Chapter 21

7 1 0
                                    




Nandito ako ngayon sa school at kakapasok ko pa lang. Maaga ako pumasok ngayon para mag-review sa library dahil may mga quizzes ngayon. Mas sanay kasi ako nagre-review sa library kaysa sa bahay.


Maigi lamang akong nagkakabisado ng capital ng mga ilang bansa ng Asia. Tourism kasi ang course ko, kaya naman kailangan kabisaduhin ko ang bawat capital ng bawat bansa sa mundo.



Napailing ako nang medyo nalilito ako. Ang hirap pala nito. Nung una ay madali dali lamang kaso medyo nao-occupied ang utak ko ngayong araw. Ewan ko ba, mukhang napagod din ang utak ko kakaaral kagabi.




May bigla namang umupo sa harap ko. Hindi ko na lang pinansin dahil baka nakikiupo lang tsaka naguguluhan din ako sa inaaral ko kaya hindi ko na nagawang pansinin.




Manila capital of the Philippines. Isa lang ata yung pumapasok sa utak ko worst bansa ko pa. Napahawak naman ako sa sentido ko.




"Pigang piga ka na brain?" sambit ko sa sarili ko.




Ano bang gagawin ko ngayon? Bakit ganito? Bakit ngayon pa? Muli naman akong napailing.




"Need help?" sambit ng isang pamilyar na boses, kaya naman napatingin ako sa taong umupo sa harapan ko kanina na hindi ko pinansin. "Kanina pa ako dito, mukhang hindi mo ako napansin?"




"Nagpalit ka ng pabango?" bigla kong nasambit kaya napakunot ang noo ni Clyde.




Nang ma-realize ko ang sinabi ko ay napasapo ako sa ulo ko. Sabagay nasanay ako sa pabango niya. Iisang scent lang ng pabango ang ginagamit niya kaya lang mukhang nagpalit siya, kaya hindi ko nakilala nang umupo siya kanina. Nag-isip naman ako ng palusot kaso mukhang ayaw talaga makisama ng utak ko.




"Nasanay lang ako sa pabango mo. Iisang amoy lang ng pabango ang ginagamit ko kaya naman nasanay ako." pag-amin ko naman sa kanya.




Bigla naman siyang ngumiti sa akin. "Napansin mo yun?" tumango naman ako. "Oo, nagpalit ako pero sige kung doon ka nababanguhan at nasanay gagamitin ko ulit, exclusively for you only." saka niya ako kinindatan habang ako ay ngumiti at napailing. Kahit kailan talaga itong lalaki na 'to. "So, tulungan kita? Mukhang nahihirapan ka sa pagkakabisado."




Napabugtong hininga naman ako at tumango. "Parang nalulutang kasi ako. Hindi ko makabisado yung mga Capital ng bansa sa Asia. Ayan pa naman yung isa sa quiz namin mamaya."




This time tumango naman siya. "Okay, tulungan na kita."




Inisa-isa niyang sabihin ang bawat capital ng bawat bansa Asia habang itinuturo ito sa mapa. Maigi lang akong nakikinig.




Inalala ko naman kung bakit alam niya itong mga ganito saka ko naalala ang course niya. BS Professional Flight ang kinukuha niya. Siguro meron ding ganun sa course niya o kaya naman inaral niya lang talaga dahil nga gusto niya mag-Pilot.




May scenario naman na pumasok sa utak ko na agad kong dinismiss saka umiling.




Napansin naman yun ni Clyde at tumingin siya sa akin. "Nakukuha mo ba? O medyo malabo pa? Kailangan ko ba ulitin ulit?"




"Hindi na, nakukuha ko na. Thank you sobrang laki ng tulong mo sa akin."




Ngumiti naman siya. "Anything para sayo."




This is the first time na turuan niya ako sa studies at impressive kung paano siya magturo kaya napangiti ako.




Nag-tuloy tuloy ang pagtuturo niya sa akin at maiigi lang akong nakikinig. Nang malapit na ang oras ng klase ko ay hinatid niya ako sa room.



-----



"Punta tayo sa sea side, okay lang ba?" tanong ni Clyde sa akin. "May gagawin ka ba ngayon? May quiz ka pa ba bukas?"




