Chapter 23

8 0 0
                                    





Bumusina ang isang van sa labas ng bahay. Napangiti ako saka kinuha ang bag ko para lumabas na.





Nang makalabas ako ay agad kong nakita sila Ley, Gust, Caster, Ley at Clyde na nasa loob ng van, nakabukas na kasi yung pinto nung van. Magswi-swimming kami ngayon, sakto naman na may trip sila Mama kaya mag-isa lang ako. Nagpaalam naman ako sa kanila at pumayag naman sila.





Sinarado ko naman ang bahay at nang masigurado ko na nakalock na ang bahay ay lumapit na ko. Sinalubong naman ako ni Clyde at kinuha yung bag ko saka inalalayan ako sumakay.





"Thank you." sambit ko.





Umupo naman ako sa tabi ni Clyde. Mukhang ni-reserve niya sa akin yung  upuan na yun para magkatabi kaming dalawa. Umandar naman yung van na pinapatakbo ni Manong Dan, kila Clyde kasi ang gamit naming sasakyan.





"Hindi na ako third wheel sa mga ito, salamat Jasmine." saka ako inakbayan ni Clyde at ngumiti ng nakakaloko sa apat.





Napatigil naman sila sa sinasabi nila at sabay sabay na nagsalita.





"Anong ibig mong sabihin?"





"Mandiri ka nga sa sinasabi mo."





"Really? Don't create a conclusion."





"Hindi kaya, masyado kang judgmental."





Halos matawa ako sa mga reaksyon nung apat. Si Ley na nakakunot ang noo at parang hindi matanggap ang sinabi ni Clyde, Si Caster na nakataas ang kilay at hindi maipinta ang mukha, Si Ara na nakapout habang ang kamay ay nakalagay sa baba niya at umiiling, habang si August na blangko ang tingin habang nakataas ang isang kilay kay Clyde.





"Kalma lang. Nagbibiro lang ako, masyado naman kayong defensive." this time sinamaan nila ng tingin si Clyde habang si Clyde ay nakangiti lang na parang enjoy na enjoy sa reaksyon nung apat. Loko loko talaga ang Clyde na 'to minsan, anlakas ng trip, parang hindi man lang natibag ng masasamang tingin ng mga 'to.





"Hindi kami defensive." singhal ni Caster.





"Kaya nga!" segunda ni Ley.





"Me too." sambit ni Ara.





"I'm not guilty." casual na sabi ni August.





Tumango naman si Clyde at tumawa kaya naman hindi ko na din mapigilang tumawa.





"Sabi niyo yan, edi hindi." sambit ni Clyde at tumawa.





This time tinignan naman ako nila Caster dahil sa pagtawa ko. Kumunot naman ang noo nila sa akin.





"Wow, enjoying the scene?"





"How's the act director?"





Mapang-asar na sabi ni Ley at Caster saka ako inirapan.





"Hindi man kami tinulungan, yun pala nagpipigil na ng tawa." reklamo ni Ley at nagpout.





"Sorry!" sambit ko.





"Okay lang, tumawa ka na." sambit nito na parang nagtatampo.





"Ley naman."





Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now