Chapter 1

47 3 0
                                    


Maly Jasmine Imperial's POV

"I think, it's not gonna work out."

Dahan dahan na inalis ni Mark ang hawak niya sa aking kamay ngunit bago pa niya ito mabitawan ay hinawakan ko ang kamay niya at diretsyong tinignan siya sa mga mata niya.

"Mark.." bigkas ko sa pangalan niya ngunit mukhang buo na ang desisyon niya at hindi ko na yun mababago.

"Sorry Maly, please just let me go, let's break up." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Naramdaman ko ang mainit na luha na bumagsak galing sa mga mata ko.

Hindi ko kaya, hindi ko kaya na mawala siya.

"Mark please, huwag mo ko iwan. Titiisin ko lahat ng sakit, huwag mo lang ako iwan." sambit ko at lumuhod sa harap niya.

"I'm sorry Maly, I've made up my mind, mas mahal ko si Ember. I just can't, hindi ko kayang makita na nasasaktan ka lalo na si Ember. I'm sorry."

Matapos niya yun sabihin ay inalis niya ang kamay ko saka naglakad palayo.

Nakatingin lang ako sa pigura niya habang naglalakad palayo kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Bigla ko naman naramdaman ang patak ng ulan ngunit hindi ako nag-abalang tumayo at sumilong.

Nasa playground ako ngayon malapit sa subdivision namin. Pinapunta kasi ako dito ni Mark dahil may sasabihin daw siya. This place used to be our favorite spot.

Si Mark ang boyfriend ko for 2 years. Akala ko okay kami ngunit isang araw nalaman ko na, he cheated. He cheated on me for months but I love him so much kaya nagpaka-martyr ako. I know pero hindi ako nakipagbreak, until this time. He just broke up with me because of that Ember, yung babaeng nahanap niya at hindi nakonsensya kahit alam niyang may girlfriend yung nilalandi niya. I pleaded but he refuse and It hurts. Sa huli ako pa din pala ang hindi niya pipiliin. Sabagay, I've never been a priority, and when it comes to options, I've never been chosen.

Napabugtong hininga ako at nanatili akong nakaupo at nakatingin sa paligid, naaalala ko ang mga masasayang alaala namin dito ni Mark.

Niraramdam ko ang mga patak ng ulan sabay ng pagpatak ng luha galing sa mata ko.

Tumingala ako at nakikita ko ang madilim na langit. Walang mga bituin, walang buwan na sumisilip. Napahagulgol ako, kahit ata tala ay nakikiayon sa akin, nalulungkutan sa akin kaya parang ako ay dinadamayan nila.

Nagtaka naman ako nang biglang hindi ko nararamdaman ang ulan, naririnig ko naman ang bawat patak nito.

Napaangat ang tingin ko at nakita kong may nagpapayong sa akin.

"Sino nagsabi sayong magpaulan ka? At bakit ka nakaupo lang diyan? Mamaya magkasakit ka." sabi ni Gust.

Inalalayan niya ako para tumayo at kinuha ang panyo niya.

"Wipe your tears. Ipunas mo rin yan sayo, para mabawasan yang kabasaan mo." sambit niya at inabot sa akin ang panyo na agad ko namang tinanggap. "Ihahatid na kita sa inyo."

Lumakad kami papunta sa bahay dahil malapit lang naman.

Nang malapit nasa gate na kami ay bigla niya akong niyakap.

"Say your problem on other time, for now, rest Maly, I knew it's tough. I saw him earlier, I know something happen. I'm here for you." bulong niya sa akin saka humiwalay sa yakap.

He tapped my shoulder and smiled. Pinilit kong ngumiti.

"Thank you Gust."

****

"You do what?!"

"Nahihibang ka na ba?!"

Napangiwi ako sa sigaw ng dalawa kong kaibigan. Si Ley at Ara.

"Are you out of your mind? Bakit naman nagpakamartyr ka?!" singhal ulit sakin ni Ley na ngayon ay nakatingin sa akin na salubong ang kilay.

"Can you please lower your voice?" sabi ko at napataas naman ang kilay ng dalawa.

"Hayaan mo, hayaan mo na malaman ni Tita ang pagkamartyr mo." walang ganang sabi ni Ara.

Nandito kasi kami sa kwarto ko, bigla kasi sila pumasok sa kwarto ko na kay aga nambulabog. Nalaman daw kasi nila kay Gust na nagpaulan ako kagabi, pero hindi naman sinabi ni Gust kung ano ang nangyari kaya sila nandito. Gusto lang daw nila ako makita at sa huli ay nasabi ko din sa kanila ang nangyari.

"Ewan ko ba sayo Maly, bakit minsan sobra ka magmahal? What I mean hindi mo nalilimitahan, at umaabot sa puntong hanggang niloloko ka, hindi mo pa din mabitaw-bitawan yung tao." sabi ulit ni Ley at umupo sa kama ko habang nakatingin sa akin ng seryoso saka nagpangalumbaba.

Nakaupo lang kasi ako sa kama at nakasandal sa headboard.

"Siguro talaga sa pag-ibig ay mabubulag ka pero Maly hindi mo naman pwede pilitin yung tao na mahalin ka o kaya naman hindi mo pwede pilitin yung tao na pahalagahan ka o manatili sa tabi mo. Isa pa, hindi naman lahat ng tao na dumating sa buhay mo ay mananatili sa tabi mo hanggang dulo. May mga tao kasi na magiging lesson lang sayo, to build you, ang ibig kong sabihin ay para patatagin ka lalo, para kapag dumating na yung tao na para talaga sayo, handa ka na, hindi ka na mangangapa pa." nakatingin lang ako kay Ara habang nagsasalita siya, habang siya ay nakaupo sa study table ko at iniikot ikot ang ballpen na hawak niya.

"Tama. Remember the saying, everything happens for a reason. Lahat ng bagay sa mundo Maly may reason, yung tao pa kaya diba? Malay mo Mark isn't just the man for you, at gusto lang ni Lord na mas patatagin ka." sambit ni Ley at ngumiti.

Bigla naman lumapit si Ara at hinaplos yung pisngi ko.

"Huwag ka na umiyak nandito naman kami para sayo." sabi ni Ara saka ako nginitian at umupo na din sa kama ko.

Pinunasan ko naman ang pisngi ko, hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko.

Akala ko naubos na ang luha ko kagabi. Pagkapasok na pagkapasok ko kasi ng kwarto ko kagabi ay umiiyak na ako. Hindi na rin ako nakakain ng hapunan kagabi. Siguro nga napagod lang ako kakaiyak kaya ako nakatulog.

"Tara na, bumaba na tayo at nakapagasikaso na daw si Tita ng pagkain, sabi niya hindi ka daw kumain ng hapunan kagabi."

Bago pa man sila tumayo ay hinawakan ko ang kamay nila. Napatingin naman sila sa akin, nginitian ko sila.

"Thank you." sabi ko at niyakap naman nila ako.

I'm so lucky to have these friends.

****

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now