Chapter 5

14 1 0
                                    




Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga lang, nagmumuni-muni. Sabado ngayon kaya wala akong pasok.

Nakatingin lang ako sa kisame habang ang mga kamay ko ay nakalapat sa kama.

"I'm so bored." bulong ko.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha yun at nakita ko na may message si Gust.

Inalala ko naman kung may pasok siya ngayon.

"Wala nga pala siyang pasok." sabi ko sa sarili ko.

Lahat sila may pasok ng sabado, kami lang pala ni Gust ang wala.

Binuksan ko naman ang message ni Gust at saka ito binasa.

From: Gust

Hello Maly! Are you free?

Magrereply pa lang sana ako nang bigla siyang tumawag. Sinagot ko naman agad ang tawag niya.

[Hello Maly.]

"Hi! Bakit napatawag ka?"

[Ano kasi...]

"Bakit?"

[Samahan mo naman ako.. labas tayo ganon. Kung okay lang naman sayo.. treat ko naman.]

Napangiti naman ako, sakto bored na bored ko. Naisip ko din na matagal tagal na simula nung lumabas kami ng kaming dalawa lang.

"Sure! Anong oras ba?"

[Pwede ba mga 4pm?]

Tinignan ko ang oras 3:30pm na. Aabot naman kaya naman pumayag ako.

[See you later, susunduin na lang kita sa inyo.]

"Sige salamat!"

Matapos namin mag-usap ay agad naman akong nag-asikaso. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil magiging bonding na din namin yun ni Gust. Masasabi ko na sa kanilang kambal ay mas malapit ako kay Gust kahit minsan ay tahimik lang siya. Si Gust kasi yung tipo ng tao na hindi showy pero alam mo na may pakialam sayo, minsan kapag kaming dalawa lang mas napapakita niya yung sarili niya, kumbaga mas kilala ko siya o mas may alam ako tungkol sa kanya kaysa sa iba naming kaibigan. Parang mas open siya sa akin.

Natapos na naman ako mag-asikaso at tinignan ko ang bag ko kung kumpleto na ang gamit ko. Nang makita ko na kumpleto na ay kinuha ko ang susi ko ng bahay saka ako lumabas ng kwarto.

Wala kasi si Mama ngayon, meron siyang trabaho kaya nasa Korea siya. Okay lang naman sa akin dahil marunong na ko magluto at kaya ko n naman asikasuhin ang sarili ko. Kaya naman tiwala din si Mama sa akin.

Sakto namang paglabas ko ng pinto ay bumisina ang isang van sa tapat ng bahay namin. Nandiyan na si Gust. Ni-lock ko naman na ang pinto saka di-nouble check ito. Lumabas naman ako ng gate at ni-lock din ito, sinigurado ko rin na ito ay nakalock ng maayos.

Lumabas naman si Gust sa van. Ngumiti naman siya nang magtagpo ang tingin namin.

"Make sure nakasara ng maayos." sabi naman niya saka chineck yung gate.

"Oo naman." sagot ko saka siya nginitian.

"Tara na?" tanong niya at tumango naman ako.

Pumasok naman kami sa van at nginitian naman ako nung driver.

"Blooming ka ngayon Maly iha, mas lalo kang gumaganda habang nagdadalaga ka pa." puri sakin ni Manong Dan habang pinaandar ng sasakyan.

"Salamat Manong Dan. Kayo din po gumagwapo kayo." sabay ngiti ko naman.

"Si Manong Dan lang ba yung gumagwapo, paano naman ako?" singit naman ni Gust sabay lagay ng kamay sa baba na para bang model.

"Natural ka na ang gwapo, August." sabi ni Manong Dan kay Gust at napangiti naman si Gust.

"Ayan ang gusto ko sayo, Manong Dan." sabi pa ni Gust at nakipag-apir kay Manong Dan.

"Oo na sige na, gwapo na." pag-sang ayon ko naman.

Napa-chuckle naman si Gust. "Sabi ko na, you can't resist my charms."

Napailing na lang ako kay Gust. Aaminin ko na gwapo siya, kaya nga maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Actually hindi lang siya, lahat silang magkakapatid. Pointed nose, kissable lips, perfect eye lashes etc.

"Bakit pala van pa ang sinasakyan natin? Dalawa lang naman tayo?" tanong ko naman, pag-iiba ng usapan.

"Kasi special ka." sabi niya at napakunot naman ang noo ko. "Joke lang, well ako lang naman 'to Shane August Guzman." sumilay naman ang isang nakakalokong ngiti sa labi niya.

"Yung totoo nga kasi." sabi ko at sumimangot.

Tumawa naman siya ng bahagya. "Oo na, gamit kasi nila lahat ng kotse, si Mommy may meeting, si Daddy naman nasa Subic. Kaya itong van lang yung natira." sabi naman niya at tumango ako.

Mayaman kasi sila talaga, marami silang sasakyan at syempre malaki ang bahay nila. Nakapunta na ko sa bahay nila pero hindi ko pa nalilibot yun.

Nakarating naman kami sa isang mall. Bumaba kami sa harap ng mall.

"Tawagan niyo na lang ako kapag magpapasundo na kayo." sabi ni Manong Dan at tumango naman kami saka nagpasalamat.

"So saan mo gusto unang pumunta?" tanong naman niya.

"Ikaw kung saan mo gusto." sagot ko naman at ngumiti naman siya.

"Alam ko na, punta tayo sa arcade, diba gusto mo doon?" napangiti naman ako, alam niya talaga ang mga gusto ko.

"Sige! Maganda yan!" masayang sabi ko at naglakad na kami papunta ng arcade.

Nang makarating kami ay agad kaming bumili ng tokens saka naglaro.

Pumunta kami sa basketball at napagpasyahan namin na magpataasan ng score.

"Panalo ako!" masayang sabi ko nang matapos kami at mas mataas ang score ko sa kanya.

"Isa pa! Hindi ako papayag na matalo!" sabi niya at napatawa naman ako.

Naglaro pa kami at nang matapos kami ng mahigit tatlo ay tumigil kami.

"Ansaya pero nakakapagod." sabi ni Gust.

"Oo nga, nakakatanggal ng stress." sagot ko naman.

"Tara kain na tayo." hinawakan niya naman ang kamay ko saka ako dahan dahan na hinila palabas ng arcade.

Pumasok kami sa isang restaurant at agad na naghanap ng silya.

Nang makaupo na kami ay agad na lumapit ang waiter at nag-order na kami.

"Okay got it, please wait for your order." sabi nung waiter saka umalis.

Nagkwekwentuhan lang kami ni Gust habang hinihintay namin ang order. Mabilis din naman na dumating ng order namin at agad naman kaming kumain.

Nang matapos na kami ay umalis na agad kami sa restaurant na yun at napagpasyahan na namin tawagan si Manong Dan.

"Parating na daw si Manong Dan." sabi ni Gust at tumango naman ako.

"Maly, thank you for today. Thank you dahil sinamahan mo ko." sambit ni Gust at hinawakan niya ang kamay ko.

"Wala yun, anytime lang." sabi ko naman at ngumiti, ngumiti naman siya pabalik.

"Maly I think—"

Naputol ang sasabihin niya nang may biglang bumisina. Nandyan na si Manong Dan.

Hinatid na naman nila ako pauwi at nagpasalamat ako saka ngumiti.

"Ingat kayo, pag-uwi. Goodnight."

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now