Chapter 2

11 1 0
                                    



Nandito kami ngayon sa sala namin kasama sila Ara, Ley, Gust, at Caster. Pumunta kasi sila Caster dito para mangamusta sa akin dahil nga nagpaulan ako nung isang araw, sa tingin ko hindi sinabi ni Gust na may nangyari nung gabing yon kay Caster, kambal kasi silang dalawa, at ngayon inaya nila si Ara at Ley para pumunta dito.

"So kamusta ka ba?" tanong ni Caster.

"Sa totoo lang may nangyari talaga doon." pag-amin ko.

Napakunot naman ang noo nila— maliban sa dalawa na si Ara at Ley na alam na ang nangyari.

"Ano?" tanong ulit ni Caster.

"Si Mark. Nakipaghiwalay siya sa akin para sa isang babae which is the third party, actually alam ko na niloloko niya ko, ilang months na pero hindi ako nakipaghiwalay, ewan ko ba, mahal ko siya ng sobra. Isa pa, akala ko, ako yung pipiliin niya pero mali pa ako, in the end mas minahal niya yung babae." kwento ko sa kanila.

"Name it!" biglang reklamo ni Caster.

"Oo nga pangalan mo naman." pagsang-ayon ni Ara.

"True!" dagdag pa ni Ley.

Tumingin naman si Caster sa dalawa at tinaasan ng kilay ang mga ito.

"Mga gaya gaya, mga bruha." sabi ni Caster at umirap sa dalawa.

"Ikaw bruho ka! Manahimik ka!" singhal ni Ley at inirapan si Caster.

Ngumiti naman ng nakakaloko si Caster kay Ley at nagsalita, "May dalaw ka girl?"

Habang nagsasagutan ang dalawa ay tumingin ako kay Gust na kanina pa tahimik. Nakatingin lang siya sa dalawa habang nagsasagutan.

Bigla naman umupo sa tabi ko si Ara habang nakatingin kila Ley at Caster.

"Everytime." sabi niya at umiling.


Napangiti naman ako. "Sinabi mo pa." pagsang-ayon ko.

Lagi kasi silang ganyan, nag-aasaran at nagbabarahan pero sa huli nagbabati naman silang dalawa kaya okay lang, nasanay na din kami.

"Tama na yan. Balik na tayo sa usapan. Mamaya magkatuluyan kayo niyan, sige." sabi ni Ara at napatigil naman yung dalawa. Nagsalubong naman ang kilay nung dalawa habang nakatingin kay Ara.

"Hindi 'no! Tse!" bulyaw ni Ley kay Ara.

"Hindi yan. Sa gwapo kong 'to, papatol ako kay Ley? No way." sabi ni Caster at umupo sabay nag-cross legs.

Magsasalita pa sana si Ley kaso inunahan na siya ni Ara.

"So, sino na yung babae? What's her name? Spill it." sabi ni Ara. Hindi ko rin kasi sinabi sa kanila kung anong pangalan nung babae.

"Fine." sabi ko at bumugtong hininga. "Ember, Ember yung pangalan nung babae."

"Ember?" tanong ni Ley at tumango ako. "Parang may narinig na ko na pangalan na yan." dagdag niya at nilagay ang kamay niya sa baba na parang may iniisip.

Bigla naman pumitik si Caster. "Natandaan ko na!" sigaw niya.

"Ano?" sabay na tanong nila Ley at Ara.

Pero bago pa makapagsalita si Caster ay nagsalita si Gust. "Ember Katherina Almodovar, yung kasama nila Azha. Siya yun diba?"

Nagulat naman yung tatlo habang ako ay hindi nakapagsalita. Tama siya.

"How do you know?" tanging lumabas sa bibig ko.

"I saw them. Kinausap ko pa nga si Mark tungkol doon, pero sabi niya they were just friends. Hindi naman ako tumigil, I've tried to know if may relasyon sila. At ayun nga nalaman ko na meron." sagot niya.

"Kailan mo pa nalaman? Bakit hindi mo agad sinabi?" intriga naman ni Ara.

"4 days ago nung nakita ko sila, syempre hindi ko naman agad sinabi baka totoo na magkaibigan sila. Nung nalaman ko naman na may relasyon sila, pupuntahan ko sana si Maly kaso nakita ko siya sa playground umiiyak, huli na pala ako, nakipaghiwalay na si Mark."

Napatango yung tatlo habang ako ay walang masabi. Alam niya na pala, kaya pala kahit hindi ko sinabi alam niyang may problema.

"May mga tao pala na kahit may girlfriend o boyfriend na yung tao nakukuha pa din makipagrelasyon doon sa tao na yun." sabi ni Ara sabay tumango.

"Hindi ba nila iniisip na may masasaktan sila na tao?" kumento naman ni Ley.

"Siguro desperado lang sila mahalin ng tao, which is wrong. Kasi diba ang pagmamahal naman hindi yan pinipilit, minsan nga kusang dumadating yan sa buhay natin." sabi naman ni Caster.

"Meryenda muna kayo." bigla naman dumating si Mama habang may dalang meryenda. Agad naman siyang tinulungan ni Caster dahil siya yung malapit sa pwesto ni Mama. Inabot niya naman yung pagkain sa amin.

"Thank you Tita!" sabay sabay nilang sabi.

"Ansarap naman nito Tita." sabi naman ni Caster habang kinakain yung burger patty.

"Thank you!" sabi naman ni Mama. "Sige may gagawin pa ako." pagkatapos sabihin yun ni Mama ay nagpasalamat kami at umalis na si Mama. Alam ko kasi may pupuntahan si Mama ngayon.

"Magmovie marathon tayo, sakto may meryenda na naman." sabi ni Ley at ngumiti naman kami lahat at sumang-ayon.

Agad naman kaming pumili ng papanoorin.

"Romance Movie!" excited na sabi ni Ley.

"No! Mas maganda ang Horror movie!" protesta naman ni Caster.

"Romance!"

"Horror!"


"Romance!"


"Horror!"


"Pagbotohan na lang natin! Lima naman tayo." sabi ko naman at tumigil naman sila. "Who's for Romance?" pagsisimula ko sa pagbobotohan.

"Me!" sabi naman ni Ley habang nakataas ang kamay. Agad ko naman binilang.

"Four." pagbilang ko.

"Isa ka lang Caster!" sabi ni Ley at ngumiti ng nakakaloko.

"Ano ba yan!" singhal ni Caster, pinalo niya naman si Gust. "Ano ba naman yan August! Bakit hindi mo naman ako kinampihan? Grabe ka sakin. Naturingan kang kambal ko." dagdag niya at ngumuso. Hindi naman inimik ni Gust si Caster at nginisian lang ito kaya mas lalo bumusangot.

Ewan ko ba minsan asta bata 'tong si Caster, minsan Love guru, minsan naman normal, siguro kung ano ang trip niya.

Plin-ay ko naman yung Romance movie na napili namin at nagsimula na kami manood.

"Lagi na lang gusto ng mga babae Romance movie, ayaw ata matakot sa Horror!" pabulong na reklamo ni Caster.

Narinig ko siya dahil ako yung katabi niya. Tinawanan ko siya ng mahina at tinapik siya sa likod.

"Better luck next time Caster." sabi ko at ngumiti ng nakakaloko kaya mas lalo siya napasimangot.

In-enjoy na lang namin ang movie hanggang sa matapos. Ilang oras pa sila nagstay bago umuwi.

****

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now