Inisip ko muna kung may pinapagawa ba at nang maalala kong wala ay umiling ako.




"Wala naman, okay lang sana sa akin, kaso hindi naman ako nakapagpaalam kay Mama." sambit ko at tumingin sa kanya.




Tumango naman siya at kinuha ang phone niya. Nagtipa naman siya doon at nilagay ang phone niya sa tenga.




"Hi Tita! Pupunta lang po kami sa sea side. Sana po payagan niyo po si Jasmine." sambit niya at mukha namang kausap niya si Mama.




Bigla niya namang pinakita sa akin ang screen at ni-loud speaker ito.




[Oo naman, walang problema. Ingat kayo sa pagbyahe ha! Oh siya may ginagawa pa ako kailangan ko na itong ibaba. Goodbye! Enjoy kayong dalawa.]




Narinig ko pa ang pagtawa ng mahina ni Mama bago niya patayin. Nagtaka naman ako dahil ambilis niya pumayag. It's weird. Madalas kasi uusisahin niya pa kung saan at sinong kasama ko, ilan kami, at kapag malayo ay hindi niya ako papayag. Unlike sa ginawa niya ngayon ay ambilis niya pumayag saka mukhang masaya siya, ambilis niya pa pinatay yung tawag.




Napailing ako. Baka may ginagawa lang siguro talaga siya at ayaw magpaistorbo?




"So, ano gusto mo ba?" tanong naman niya. Tumango naman ako.




"Let's go." sambit ko at ngumiti naman siya.




Inabot niya sa akin ang helmet at agad ko yun sinuot, sinuot niya din naman ang helmet niya saka siya sumakay, sumunod naman akong sumakay. Pinalupot ko ang kamay ko sa bewang niya.




"For safety purposes." sambit niya at nakita ko ang masaya niyang mga mata sa rear mirror.




Pinaandar niya naman at tahimik lang kaming nakatingin sa daan. Nang makarating kami sa sea side ay inayos niya ang helmet at nang maayos na ay bumaba kami at umupo sa buhangin.




Kinuha niya ang earphone niya at ang cellphone niya sa bulsa niya. Ki-nonnect niya ang earphone sa cellphone at binigay yung isa sa akin at yung isa namang side ay sa kanya.




Nag-start na siyang magpatugtog. Falling Fast by Avril Lavigne ang pinatugtog niya ngayon.




Nananatili kaming tahimik habang pinapakinggan ang kanta.





I'm falling fast
I hope this lasts
I'm falling hard for you
I say "let's take a chance"
Take it while we can
I know you feel it too




May na-realize naman ako ngayon. I think I already fall, andami nang signs, tumitibok ng mabilis yung puso ko kapag andyan siya, para akong natataranta kapag nandyan siya pero syempre nandun yung pagiging comfortable sa kanya, nandun yung gusto ko pa rin siya kasama.




Maski yung naisip ko kanina habang nasa library kami. Pumasok sa utak ko na fit siya para sa akin kahit sa trabaho namin, siya ang Pilot at ako ang Flight Attendant. Naisip ko nga kanina na ang swerte ko sa kanya, maari kaming magkasabay sa Flight. Habang siya nagpapaandar ng eroplano ako naman yung nagse-serve sa mga tao sa eroplano. Ewan ko ba, naramdaman ko na lang bigla. Natanto ko na lang na mahulog na ako.




Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at tumingin ng diretsyo sa mga mata ko.




"I'm falling fast, I hope this lasts, I'm falling hard for you." sambit ni Clyde sa lyrics, tapos na kasi yung kanta. "Jasmine.."




"Hmm?" tanging tugon ko.






"Nahulog na ako ng sobra, gusto ko lang tanungin na kaya mo na ba kong saluhin? Pwede mo na ba akong maging boyfriend?"




Nag-isip ako sandali, pero napabugtong hininga ako saka dahan dahang tumango.




Mukhang hindi naman nag-sink in agad sa kanya pero unti unti siyang ngumiti at niyakap ako, niyakap ko naman siya pabalik.




"I love you, Jasmine. I won't let this chance be a waste, not a promise but I will do it."

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now