Chapter 27

9 0 0
                                    


Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga lang. Dalawang buwan na. Dalawang buwan na simula nung magising siya at hindi niya ako maalala. Dalawang buwan na din ako na nag-iisip ng kung anu-ano na gagawin ko para maalala niya ako.







Bumuntong hininga naman ako, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Medyo magulo talaga ako ngayon, medyo magulo talaga yung sitwasyon ngayon. Pero syempre mahal ko si Clyde, titiisin ko lahat para sa kanya. Ayaw ko siyang mawala sa akin. Hindi ko hahayaan mawala siya sa akin kahit may anoxia pa siya o nawalan siya ng alaala.





"I got you, Clyde."






Tumingin naman ako sa ceiling. Kakayanin natin ito, Clyde. Pagsubok lang ito. Wala dapat susuko.






Naisip ko naman na pumunta sa bahay nila Clyde. Nakalabas na siya sa hospital nung isang buwan, at sabi naman ni Tita ay pwede akong dumalaw sa kanila na madalas ko namang ginagawa. Madalas naman na mukhang naiirita siya sa akin kapag nandun ako sa bahay nila pero hindi ako natitinag. Naalala ko naman ang reaksyon niya nang makita niya ako sa bahay nila, the day after ng paglabas niya.







Nakaupo ako sa sofa habang sila Caster ay naglalaro ng video games. Hinihintay ko na bumaba si Clyde para i-surprise siya.





Konting minuto pa ang lumipas ay nakita ko siyang bumababa sa hagdanan habang nagsscratch ng mata— kagigising niya lang. Medyo maaga pa kasi, 10am pa lang, nandito na ako, excited kasi akong makita siya. Alam ko naman na kapag wala siyang ginagawa madalas ay late siya nagigising kaya ganitong oras ako pumunta. Buti na lang at hindi ako nagkamali.





"Cast—" naputol naman ang sasabihin niya nang makita ako. Kakababa niya lang sa last step, mukha naman siyang nagulat.




Unti unti namang kumunot ang noo niya. "You? What are you doing here? You are so early to be here if you are a visitor of this two." sabay turo niya kay August at Caster saka ako tinaasan ng kilay.





"Hindi naman sila ang binibisita ko." sambit ko ng casual saka nagde quatro.






Mas lalo naman nagsalubong ang kilay niya at kulang na lang ay magkadikit ito. "Then who?"







"Ikaw malamang. Masama bang makita ang boyfriend ko?" tanong ko.






"I told you, I am not your boyfriend. I don't have any girlfriend."







Natigil naman ang pag-alala ko nang maalala ko yung sinabi niya. Parang lumubog ang puso ko nang maalala ko yun. Oo nga pala, hindi niya ako matanggap as her girlfriend, ang naaalala niya kasi ay wala siyang girlfriend, what hurts me more is even being a friend, hindi niya ako maalala at hindi niya ako matanggap. He is just labeling me 'August and Caster's friend' pero hindi sa kanya.







Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now