Chapter 22

4 0 0
                                    





Nandito ako ngayon sa bahay at nasa kwarto lang. Wala akong pasok ngayon dahil may meeting ang lahat ng prof. Nagpapatugtog lang ako ngayon sa bluetooth speaker ko.





Nakahiga ako ngayon sa kama. Bored na ko, at parang nagawa ko na lahat ng pwede gawin dito sa bahay, naglinis na ako, nalinis ko na pati yung sulok sulok, naikot ko na rin ata ang bahay. Nandito naman si Mama, nasa sala siya kaso lang ngayon may ginagawa siya sa laptop niya na para sa company, naintindihan ko naman yun at walang problema sa akin, para sa akin din naman yun at para sa future ko.





Maya maya lang ay umupo ako at nilagay ang kamay ko sa baba saka nag-pout.





"Ano kayang pwedeng gawin?" usal ko at umiling.





Humiga naman ako ulit at ini-spread ang kamay ko. Napailing ulit ako at bumugtong hininga. Ang gulo ko naman ngayon.





"Maly! Lucas is here! Your boyfriend surprise you!" narinig ko naman ang sigaw ni Mama.





Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko si Mama. Alam ko kasi ay may ginagawa si Lucas kaya hindi ko muna siya tinetext o tinatawagan, tapos ngayon nandito siya?





Tumayo naman ako at pinatay ang bluetooth speaker saka kinuha ko ang cellphone. Bumaba naman ako at nakita ko si Clyde na nakaupo sa sofa habang si Mama ay nakaupo sa single couch. Ngiting ngiti naman silang dalawa ng makita ako, muli ay napakunot ang noo ko.





Nang makalapit ako ay ngumiti si Mama. "Maly, tignan mo napakasweet ng boyfriend mo dinalhan ako ng bulaklak." sambit nito saka pinakita yung mga pink roses na nakaboquet. "Thank you, Lucas!" dagdag pa ni Mama at nginitian si Clyde.





Nginitian siya ni Clyde at tumingin naman sa akin si Clyde at sumilay naman ang isang genuine na ngiti sa labi niya saka may inabot na isang box ng chocolate, "Ayan yung sayo, tutal mahilig ka din sa chocolate. Roses ang binigay ko kay Tita kasi alam kong bawal siya masyado sa matatamis."





Napangiti ako at kinuha ang chocolate. "Thank you. Bakit ka nga pala pumunta dito? Akala ko may ginagawa ka?"





"Hindi mo sure kung anong ginagawa ko." mapagbiro na sabi niya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. "Ito naman, nagbibiro lang ako. May ginawa nga ako, nagpaayos ng roses at bumili ng chocolate saka pumunta dito sa bahay niyo. Ginagawa naman yun diba?"





Napairap ako sa sinabi niya, pero may point naman siya, ginagawa pa rin yun.





Bigla namang may umubo at napatingin kami kay Mama, ngumiti siya sa amin at sinara ang laptop niya.





"Why don't you go out on a date? Tutal may darating na investors dito sa bahay ngayon. Okay lang na lumabas kayo 'til 9pm tonight."





"Oh, okay Tita. Sure!" pagpayag ni Clyde at ngumiti ako saka tumango.





Sanay na naman ako na may investors na pumupunta dito sa bahay, pero kapag ganun madalas ay nasa kwarto lang ako. Hindi ako lumalabas hanggang sa matapos o kaya naman ay nakikita ako ng mga investors which is okay lang kila Mama. Paminsan minsan din ay umaalis ako.




Agad naman akong umakyat at nag-ayos na para umalis.



-----




Papunta kami ngayon ni Clyde sa Night Carnival. It's already 5pm na at sakto lang ang oras para simula ng Night Carnival. Madalas ay 5pm ay nagsisimula na ang Night Carnival dito.





Ilang minuto pa ay nakarating na kami. Nagpark kami sa isang slot doon. Tinanggal namin ang helmet saka niya ito itinali sa motor. Nilagyan naman ng lock ni Clyde ang motor, tinignan niya ako at ngumiti sa akin.





"For safety purposes." sambit naman niya sa akin.





Tumango naman ako, sabagay nga naman hindi namin alam kung may masamang loob sa paligid, nagpapakasigurado lang.





"Tara na?" tanong niya naman sa akin at ngumiti.





"Tara!" excited na sabi ko.






Matagal tagal na din simula nung pumunta ako dito sa Night Carnival. Na-miss ko dito.





Maya maya pa ay nakapasok na kami sa main entrance at bumungad sa amin ang madaming rides. Roller Coaster, Ferris Wheel at Bumper Cars at marami pang iba. Tinignan niya naman ako at hinawakan ako sa kamay saka hinila sa isang stall ng isang laro.





Nasa shooting game kami. Ito yung may makukuhang reward kapag may natamaan kang pin at kapag mas marami ang natamaan mo, mas malaki ang prize, like stuff toys.





"Kukuhaan kita ng teddy bear." sambit niya saka tinaas baba ang kilay.





"Okay tignan natin." sambit ko.





Nagbayad naman siya at binigyan na siya ng pellet gun, may pitong chances lang. Ang unang tira niya ay palyado, pangalawa at pangatlo wala pa din. Nang pang-apat ay nakatama siya, nang panglima ay wala ulit, habang ang last na dalawang tira ay nakatama siya.





Isang maliit na teddy bear lang ang nakuha niya at parang nalungkot naman siya. Naglakad naman kami ulit.





"Sorry, ayan lang."





Ngumiti naman ako at inakbayan siya. "Okay lang! At least naman pinaghirapan mo ito!" sambit ko.





Mukha namang naging okay ang expression niya, ngumiti naman siya sa akin.





"Salamat! Thank you for appreciating my efforts kahit maliit lang yun."





"I'll appreciate everything, Clyde. Tsaka hindi ko naman kailangan ng material things, kahit magkasama lang tayo okay na sa akin yun. Alam mo naman diba? Kahit nasa bahay lang tayo okay na, sa totoo lang mas gusto ko nga yun."





Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit. I am so lucky to have this guy.





Simula nung naging kami ni Clyde mas madalas sa bahay lang kami. Hindi lumalabas, I mean hindi kami nagda-date sa mall or something like that. Mas gusto ko pa na mag-movie marathon kami sa bahay.





Nag-ikot ikot pa kami, bumili siya ng pagkain saka kami sumakay sa ferris wheel.





"Salamat Jasmine, Thank you for appreciating me. Salamat kasi kahit na hindi tayo lumalabas okay lang sayo."





"Mas gusto ko naman yun."





"I love you."





"I love you too."





Nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya habang sinandal niya ang ulo niya sa ulo ko habang in-enjoy namin ang view.

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now