga naming kalabaw.

" Iho, Mag ingat ka sa daan anak...lalo na at marami ngayong turista na nag dadaan dito sa atin"

Sabi ni Inay. ngumiti naman ako sa kanya bago mag salita.

" Aba! Inay ako pa po ang mag ingat? Dapat sila ang mag ingat at baka masungay sila ni Lakas"

Sabi ko sa kanila sabay himas sa ulo ng alaga naming kalabaw na si Lakas.

Si Lakas ang tangi Kong kaibigan sa amin dahil sa nasa probinsya lang kami at mag kakalayo ang mga bahay dito ilang metro pa ang layo ng tindahan dito mismo sa bahay.

Hindi naman kami mahirap, Hindi rin kami mayaman masasabi mong may kaya kami dahil sa malawak naming sakahan pero kahit ganoon ay nanatili parin kaming mapag kumbaba.

" Naku Islaw ikaw talagang bata ka Oo...Sige na lumakad ka na at baka maluhi ka pa mamayang tanghalian"

Sabi ni Itay kaya kinuha ko ang sumbrelo ko sabay suot ko nito at nag paalam na ako kina Inay at Itay.

At nag simula na akong mag lakad papunta sa daan.

Balak ko kasing mamalengke ngayon, Paubos na rin ang mga inimbak namin kaya kailangan ng bumili.

Medyo malayo pa naman ang palengke sa min mahirap ang sasakyan kaya nga sinama ko si Lakas para may kasama akong mag buhat ng mga pinamili ko.

Makalipas ang trenta minutos ay nasa palengke na ako tinali ko muna si Lakas sa isang puno at binigyan ito ng makakain bago ako pumasok sa palengke.

Napa ngiti ako ng makita kong maraming bagong bagsak na gulay ngayon dahil araw ngayon ng martes,Ito ang araw kung saan maraming mga nag bebenta ng kanya kanya nilang mga produkto.

Agad naman akong pumunta sa tindahan ni Aling Mirasol kung saan ako makakabili ng mga sariwang itlog.

" Aling Mirasol magandang umaga po!"

Masaya kong sabi sa kanya sabay ngiti.

" Islaw ikaw pala iyan! Magandang umaga rin, ilang tray ba ang kukunin mo?"

Sabi nito sa akin.

" Apat po Aling Mirasol..Yung pinaka sariwa po na itlog"

" Syempre baman Islaw ikaw ng pinaka paborito kong  suki ko eh"

Sabi nya sa akin at saka natawa naman ako sa sinabi nya.

" Islawwww!!!"

Isang matinis na boses ang biglang umalingaw-ngaw sa buong palengke.

Ang boses ng anak na babae ni Aling Mirasol si Mira.

Bigla itong kumapit sa braso ko na parang tuko sabay ngiti nito sa akin ng ubod ng tamis.

" Maganda umaga Mira..Ang aga mo ata ngayon?"

Malumanay kong sabi sa kanya.

" Sympre naman Islaw alam kong darating ka ngayong araw na Ito kaya inagahan kong pumunta dito para lang makita ka"

Sabi ni Mira at ngumiti lang ako sa sinabi nya.

Masasabi kong may gusto si Mira sa akin...Hindi sa pag mamayabang ang sabi nila ay gwapo ako dahil sa chinito ako dahil may lahing instik si Inay.

Masasabi ko din na maraming nag kakagusto sa akin pero kasi wala akong balak na mag karoon ng nobya dahil gusto ko munang tulungan si Inay at Itay sa bukid.

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now