Chapter 14

11 1 0
                                    




Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta ng last class ko. Friday ngayon, at ito ang last class ko for this week, wala kasi kaming klase bukas para sa nag-iisang subject ko.


Tinignan ko naman ang oras sa cellphone ko at nakita ko na may message sa group chat naming magka-kaibigan. Naiwan ko palang nakabukas yung data ko. Binuksan ko naman ang group chat namin para basahin ang message ni Gust.


Shane August: We can't go for this time guys, may aasikasuhin lang kami ni Caster, pero pupunta si Kuya Lucas.


Pagkabasa ko ay napatango lang ako. Na-seen na rin ito ng iba at typing na sila. Hindi ko na naman nahintay yun dahil nasa room na ko at dumating na ang prof. Mamaya ko na lang babasahin.


-----

Katatapos lang ng klase ko at palabas na ako ng room. Dumiretsyo na naman ako sa garden kung saan kami magkikita nila Ley.


Nagkayayaan kasi kami na mag-bonding. Tutal matagal tagal na rin kaming hindi nakakapag-hangout busy kasi sa kanya kanya naming klase. Sakto naman na ngayon maluwag luwag ang schedule namin kaya nagkayayaan na mag-bonding.


Pagkarating ko naman sa pwesto namin sa garden ay nandun na si Kuya Lucas. Nagtaka naman ako dahil sa pagkakaalam ko ay ako ang mahuhuli dahil sa oras ng klase ko.


"Baka may pinuntahan lang o nasa cafeteria." bulong ko.


Lumapit naman ako at umupo sa harap ni Kuya Lucas. Nang makita niya ako ay tumayo siya. Napakunot naman ang noo ko pero tumingin siya sa akin.


"Tara na." sabi ni Kuya Lucas habang ako ay naguguluhan.


"Ha? Bakit Kuya Lucas? Nauna na ba sila Ley?" takang tanong ko at this time siya naman ang nakakunot ang noo.


"Hindi mo ba nabasa yung sinabi nila sa group chat?" umiling naman ako. "Basahin mo."


Nang sabihin niya yun ay nilabas ko naman ang cellphone ko saka pumunta sa group chat namin.


Ley: Me too! May biglaang pinagawa yung isang prof namin na bukas ipapasa kaya hindi muna ako makakasama. Sorry!


Ara: Ako rin. May requirements ako na dapat ipasa tomorrow kaya hindi ako makakasama, next time na lang ako. Sorry!


Nang mabasa ko ay napatingin ako kay Kuya Lucas. So, siya lang kasama ko?


"So, tara na? Pero kung ayaw mo naman ako kasama, ihahatid na lang kita pauwi. Mukhang ayaw mo naman kasi ata." sabi naman ni Kuya Lucas.

Agad naman akong umiling. "Hindi naman Kuya Lucas! Nagulat lang ako kasi akala ko kasama natin sila Ley. Tara na, Kuya Lucas."


Napangiti naman siya at bigla akong hinatak saka inakbayan. Nagsimula na naman kami maglakad.


Naalala ko naman yung nangyari nung nakaraan dahil sa paghila niya sa akin. Napailing naman ako nang may larawan na pumasok sa isip ko. Isang bugtong hininga ang kumawala sa akin.


Nakarating naman kami sa parking at huminto kami sa harapan ng motor ni Kuya Lucas. May sarili kasi siyang motor.

"Luckily, I both a helmet yesterday at hindi ko pa siya natatanggal dito. Hindi tayo mahuhuli." sambit ni Kuya Lucas.

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now