Chapter 12

4 1 0
                                    






"Dismiss." sabi ng prof namin.

Agad naman akong nag-asikaso ng gamit, nang maayos ko na ay dali dali akong lumabas.

Last subject ko na yun ngayong araw pero papunta ako ngayon sa garden. Magkikita daw kasi kami nila Ara. Magkwekwentuhan at magca-catch up lang ganun.

Pagkarating ko sa pwesto namin sa garden ay nandun na si Gust at Ara na masayang nag-uusap at kumakain.

Napangiti ako ng makita sila. Sa aming magkakaibigan sila yung madalas tahimik o sabihin na nating 'mysterious' sa mga mata ng ibang tao. Syempre hindi sa amin dahil masyado kaming close sa isa't isa.

Mukhang nakita naman nila ako at napatigil sila saka ngumiti sa akin.

"Kanina ka pa diyan?" tanong ni Gust.

"Bakit hindi ka pa umuupo? Upo na." tanong ni Ara saka ako pinaupo sa upuan.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ha. That's good." sambit ko, pag-iba ko ng usapan at hindi pag-intindi na sumagot sa mga tanong nila.

"Nagkwekwentuhan lang kami ni Ara habang hinihintay namin kayo. Kaysa naman hindi kami mag-imikan dito na parang hindi magkaibigan." sagot ni Gust at napatango naman ako.

"Sabagay. May point." saka ako nagkibit balikat.

Tinapunan ko naman ng tingin si Ara at malokong ngumiti.

"What?" taas kilay niyang tanong sa akin nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya.

"Wala." mas lalo ko pang linawakan ang ngiti ko.

Sasagot pa sana siya kaso biglang dumating sila Caster, Ley at Kuya Lucas.

"What is up guys." kalmadong sabi ni Kuya Lucas at ngumiti sa aming tatlo.

"Mukhang may nagaganap ha." sambit ni Caster.

"Oo nga, share naman." segunda ni Ley.

"Sila Ara kasi ano—" hindi na ako nakapagsalita nang bigla lagyan ng pagkain ni Ara ang bibig ko. Nasa tabi niya lang kasi ako.

"Sarap diba, Maly?" bigla namang sabi ni Ara sa akin at nang tignan ko siya ay matalim na tingin ang sumalubong sa akin.

Dahan dahan akong tumango at agad na nginuya yung pagkain, sayang naman ansarap pa naman.

Nang maubos ko ay ngumiti ako kay Ara. "Thank you, Ara! Sobrang sarap!" masiglang sabi ko saka ako nag-thumbs up sa kanya.

Tumingin naman ako kila Ley na ngayon ay nakaupo na.

"So ayun, ganito nga, sila Ara at Gust nag—"

Sa pangalawang pagkakataon ay sinubuan ako ni Ara ng pagkain. Imbis na mainis o magalit nage-enjoy ako. Bukod sa masarap yung pagkain na pinapakain niya, nabubusog pa ako. Tsaka bakit ako magagalit kung pwede ako magpasalamat kasi pinapakain niya ako. Bakit naman ako maiinis kung pwede ko yun gawing advantage? Pinigilan ko namang ngumiti nang may maisip ako na gagawin.

Nang malunok ko ang kinakain ko ay kinuha ko ang tubig ni Ara saka ako uminom. Mahirap kasi ng walang panulak diba? At tsaka lubos lubusin ko na, minsan lang 'to mangyari.

"Salamat talaga, Ara! Ansarap sarap talaga ng pagkain mo." sambit ko at ngumiti ng mas malawak.

"So, ayun nga si Ara at—" tinakpan ni Ara ang bibig ko at ilang minuto yun nagtagal bago niya tanggalin.

"Wala nang pagkain?" tanong ko at napakunot ang noo ni Ara.

"Wala na, naubos na dahil sayo." sabay pakita nung plastik na pinaglalagyan nung pagkain kanina.

"Sayang, ansarap pa naman. Tsaka bakit mo kasi tinatakpan yung bibig ko? Ang sasabihin ko lang naman na ikaw at si Gust ang nauna dito at sumunod ako." paliwanag ko.

"Nako! Ikaw Ara ha! Baka may tinatago kayo ni Gust kaya ganyan ka." bigla namang sabi ni Ley.

"H-ha? H-hindi ha! S-saan mo n-naman yan napulot?" depensa ni Ara.

"Naks naman nauutal. Baka meron talaga ha. Mamaya may nabubuong feelings sa inyong dalawa." asar ni Caster.

"W-wala ha!" saka umiwas ng tingin si Ara.

"Bagay kayo." asar ko naman.

Tumingin naman ng masama si Ara sa amin. Ngumiti lang kami ng nakakaloko habang yung dalawa, si Gust at Kuya Lucas, nakangiti lang na para bang nage-enjoy sa nakikita nila.

Ilang minuto pang lumipas yun at na-divert naman ang topic sa ibang mga bagay like studies, anong ganap sa kanya kanyang course at mga block. Masaya kaming nagkwekwentuhan hanggang sa malapit na matapos ang vacant nila. May mga klase pa kasi ang iba sa amin. Nagbalik na kasi kami sa dati naming mga schedule.

Habang ako naman ay pauwi na. Maaga kasi ang mga klase ko ngayon. Kaya naman hapon pa lang ay tapos na agad ang mga klase ko.

Sumakay naman ako ng taxi para makauwi. Habang nasa taxi ako ay nilabas ko ang cellphone ko at nagscroll na lamang.

Ilang minuto ang lumipas ay papasok na kami sa subdivision kaya hinanda ko na ang pambayad. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay agad akong nagbayad saka ako bumaba.

Pumasok naman ako sa bahay at nandun si Mama sa sala.


"Maaga ka ata nakauwi Ma?" tanong ko at ngumiti sa kanya saka nagmano.

"Maaga natapos ang meeting ko. Tsaka namimiss na din kita, nilutuan kita ng paborito mo kaya naman umakyat ka na at magbihis." sabi ni Mama at ngumiti ako.

"Sige Ma, bihis lang po ako."

Agad naman akong umakyat at nagbihis. Nang matapos ako magbihis ay narinig ko ang sasakyan na huminto. Mukhang nandyan na si Papa. Sumilip ako sa bintana at tama nga ako.

Nagmadali akong bumaba at saktong pagkababa ko sa sala ay nandun na si Papa.

"Papa!" saka ko niyakap si Papa. Matagal tagal din siyang hindi nakauwi dahil may tour siya para sa business.

"Na-miss kita, Maly." sabi niya sa akin.

"Maaga ka ata nakauwi, akala ko sa isang linggo pa ang uwi mo?" tanong ni Mama kay Papa.

"Madali ko kasing napapayag yung client natin at na-close agad ang deal. Kaya naman imbis ma mag-stay sa Korea mas pinili ko na lang na umuwi at dito mag-stay para makasama ko kayo." sagot ni Daddy at ngumiti.

Napangiti naman ako. Nakaka-proud ang parents ko dahil hindi sila nawawalan ng time sa akin kahit napakabusy nila ay humahanap sila ng time sa akin.

Nagbihis naman si Papa at nang makababa siya ay sabay sabay kaming kumain ng meryenda.

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now