Chapter 28

7 0 0
                                    





Nandito ako ngayon sa school. Kakatapos ko lang sa isang class ko at papunta na ako ngayon sa next class ko. Last subject ko na ito, tinignan ko ang relo ko at 4pm na, 2 hours ang subject ko na ito at 6pm pa ang labas ko.





"Ang tagal ng oras." sambit ko.






Huminga ako ng malalim. Maya maya pa ay nakarating na ako sa classroom ko. Agad akong umupo sa upuan ko at tinakpan ko ang mukha ko ng mga kamay ko, para akong napapagod. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko this past few weeks. Parang napapagod ako na hindi ko mawari.





I feel so empty...






"Good afternoon, Class." sambit ng prof namin na biglang pumasok. Napaayos naman ako ng upo. "Bring out your textbook and start reading page 87. After you read that, I will explain it and we'll have a quiz."





Nilabas ko naman ang libro at binuklat yun sa page 87 saka nagsimula na basahin. Pilit kong iniintindi ang lesson ngunit parang hindi pumapasok sa utak ko.






Muli ko itong binasa at parang hindi talaga pumapasok sa utak ko. Nagturo na ang prof namin at nang matapos siya ay quiz na.





Halos 1/4 ng quiz ay hindi ko nasagutan dahil hindi ko naintindihan ang binasa ko pati na rin ang diniscuss ng prof namin.





Napailing naman ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kapag nagpatuloy pa 'to baka bumagsak ako.





"Class Dismiss."





Isang bugtong hininga ang lumabas sa akin, bago ako nagsimulang magligpit ng gamit ko.





"Please lang umayos ka Maly." mahina kong sambit sa sarili ko.





Nang matapos ako mag-ayos ay agad akong lumabas ng classroom at agad na umuwi para magpahinga.



****


Linggo na. Linggo na pero ganun pa din ako, para akong napapagod na hindi ko matanto kung simpleng pagod lang ito o iba— sa kung sino.




"Let God, clear your mind, may God bless your family, may God keep you, may God bless you, Highest Praise to God, We love you Lord, Amen."




Katatapos ko lang mag-service sa Church namin. Wala kasi sila Mama ngayon nasa Korea kaya mag-isa lang ako nagservice.




Naisipan ko naman na pumunta sa sea side bago umuwi, tutal ay mag-isa lang naman ako. Gusto ko mapag-isa, gusto ko mag-solo.





Sumakay ako sa sasakyan ko. Gamit ko ngayon ang kotse namin kaya naman hindi ko na kailangan mag-commute at hindi hassle.




Nang makarating ako sa sea side ay kinuha ko ang cellphone ko at agad na bumaba ng kotse.





Ako lang ang tao dito, kaya mas okay sa akin. Umupo ako ngayon malapit sa naaabot ng tubig. Isang bugtong hininga ang kumawala sa akin.




A smile escape from my lips... a sad smile.





Alam ko, alam ko kung bakit ako nagkakaganito, kaso iniiwasan ko isipin, iniiwasan ko sambitin, iniiwasan ko aminin.





Nagpatugtog naman ako sa cellphone ko. Hindi na ako nag-abala pumili at shinuffle ko na lang ito.






If you don't love me just say
I'll never stay in your way





"Bakit ba kasi nagkakaroon ka ng pake sa taong walang pake sayo? Bakit mo ba kasi pinagpipilitan yung sarili mo sa taong ayaw sayo? Bakit ba kasi pinpilit mo na nandun ka sa tabi niya kung pinapalayo ka naman niya? Bakit ba sa lahat ng lalaking magugustuhan mo, sa mas matanda pa sayo?"





Napatigil ako nang sabihin ko yun. Ayaw kong pagsisihan... Ayaw kong itigil... kaso... nadudurog ako, nadudurog ako sa tuwing tinutulak niya ako palayo. Kapag sinabi niya na hindi niya kayang maging girlfriend ang mas bata sa kanya kahit isang taon lang ang tanda niya sa akin, o sinasabi niyang malabo na magkagusto siya sa akin, sa isang katulad ko.





Nobody hurt me this way
Give me a reason to stay






Just say na kailangan mo ko, na gusto mo ako makasama, hindi ako aalis.





I wonder, wonder, wonder why
I wonder why
I wonder, wonder, wonder why
I wonder why
Why, why do you hurt me?
Why, why does it hurt?






Sinabi mo sa akin na hindi mo ako sasaktan, alam kong may anoxia ka, kaso kahit kaibigan man lang hindi mo ako matanggap, gusto ko, gusto ko na hindi sumuko kaso nasasaktan ako. Saan ako lulugar sayo? Paano ako? Paano ako na girlfriend mo?






Sa pagkawala ng alaala mo, ganun din pagkawala ko sa mundo mo. Paano naman ako?






Paano na lang kung hindi bumalik ang alaala mo? Paano kung may natagpuan kang iba na gusto mo at gusto mo rin... tapos maging kayo? Paano na ako?





Can we just stop with the blame
We're turning love into hate





"Dati mahal mo ako, dati hindi mo ako hinahayaan, dati lagi mong sasabihin na mahal mo ako, dati ako lang... dati..." sambit ko at naramdaman ko ang mga maiinit na luha na umaagos sa pisngi ko. "Ngayon asan ka na? Bakit ngayon hindi mo na ako mahal? Bakit ka pa naaksidente? Sana ako na lang... Sana ako na lang.."






I love you. Huling kataga na narinig ko galing sayo bago ka mawalan ng alaala. Sana nung araw na yun ako na lang ang pumunta sayo. Sana hindi nangyari 'to, sana hindi tayo nagkakasakitan ngayon.






Ilang minuto pa na nag-stay ako doon habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.





"Sana pagkalubog ng araw, malimot ko yung sakit. Gusto ko lumaban, kahit ako lang ang lalaban para sa aming dalawa. Kahit ipagtabuyan niya pa ako ng ilang ulit.. sana.. sana."





Matapos kong sambitin ang mga salitang yun ay pinunasan ko ang mga luha ko. Tumayo ako at naglakad na papunta sa sasakyan ko.





Agad akong sumakay sa kotse at inistart ito. Nagsimula na akong nagdrive para umuwi sa bahay.





Maya maya pa ay nakarating na ako sa bahay. Dumiretsyo ako sa kwarto ko at doon dumapa, tinakpan ko ang mukha ko ng unan at doon umiyak. Nanatili akong nakatahimik, nanatili akong umiiyak.





Kaya natin ito Clyde, kaya ko ito. Magiging maayos din ang lahat. Magiging okay din tayong dalawa. Laban lang at sana panatilihin mo ako sayo.


Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now