Chapter 18

9 1 0
                                    



From: Lucas Guzman

Can I ask you for a date? I hope you say yes.

Nang mabasa ko ang message ni Lucas ay medyo nagulat ako. Napabugtong hininga na lang ako saka huminga ng malalim bago mag-type. Bigla namang may nag-pop na message na galing ulit kay Lucas.



From: Lucas Guzman

Anyway, good morning, eat your breakfast. Waiting for your respond.



One week na magmula nung umamin siya sa akin. Hindi ko alam pero napangiti ako. Agad naman akong nagreply sa kanya.

To: Lucas Guzman

Sure, what time? Good morning to you too.



Ilang segundo ang lumipas ay nagreply agad siya sa akin.

From: Lucas Guzman

Yes! Thank you! See you at 1pm.



Hindi naman na ako nakapagreply dahil tinawag na ako ni Mama para kumain.



Nang makababa ako ay nakahain na ang pagkain kaya umupo na ako. Sabay kaming kumain nila Mama at Papa.



"Ma, Pa, naga-aya ng date si Lucas, okay lang ba na sumama ako?" sabi ko habang inaayos ang pinagkainan namin dahil katatapos lang namin kumain.



"Oo naman, anak. Sige, payag ako. Ikaw ba Pa, anong masasabi mo?" biglang tanong ni Mama kay Papa.



Bigla namang sumeryoso si Papa at hindi umimik kaya naman kinabahan ako. Alam niya na naman yung nangyari at okay lang sa kanya.



Unti unti namang ngumiti ng nakakaloko si Papa. Kaya ako naman ang napakunot ng noo.



"Aba, mukhang mabilis ata yan si Lucas ha. Ayos na bata. Syempre anak, payag na payag ako. Manok ko yun." natawa naman ako sa huling sinabi niya.



"Thank you!"



Niyakap ko sila at ganun din ang ginawa nila. Pagkatapos nun ay naghugas naman ako ng plato saka bumalik sa kwarto ko.

-----

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakasuot ako ngayon ng isang casual t-shirt at jeans, may konting make up para hindi naman nakakahiya kay Lucas. Chineck ko naman ang bag ko kung kumpleto na ang gamit ko.



"Ayos na ito."



Pagkasabi ko nun ay sakto namang may bumisina sa harap ng bahay. Nandyan na si Lucas.



"Maly! Nandito na ang ka-date mo!" halos mapangiwi naman ako sa tawag ni Mama at napailing.



Bumaba naman ako at nakita kong nakaupo sa sofa sila Mama at Lucas habang si Papa ay nasa single couch. Naguusap lang sila pero napatigil din nang makita nila ako.



Nakangiti naman ng nakakaloko ang magulang ko. Muli ay napailing ako.



"Oh, sige na, alis na kayo para hindi kayo gabihin." biglang sabi ni Papa at may binulong kay Lucas.



"Sige po, opo, salamat po Tito at Tita." sabi naman ni Lucas at ngumiti.



Lumabas naman kaming dalawa at tumigil sa harap ng motor niya. Binigay niya ang helmet na lagi kong ginagamit kasabay ng pagsuot niya ng helmet niya, at nang makabit ko na ay sumakay na siya saka ako sumakay.



Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now