Chapter 13

7 1 0
                                    




Papasok na ako ngayon sa school at nakasakay ako ngayon sa kotse namin. Gusto kasi ako ihatid ni Papa, tutal minsan lang naman niya ako hinahatid sa school dahil nga madalas nasa Korea siya.


Nang makarating kami sa tapat ng school ay agad kong inayos ang gamit ko. Nang matapos ako ay humarap ako kay Papa at agad na nag-beso.


"Thank you sa paghatid, Pa." sambit ko at ngumiti.


Tumango naman siya. "Welcome. Na-miss kasi kita." saka ngumiti si Papa sa akin.


"Sige Papa, una na ako baka ma-late ako sa klase ko."


Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba na. Muli akong kumaway para magpaalam at umalis na si Papa. Pumasok naman ako at agad na nagpunta sa classroom.


Saktong pagkaupo ko sa upuan ko ay dumating ang prof namin. Buzzer beater.


"Good morning, Class." bati ni sir.



"Good morning, Sir." sambit ng buong klase.



Nagsimula naman ang discussion ni Sir at ako ay nakikinig lang ng mabuti habang nagno-note sa notebook ko.



Bigla namang may kumatok at nagbukas ang pinto kaya napatigil si Sir sa pagsasalita. Pumasok kasi si Ember.


"Good morning Sir, sorry I'm late. Traffic po kasi." sambit naman ni Ember.


Napakunot naman ang noo ng prof namin. Medyo terror pa naman siya, ayaw niyang nala-late sa subject niya yung student.


"Ms. Almodovar, kung alam mong traffic, sana inagahan mo para on time ka sa subject ko. There is no good in morning kung late ka. Sige maupo ka na nang matuloy ko na ang discussion." saka tumalikod ang prof namin at nagsulat sa white board. Habang si Ember ay nakayuko habang umupo sa upuan niya.


Tinuloy naman ni Sir ang discussion. Maigi lang akong nakinig at the same time naawa kay Ember.


May mga prof talaga na terror na kahit hindi naman kasalanan ng estudyante ay hindi pinagbibigyan pero in some other way, may point naman na tama sila sa pagiging strict nila.


Lumipas ang dalawang oras at natapos na ang subject namin sa kanya.


Nag-iwan lang ng isang gawain na assignment at nag-dismiss na si Sir.


Nang makalabas ako ay dumiretsyo na ako sa garden. Vacant ko na kasi at mamaya pa ang next subject ko. Habang ang mga kaibigan ko naman ay may klase pa.


Nang nasa pwesto na ako— sa spot namin dito sa garden, ay agad akong umupo at nilabas ang librong binabasa ko. Mahilig kasi ako mag-basa ng libro, marami akong libro sa bahay pero mostly ay natapos ko na. Ngayon ang binabasa ko ay Romance ang genre, ang pamagat nito ay Heartbreaker.


Binuksan ko ang libro kung saan nakalagay ang bookmark ko. Nagsimula na akong magbasa at naglabas ako ng isang snack para kahit papaano ay may makain ako. Mas sanay kasi akong magbasa habang may kinakain.


Ilang minuto ang lumipas ay nakaka-excite na ang binabasa ko. Maya maya ay may umupo sa harap ko, which I don't mind kasi nagbabasa ako. Meron pang umupo na tatlo at hindi ko pa rin pinansin at patuloy pa rin sa pagbabasa, baka kasi makikiupo lang.


"Look who's here." biglang sabi at natanto ko na hindi ito ibang tao. Nagpatuloy ako sa pagbabasa at hindi ko sila pinansin.

Ang ganda na ng scene nang biglang may gumalaw sa libro ko kaya napatigil ako at tinignan si Athena.


"What do you want?" mataray na sabi ko.


"Aba, matapang ka na ngayon." sagot ni Athena.


She just disturb me, I am reading the mostly exciting scene, I lost my momentum on reading! Sinong nagbabasa ang hindi maiinis sa ginawa niya?


"I am reading. Give me the book." kalmado kong sabi, tuluyan niya kasing kinuha kanina yung libro.


"What if I don't?" mapang-asar na tanong ni Athena.


Huminga ako ng malalim, trying to control my anger. "I'll get it without mercy."


"Oh, I'm scared." sabay tawa ni Athena. "Fetch." sabay binato ang book ko sa lupa.


Did she just throw my book? Uminit naman ang ulo ko sa ginawa niya. Kinuha ko ang libro ko at nilagay ito sa lamesa ng padabog saka ko tinignan si Athena.


Hindi ako natutuwa, iniingatan ko yung libro na yun tapos ibabato lang niya? How dare she!


"You. Threw. My. Book?" madiin na sabi ko.


"Yes I threw it. Right girls?"


"Yes."

"Yeah."

"Obvious."


Saka tumawa yung apat na para bang nahihibang na. They don't know how to take care a book or even any thing that they have.


Napailing ako at tinignan ng seryoso si Athena. Walang halong pagpigil ay sinampal ko siya.


"Well that. You deserve it." may inis na sabi ko.


Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko. "Learn to value things, just a piece of advice for your little conscience." saka ko sila tinalikuran.


May humawak sa balikat ko. "We are not done yet, mang-aagaw ka na nga, ikaw pa matapang."


Hinarap ako ni Athena at sasampalin sana kaso nasambot ko yun.


"Agaw? Anong aagawin ko sayo?" tanong ko na naguguluhan.


"Huwag mo kong niloloko. Umamin sayo si Gust." sambit ni Athena at kita ko ang galit niya sa mga mata.


So she like Gust? Oh, poor her. Hindi pumapatol si Gust sa mga babaeng katulad niya.


I shrugged. "Wala akong kinalaman diyan, wala akong alam diyan, and wala din namang kayo para mag-asta kang parang inaagawan ka." muli ay sinampal ko siya. "Ayan, para magising ka sa katotohanan."


Natigil naman siya sa ginawa ko. Bullseye. Kulang na lang tawanan ko siya sa reaksyon niya.


Kinuha ko ang bag ko at libro saka nagsimula na maglakad palayo sa kanila. Hindi na nila ako napigilan dahil mukhang nagulat sila sa pinaggagagawa ko sa kanila. Isa pa malapit na rin ang oras ng klase ko.


All the time hindi ako lumalaban sa kanila pero ngayon ay dinamay nila ang libro ko para sa walang katuturang bagay. Napailing ako sa mga inasal nila.


Buti na lang, isang subject ko lang kaklase si Ember. Hindi ko siya makikita ngayong araw, pagkatapos nun.

Nang makarating ako sa classroom ay umupo na agad ako at ilang minuto lang pumasok na ang prof saka nag-discuss.


Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now