Chapter 19

4 1 0
                                    




May narinig akong bumusina sa labas. Nagtaka naman ako dahil alam ko bukas pa ang uwi ni Papa kaya wala yung sasakyan namin. Kasalukuyan akong nag-aayos ng tie ko at nakaayos na ang gamit ko.


Nang maayos ko ang tie ko ay tinignan ko ang repleksyon ko sa huling pagkakataon. Nang makita kong ayos na ang itsura ko ay kinuha ko na ang bag ko. Sinarado ko ang kwarto ko at bumaba na papunta ng kusina para uminom ng tubig, ngunit pagkababa ko ay bumungad sa akin si Mama kasama si Clyde. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya sa akin ng malawak.


"Good morning, Jasmine." sambit ni Clyde at ngumiti.


Nasanay na ako sa tawag niya na Jasmine dahil simula nung first date namin ganun na lagi ang tawag niya sa akin, at ganon din ang tawag ko sa kanya.



"Good morning, bakit ka andito?" takang tanong ko.



"Susunduin ka syempre." at tinignan niya ako ng nakakalokong tingin.



"Oh siya kayo ay umalis na at baka ma-late pa kayong dalawa." sambit ni Mama bigla at ngumiti sa amin.


"Inom lang ako ng tubig. Nauuhaw na kasi ako." sambit ko at agad na pumunta sa kusina.



Agad naman akong kumuha ng tubig at ininom ito.



Nagtataka lang ako bakit nandito si Clyde? I mean bakit niya ako sinusundo? Wala naman kasi sa usapan namin na susunduin niya ako tapos bigla siyang nandito.


Napailing na lang ako.



Baka nagmamagandang loob lang? O baka kasama sa panliligaw niya? Hindi naman kasi ganun yung iba kong manliligaw sa akin. Ewan ko ba kay Clyde bakit siya ganun?



"Painom din ako ng tubig."



"Ayy Clyde!" nagulat naman ako nang biglang may nagsalita.



"Ako nga ito si Clyde. Bakit mo tinatawag pangalan ko ha? Iniisip mo ako 'no? Ikaw ha, baka nafafall ka lang sa akin hindi mo lang sinasabi. Sabi ko na nga ba hindi mo mare-resist ang charms ko." sambit niya naman na may nakakalokong ngiti sa labi.




"C-che! Hindi 'no! Uminom ka na!" ibibigay ko na sana yung hawak ko na baso nang ma-realize ko na baso ko yun. "Kumuha ka ng baso mo doon."



Mas lumawak naman ang ngiti niya at inagaw niya naman ang baso ko.



"Okay na ito. Ganun din naman. Ako rin ang end game mo."




This time ako ang napangiti ako ng nakakaloko. "Hindi mo sure."




Tumingin siya ng masama sa akin. "Sure ko yun."




"Tara na nga nakainom ka na naman ng tubig." inilagay ko ang pitsel sa ref at hinawakan siya sa kamay saka siya hinila.




Nang makapunta kami sa sala ay tinignan ko siya kay Mama at nakangiti naman si Mama.




"Alis na kami, Mama. Baka ma-late na kami."




Tumango naman si Mama. "Sige anak, magi-ingat kayong dalawa. Lucas ikaw na bahala sa anak ko."




This time tumango naman si Clyde na kanina pa nakangiti kay Mama. "Sige po, Tita. Alis na po kami! See you later."




Napailing naman ako sa huling sinabi niya ngunit hindi ko na yun pinansin bagkus ay hinila ko siya palabas pero yung tama lang para hindi siya masaktan.




Nang makarating kami sa motor niya ay agad niyang binigay ang helmet ko, sabi niya kasi para sa akin yun, hindi ko alam kung totoo ba o niloloko niya lang ako. Napansin ko naman na ngiting ngiti siya habang inabot yun.




"Anong ngiti yan Clyde?" tanong ko.





Bigla naman siyang tumingin sa kamay namin at ngayon ko lang na-realize na hawak ko pa din ang kamay niya, naka- interwine pa ang mga yun. Agad ko naman yung tinanggal, kaya pala ngiting ngiti siya pati si Mama. Napasapo naman ako sa noo ko saka umiwas ng tingin sa kanya.




"Pwede mo naman hawakan ang kamay ko anytime kung gusto mo, Jasmine." sabi naman niya habang tinataas baba ang kilay niya at sumakay na sa motor niya, naayos niya na kasing ayusin yung helmet niya.




"Che! Tara na."





Sinuot ko ang helmet at agad na sumakay sa motor niya. Pinalupot ko ang kamay ko sa bewang niya.



Tinapik niya ang kamay ko. "Nice, alam mo na. For safety purposes."




Pinaandar niya naman ang motor niya papunta sa school.




Nakarating naman agad kami sa school at nagparking na siya. Tinanggal ko ang helmet at inayos ang buhok ko.





Inabot ko naman sa kanya ang helmet para matabi niya na. Nang matabi niya ay sabay kami maglakad habang hinawakan niya ang bag ko. Tinignan niya naman ang relo niya.




"Hatid na kita sa room mo." sambit niya kaya napatingin ako. "I insist, mamaya maya pa naman ang klase ko."




Wala naman akong nagawa kaya tumango na lamang ako. Nang makapasok kami sa building ay tinitignan kami ng ibang nasa hallway.




Kilala din kasi siya dito dahil sa ang gwapo niya, ganun naman kasi mostly sa school dahil gwapo o maganda kilala. May narinig naman akong ibang bulungan.




"Bakit sila magkasama? I mean bakit silang dalawa lang?"





"Sila ba? Akala ko magkaibigan lang sila, sayang si Lucas."





"Ang gwapo talaga ni Lucas."





"Bakit niya kasama si Lucas?"





Napatingin naman ako kay Clyde nang bigla niya akong hapitin papunta sa kanya.




"Don't mind them."





Napabugtong hininga naman ako at tumango sa kanya.




Nang makarating kami sa tapat ng room ay nakatingin naman ang mga kaklase namin. Binigay niya ang bag ko at ngumiti.




"Sunduin kita mamaya."




Tumango naman ako. "Sige, thank you."




Pumasok naman ako habang siya ay umalis. Nang makapasok ako ay nakatingin lamang sa akin ang mga klase ko pero hindi ko na sila pinansin at umupo lamang sa upuan ko saka nanahimik.



-----



"Class dismiss."




Inayos ko naman agad ang gamit ko at nang maayos ko na ay agad naman akong lumabas.




Nakita ko naman si Clyde sa labas na nakasandal sa corridor. Nang makita niya ako ay ngumiti siya. Lalapit na sana ako nang may biglang bumangga sa akin at na-out of balance ako. Inasahan ko na babagsak ang katawan ko sa sahig ngunit may bisig na sumalo sa katawan ko.




"Okay ka lang, Jasmine?" tanong ni Clyde habang ilang inch ang pagitan ng mukha namin. Napatingin naman ako sa mga mata niya. Mukha siyang nag-aalala.



"O-okay lang ako." inalalayan niya naman ako ng tumayo. "Thank you."





"Nice catch, Lucas. I didn't know na ililigtas mo siya. Sayang." biglang sabi ni Athena at napatingin ako sa kanya habang si Clyde ay tinignan siya ng masama.



Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now