Chapter 10

7 1 0
                                    




"I love you."


Napatigil ako at napatingin lamang kay August. Hindi ako makapaniwala.


"W-what? As a friend, right?" paninigurado ko.


Ngumiti siya saka ako tinignan sa mga mata. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Siguro panahon na para malaman mo, Maly." sambit niya. "I don't know when it started but I like you a lot. And I think I love you already."


"August..."


"Alam ko Maly, kaibigan mo lang ako, pero ang hirap din pigilan ng nararamdaman ko. Gusto ko lang sabihin sayo ng diretsyo, hindi yung nagaalinlangan pa ko. Kahit hindi mo naman suklian yung pagmamahal ko, pero sana hayaan mo na mahalin kita."

Niyakap ako ni Gust at nilagay ang mukha niya sa balikat ko. Niyakap ko siya pabalik.

"August, hindi ko alam sasabihin." dahan dahan ko siyang tinapik sa likod. "Hindi pa ako ready para magcommit ulit sa isang relasyon, pagkatapos ng mga nangyari. Don't get me wrong, alam kong hindi mo ako sasaktan. Hindi pa talaga ako handa, sa kahit na sinong lalaki na handang makipag-commit sa akin. Gusto ko muna mag-heal ng tuluyan. Bago ako pumasok sa relasyon. Para kapag in a relationship na ako ulit, handa na ko at kaya kong ibigay ang pagmamahal na deserve ng partner ko."

Humiwalay si Gust sa yakap. Nakikita ko na ang lungkot ng mga mata niya pero still nakangiti pa din siya. Ansakit lang makita na malungkot siya, what hurts me more is ako yung dahilan kung bakit siya malungkot.

"Alam ko yun. Naiintindihan ko. Basta lagi mong alalahanin na mahal kita. I'm here for you always."


Nginitian ko siya pero hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Nalulungkot ako na makita siyang nasasaktan.

"I'm sorry, August. I am causing you pain. Hindi ko alam kung anong dapat gawin o kung ano ang dapat ko sabihin."

He chuckled and ruffled my hair. "Wala yun, Maly. It's my choice. Choice ko na mahulog sayo, choice ko na umamin sayo at choice ko na intindihin ka. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo. What I mean alam kong hindi ka pa ready. Kaya naman, I'm waiting, kung wala man akong hihintayin, edi hihintayin ko na makamove on ako sayo. Kasi kung may dumating man na mahal ka nung isang lalaki at alam kong mahal mo rin hindi ko na ipipilit pa yung sarili ko. Ako na yung kusang lalayo, pero hindi ibig sabihin nun ay wala na yung pagkakaibigan natin. I'm still your bestfriend, ganun pa rin tayo sa dati, walang magbabago. Well kasi, ako lang 'to si Shane August Guzman, bestfriend mo."


Mas lumawak pa ang ngiti niya sa akin saka pinisil niya ang pisngi ko.


"Cute mo talaga, uwi na nga kita." tumayo siya at inalalayan ako sa pagtayo. "Sa bahay niyo syempre."


Lumakad kami papunta sa van at nag-aabang lang doon si Manong Dan.

"Hatid natin sa kanila si Maly, Manong Dan."

Tumango si Manong Dan habang kami ay sumakay na sa van. Tahimik lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa bahay.


"Salamat sa paghatid." sambit ko at ngumiti.


"Welcome. Thank you din." sagot naman ni Gust.


Nagpaalam naman siya agad at umalis na sila ni Manong Dan.


Pumasok naman ako sa bahay at dumiretsyo sa kwarto. Nagbihis naman ako agad.

Wala sila Mama, mamayang gabi pa uuwi. Kaya naman mag-isa lang ako sa bahay.


Matapos kong magbihis ay humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

I can't still believe na umamin sa akin si Gust ngayong araw. Hindi ko din alam na o hindi ko ineexpect na, ganun pala yung tingin niya sa akin— higit pa sa kaibigan.


Malinaw naman sa akin na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin bukas. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.


Ngayon kasi, hindi pa talaga ako handa. Alam ko naman na madaling mahalin si Gust, pero ewan ko ba hindi ko nakikita yung sarili ko na maging boyfriend ko siya. Parang hindi na mas aangat doon yung tingin ko sa kanya.


Napabugtong hininga ako at hinilamos ang mukha ko gamit ang kamay ko.


"Paano ba ito?" napailing naman ako. "Hindi ko na alam ang gagawin ko! Bakit kasi sa lahat ng babae na pwede niya magustuhan, bakit ako pa?"


Muli napabugtong hininga ako dahil sa sinabi ko. Ang kumplikado naman nito.


Totoo pala na you can fall in love with your bestfriend masusuklian man yung pagmamahal na yun o hindi, pero mahirap din pala yung hindi mo mahal yung bestfriend mo na nahulog sayo.


"Kung masakit sa akin. Paano pa kaya sa kanya?"


Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ko. Guilt is slowly eating me right now. Hindi ko maatim na maisip na nasasaktan siya dahil sa akin.


Mas gusto ko pa na ako yung nasasaktan kaysa sa mga kaibigan ko.


What made me more guilty ako yung dahilan kung bakit nasasaktan si August.


"Stop accusing yourself, Maly." bulong ko sa sarili ko baka sakaling kumalma ako, ngunit hindi pa rin mawala ang guilt.


Ganito pala ang pakiramdam mang-reject.


"Sobrang hirap!" usal ko dahil nastress na ako kakaisip.


Bumangon naman ako sa kama at napagpasyahan na magluto para kila Mama.

Mas mabuti na 'to para ma-divert yung attention ko.


Bumaba ako sa kusina at nagsimula na magprepare ng ingredients. Nang maprepare ko na ay agad akong nagsimula magluto.


Simple recipe lang ang niluto ko para kila Mama. Sakto naman para hindi na kami o-order sa labas o sa fastfood.


Sakto naman nang matapos ako ay narinig ko ang kotse nila Mama na nagpark sa labas.


Maya maya ay pumasok na sila at nagulat sila nang may pagkain na nakaluto. Agad naman kaming nagsimula kumain.


Habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan at tinanong tanong ako nila Mama.


Hindi ko naman maiwasan na ikwento ang nangyari kanina.


Nang marinig nila yun ay agad silang napaseryoso ngunit pinayuhan lamang nila ako. Napangiti naman ako dahil hindi sila masyadong strict pero alam ko naman ang limitasyon ko.


Pagkatapos namin kumain ay inayos ko lang ang pinagkainan saka dumiretsyo sa kwarto at natulog.

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now