Chapter 15

11 1 0
                                    



Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang ang ulo ko ay nakalaylay sa dulo ng kama ko.


Nagmulat ako at baliktad ang nakikita ko na mga bagay. Nang maramdaman ko ang sakit sa leeg at konting hilo ay umayos ako ng higa.



"Parang napunta yung dugo ko sa ulo." sambit ko at hinimas ang ulo ko.



Sobrang bored na ako dahil wala akong ginagawa dito sa bahay. Wala naman sila Papa dahil may tour ulit sila ni Mama pero this time magkasama na sila. Ang galing nga, kasi hanggang sa trabaho nila magkasama sila, pero syempre minsan magkahiwalay sila ng tour dahil may kailangan gawin para sa company. We owned a company, pero sa Korea naka-base ang company namin kaya madalas wala sila Mama dito sa Pilipinas. Kung matatanong ninyo, bakit hindi kami doon tumira? Actually may bahay kami sa Korea pero mas gusto ko kasi dito mag-aral at dito ako pinanganak sa Pilipinas. Nagbabakasyon din naman ako sa Korea kapag gusto ko o kaya kapag bakasyon namin sa school, sometimes kapag Christmas break.



Kumalam naman ang sikmura ko at napabangon ako saka napahawak sa tiyan ko. Hindi pa nga pala ako nag-aalmusal.


Tumayo naman ako at naglakad papunta sa kusina. Tinignan ko ang ref at namili ng gusto ko lutuin. Syempre hindi naman ako nakakalimutan nila Mama, kapag aalis sila puno ang ref at may mga stocks, tama lang na may pang-kain ako sa araw araw, or should I say may stocks para pang-kain ko habang wala sila Mama. Napailing naman ako sa term na ginamit ko.


Nang mapagpasyahan ko na itlog na lang ay napailing na naman ako.


"Bandang huli pala, itlog din ang bagsak ko, nagtagal pa ako mamili." sambit ko sa sarili ko.


Hinanda ko naman ang kawali para lutuan ko ng itlog. Binuksan ko naman ang kalan para uminit ito.


Binati ko naman ang itlog at nilagay ito sa mangkok, nilagyan ko ito ng asin, magic sarap, at paminta, saka ito hinalo. Mas gusto ko kasing may paminta yung itlog kasi mas masarap sa panlasa ko.


Nang uminit na ang kawali ay nilagyan ko ito ng mantika at hinintay na uminit.


Nang uminit na ang mantika ay nilagay ko na ang itlog at agad na binanlawan ang mangkok na ginamit ko para doon ilagay ang naluto na itlog, iwas madaming hugasan.


Dahan dahan ko naman binaliktad ang itlog nang makita ko nang luto ang nasa ilalim na parte. Nang mabaliktad ko ito, ang ginawa ko ay i-flat gamit ang spatula.


Nang maluto na ulit ang nasa ilalim ay inalis ko na ito sa kawali at nilagay ko sa mangkok. Pinatay ko ang kalan at nilagay ko sa lamesa ang mangkok kung nasaan ang lutong itlog. Oh diba shala! Marunong ka na magluto ng itlog.


Hinanda ko naman ang kanin ko pati na rin ang tubig ko at nagsimula na kumain. Nagsaing na kasi ako kanina kaya meron na ako agad na kanin.


Masaya akong kumakain hanggang sa matapos ako. Nang matapos ako ay agad kong hinugasan ang pinagkainan at pinaglutuan ko.


Marunong naman ako ng gawaing bahay at marunong ako magluto, kumbaga independent ako kasi nga wala kaming kasambahay.


Matapos ko maghugas ng pinggan at magpunas ng kamay ay umakyat naman ako sa kwarto ko para tignan ang cellphone ko dahil iniwan ko itong naka-charge.


Nang mabuksan ko ito ay bumungad ang isang text na galing kay Gust pati na rin kay Caster. Inuna ko naman buksan ang message ni Gust dahil yun ang nasa unahan.


From: August Guzman

Hello! Are you free this time? Tara kita tayo sa park sa labas ng subdivision niyo. 10am kung okay lang?


Tinignan ko naman ang oras at 9am pa lang kaya naman nagreply ako.


To: August Guzman

Pwede naman, I'll be there. See you!


Nang mareply ko iyon ay agad kong binuksan ang message ni Caster.


From: Caster Guzman

Hello! Are you free this time? Tara kita tayo sa park sa labas ng subdivision niyo. 10am kung okay lang?


Napakunot naman ang noo ko nang makita na parehas lang ang sinend nila. Napagdesisyunan ko naman na hindi na magreply dahil nakasagot na naman ako sa tanong nila.


Napaisip naman ako kung bakit pero agad din naman akong nagkibit balikat, baka magkakasama lang sila na pupunta dito o kaya naman nakitext lang?


Nagsimula na naman ako na mag-asikaso dahil anong oras na.


Naligo naman ako at nang matapos ay agad na nagsuklay ng buhok.

Nang matapos ako mag-asikaso ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.


Nakasuot ako ngayon ng short ngayon at isang oversize t-shirt habang nakalugay naman ang buhok ko at may walang make up.


Nang matanto ko na okay na ay agad na akong lumabas ng bahay at ni-lock ito.


Nang ma-secure ko na naka-lock na nang maayos ay agad na akong naglakad papunta sa labas ng subdivision at papunta sa park.


Malapit lang naman kaya naglakad na ako. Hindi naman ako maarte para hindi maglakad.

Nang makarating ako sa park ay nakita ko doon si Gust na nakaupo sa isang swing.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at ngumiti.


"Hello Maly!" masigla niyang sabi.


"Hello! Ikaw lang?" tanong ko.


"Kamusta ka na? Are you stress?" hindi niya pagpansin sa tanong ko.


Umiling naman ako. "Hindi naman."


Mas lumawak ang ngiti niya saka ako niyakap. "Good to know."



"Bakit?"



Humiwalay siya sa yakap. "Wait lang ha? May kukunin lang ako sa sasakyan."


Tumango naman ako at ngumiti. "Okay."


Umalis naman siya habang ako ay umupo sa swing. Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa siya bumalik. Nang mapatingin ako kung saan siya pumunta ay may nakita akong pigura na paparating.


"Hello Maly." sambit nito.


"Hello Kuya Lucas." sambit ko, si Kuya Lucas, si Kuya Lucas yung biglang dumating.


Umupo siya sa tabing swing kung saan ako nakaupo. Parang hindi naman ako mapakali.


"Maly." tawag niya at napatingin naman ako sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa langit. "Ang aliwalas ng langit 'no?"



Tumango naman ako. "Yeah, walang clouds."


"Alam mo, parang ikaw lang yung langit."


Napakunot naman ang noo ko pero nakuha ko pa ding sumagot. "Ha? Bakit naman, Kuya?"


He winced pero pagkatapos nun ay ngumiti siya. "Katulad ng langit kahit may bagyo nandyan pa din parang ikaw ang strong mo kahit may problema. Ang langit kahit gabi maganda, parang ikaw ang ganda mo pa din kahit anong suotin mo."


Matagal tagal na rin nang makita ko ang ngiti niya kaya nagulat ako, isa pa ibang ngiti ang nakikita ko ngayon napaka-genuine.



Napailing siya. "I'll be straightforward."


Napatingin naman ako ng diretsyo sa kanya. "Ha?"


"I like you a lot Maly, matagal na."

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now