Chapter 25

13 0 0
                                    






Hindi ako mapalagay. Ngayon papasok ako ng school. Kahapon... kahapon nangyari yun, hindi ako makapaniwala. Naaksidente si Clyde... nasa ospital siya ngayon... walang malay.





Hindi ko gusto umuwi sa bahay, gusto ko siya mabantayan, gusto ko siya masamahan, gusto ko siya makita na magising, gusto ko kapag minulat niya ang mata niya, ako yung makikita unang niya. Kaso, hindi ako pinayagan nila Tita, may pasok kasi ako ngayon kaya pinauwi nila ako. Nagpumilit ako na magstay doon kaso hindi talaga sila pumayag. Nandoon ako habang nasa ER siya.. sa pagkakasabi ni August, malala ang tama niya. Ipinagdadasal ko, ipinagdadasal ko na hindi ganun kalala, alam ko... alam ko at naniniwala ako na okay lang siya... sana.





Hinatid ako ni Mama papunta ng school. Alam na nila Mama at maski sila ay nalungkot at nagulat sa nangyari. Nagstay din kasi ako kagabi sa hospital hanggang 12 midnight, kaya naman nagpaalam ako kila Mama, pumayag naman sila.





Actually kahit pag-uwi ko ay hindi ako nakatulog kaya naman ay medyo lutang ako at wala sa sarili. Masyado akong naga-alala sa kanya.





Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Nasa school na kami. Wala ako sa wisyo, inayos ko ang bag ko at nang maayos ko ito ay bababa na sana ako nang bigla akong hinawakan ni Mama sa balikat kaya napatingin ako sa kanya, may pag-aalala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.





"Don't worry, naniniwala ka naman sa kanya diba? Kaya niya yun, kilala ko yun si Lucas. Malakas na bata yun, palaban, kaya niya yun. Just believe in him, gagaling siya." sambit niya.





Pumatak ang luha ko sa sinabi ni Mama pero agad ko iyong pinunasan dahil papasok pa ako. Tumango naman ako kay Mama.





"Opo Mama, naniniwala ako sa kanya. Gagaling siya. Alam ko gagaling siya." sambit ko sabay lumabas ng kotse saka pumasok na.





Laban lang Clyde...





------




"Totoo ba?"





"Naaksidente si Lucas?"





"Hala kawawa naman si Lucas, sana okay lang siya."





Naglalakad pa lang ako sa hallway at halos mapahinto ako nang marinig ang usapan ng ibang estudyante.





Oo nga pala.. kilala si Clyde dito at mabilis kumalat ang balita, na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Kaya hindi ko maiiwasan na marinig ang sitwasyon niya o ang nangyari sa kanya. Hanggang sa school pala ay hindi matatahimik ang utak ko.





Pagpasok na pagpasok ko sa room ay sinalubong ako ng tingin ng mga kaklase ko pero this time may mga lumapit sa akin.





"Maly! Kamusta si Lucas?" tanong sa akin ng isang kaklase ko.





"Oo nga, Maly, anong balita sa kanya?" segunda pa ng kaklase kong babae.





"Bakit siya naaksidente?" tanong pa ng isa pero nanatili akong tahimik, umiling ako.





Nagsimula akong maglakad papunta sa upuan ko at nakasunod naman sila sa akin.





Nang malapit na ako sa upuan ko ay nilingon ko sila at tumingin sa kanila ng blangko.





"Nasa ospital siya, the rest, it's private. Utos na rin ng Mama niya na huwag ipagkalat ang kalagayan niya." sambit ko.





Mukha naman silang nalungkot pero mukhang naintindihan naman nila dahil umalis na sila sa harapan ko.





Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now