Chapter 30

16 0 0
                                    






Nandito ako ngayon sa bahay. 1 week kasi kaming walang pasok ngayon dahil may seminar ang mga teachers. Wala naman akong mga plano sa isang linggo na yun. Ang plano ko lang ay kumain, matulog, maglinis ng bahay, pero hindi ako lalabas ng bahay.






Umikot ako ng kama at inabot ang cellphone ko. Umupo naman ako saka inabot ang Bluetooth speaker ko at binuksan ito, kinonnect ko naman ito sa cellphone ko, nang ma-connect ko na ay agad akong pumunta sa music saka namili ng kantang ipapatugtog. Nang makapili ako ay muli akong humiga at pinakinggan lamang ang music.





I won't lie to you
I know he's just not right for you
And you can tell me if I'm off
But I see it on your face
When you say that he's the one that you want






Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang kanta. Hindi ko alam kung bakit ko plinay yung Treat You Better ni Shawn Mendes. Napangiti ako sa kawalan at tumingin sa ceiling.




I know I can treat you better
Than he can
And any girl like you deserves a gentleman
Tell me why are we wasting time
On all your wasted cryin'
When you should be with me instead
I know I can treat you better
Better than he can






"Kaya kitang alagaan Clyde." wala sa sariling sabi ko.






Patuloy ang kanta kasabay ng patuloy na pagbalik ng mga alaala namin ni Clyde.






Nang matapos ang kanta ay napailing ako. "I shouldn't think about him anymore."






Napangiti ako ng mapait. Ilang beses ko na yan sinabi pero hanggang ngayon hindi ko magawa. Habang siya.. hindi pa rin bumabalik yung alaala niya pero.. pero.. nasa ibang babae na siya. What worse? Si Athena yun, yung babaeng sinabihan niya na never niyang sasamahan. How ironic.. it hurts.





Napatigil naman ako sa pag-iisip nang may narinig akong humintong sasakyan. Napakunot naman ang noo ko dahil alam ko sa isang araw pa ang uwi nila Mama. Napagpasyahan ko naman na sumilip sa bintana at nakita ko ang kotse namin kaya napakunot ang noo ko. Lumabas ako ng kwarto at dali dali akong bumaba saka nag-abang sa sala. Pagkapasok nila Mama ay nagulat pa sila na nasa sala ako habang ako ay halos matawa dahil dahan dahan pa nilang binuksan yung pinto na parang nagtatago at para hindi makagawa ng ingay.





"Surprise!" sambit ko at pumunta sa kanila saka yumakap.






Niyakap naman nila ako at tuluyan na silang pumasok. May dala silang isang maleta at natural na yun dahil galing silang Korea.





"Ang aga mo ata nagising Maly?" tanong ni Mama na parang naguguluhan habang si Papa ay napapakamot ng ulo.






"Akala kami ang magsusurprise sayo, yun pala kami ang masusurprise." sambit ni Papa.






"Gusto ko po sana kasing magwork out kaso bigla kong narinig yung ingay ng sasakyan. Bakit nga po pala kayo nandito agad? Akala ko po ay sa isang araw pa ang balik niyo?" tanong ko naman.





"Maaga kasing na-close yung deal at aayain ka sana namin na magbakasyon sa Korea, alam ko naman na dumadaan ka ngayon sa heartbreak." sabi ni Papa at medyo nagulat ako, napaka-alaga talaga sa akin ni Papa lalo pa at only child ako.






Tumango naman ako at ngumiti. "Sige po! I love that!" masigla kong sabi.






"Sige, magbobook na ako mamaya ng flight." sambit ni Papa.







Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now