Chapter 3

9 1 0
                                    



Nandito ako sa kwarto ko at nakahiga lang. Bakasyon pa rin kasi ngayon pero next week pasukan na namin. Second year college na kasi kami nila Ara. Nakapag-enroll na rin naman kami kaya nasa bahay na naman ulit.

Gumulong naman ako sa kama saka kinuha ang cellphone ko sa side table.

Sakto naman na nagpop ang pangalan ni Ley sa screen, tumatawag siya. Sinagot ko naman agad ang tawag kahit hindi ko alam kung bakit siya tumatawag sa akin.

[Hello Maly!]

Sabi sa kabilang linya. Napaka-energetic niya ngayon, mukhang masayang masaya siya.

"Hello! Bakit ka napatawag?" tanong ko naman.

[Punta tayo kila Caster.]

Napakunot naman ang noo ko nang marinig yun, bakit naman kami pupunta kila Caster? Bigla naman akong may naisip na gawin.

"Bakit naman tayo pupunta kila Caster? Na-miss mo ba si Caster kaya gusto mo siya makita, kung ganon i—"

[Hindi 'no! Huwag ka ngang ma-issue Maly! Bakit ko naman yun mamimiss?!  Hindi ko yun mamimiss! Asa ka! No! Never! Bahala ka nga dyan! Magkita tayo sa labas ng subdivision niyo ng 1pm. Mamaya ko na sasabihin kung bakit tayo pupunta doon kapag nagkita tayo. Ewan ko sayo kung anu-ano pinagsasasabi mo, hindi ko yun mamimiss! Ciao.]

Pagkatapos niya yun sabihin ay pinatayan niya ko. Habang ako ay nakangiti ng nakakaloko kanina pa kahit hindi niya nakikita. Minsan talaga masaya asarin yun si Ley kay Caster.

Tinignan ko naman ang oras at 12:25pm na, buti na lang kumain na ako. Minsan kasi biglaan sila kung mag-aya katulad ngayon anong oras na saka lang ako inaya.

Nanguha naman ako ng damit at saka pumasok sa banyo para maligo.

Nang matapos ako ay agad naman akong nag-ayos. Tinignan ko naman ang oras at 12:40pm na, napailing ako, matagal talaga ako maligo paminsan-minsan.

Nang makapag-ayos ako ay sakto naman na 12:50pm na. Bumaba na ako at sakto naman na nandun si Mama sa sala, napansin niya naman ako agad at mukhang naguguluhan siya kung bakit ako nakapang-alis.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama.

"Kila Caster Ma, kasama ko sila Ley, hihintayin daw nila ako sa labas ng subdivision." paliwanag ko at tumango naman si Mama.

"Sige, ingat." sabi ni Mama at ngumiti.

Nginitian ko naman si Mama at saka lumabas na ng bahay. Five minutes lang naman ang lakaran palabas ng subdivision kaya makakarating ako ng mas maaga sa 1pm.

12:57pm na nang makalabas ako ng subdivision, meron namang waiting shed doon na madalas doon kami nagkikita kaya doon ako dumiretsyo.

Ilang minuto naman ay nandoon na sila Ara.

"Tara na agad!" sabi ni Ley at hinawakan ako sa kamay saka ako hinila.

"Ano ba kasi meron, bakit tayo pupunta kila Gust?" tanong ko habang sumakay kami ng taxi, pero mukhang hindi ako naririnig ni Ley na ngayon ay ngiting ngiti.

"Nandito daw sa Pilipinas si Lucas, kakauwi lang kahapon, kaya pinapabisita nila tayo." sagot naman ni Ara sa tanong ko at napatango naman ako.

"Ayun pala, akala ko namiss lang ni Ley si Caster kaya trip niya na pumunta sa kanila." medyo malakas ko na sabi tama lang para marinig ni Ley.

Mukhang narinig niya naman at napatingin siya sa akin ng masama. Ngumiti naman ako ng nakakaloko.

"Akala ko lang naman, akala ko lang." nilawakan ang ngiti ko sa kanya.

"Ako nga rin Maly, akala ko rin." panggagatong ni Ara saka ngumiti kay Ley ng nakakaloko.

"Nako kayong dalawa tigil tigilan niyo ko ha. Sinabi ko na sa inyo na hindi ko yun mamimiss, never as in never! Never in my life!" depensa ni Ley pero nanatili ang mapang-asar naming ngiti.

Bago pa siya makapagsalita ulit ay nakarating na kami sa bahay nila Caster. Agad kong inabot ang bayad na hinanda namin kanina at agad kaming lumabas ng taxi.

Nahuli naman si Ley sa paglabas at nang makalabas siya ay pinindot na namin ang doorbell sa gate nila.

"Bakit kaya doorbell kung nakalagay naman sa may gate? Diba dapat gatebell?" mahinang sabi ni Ley.

Hindi ko maiwasan matawa ng mahina. May sense nga naman.

Bumukas naman ang pinto at binuksan ang gate ni Caster.

"Nagkita na ang dalawa." asar ko.

Tumaas naman ang kilay nilang dalawa at tumingin sa akin ng masama.

"Che!" sabay nilang sabi at pumasok na kami.

Nang makapasok kami ay nasa sala si Gust. Nang makita niya kami ay ngumit siya sa amin.

"Hello, upo kayo." sabi ni Gust at itinuro yung upuan.

Nauna na silang umupo at ako ay umupo sa tabi ni Gust, ayun na lang kasi yung hindi nauupuan.

"So asan na si Kuya Lucas? Sabi niyo siya bibisitahin namin, bakit tayo tayo lang naman ata nandito?" tanong ni Ley.

"Nasa taas pa si Kuya, wag kang atat." pambabara ni Caster at nagsimula na naman silang magsagutan.

Nabaling naman ang atensyon ko sa dalawa na nasa gilid ko. Nag-uusap sila Gust at Ara at napangiti ako, they seems so close. Uminom na lang ako ng tubig habang pinagmamasdan sila.

Maya maya pa ay pababa na si Kuya Lucas. Mas matanda kasi siya ng isang taon sa amin, syempre mas matanda at Kuya siya nung kambal.

Nang makababa siya ay ngumiti siya sa amin at tinaas ang kamay niya na parang gusto niya ng yakap.

"Poong-i eobsnayo?" (Wala bang yakap diyan?) pagkasabi niya non ay yumakap kami sa kanya.

"Namiss kita Kuya!" sabi ni Ley.

"I miss you Kuya!" sambit naman ni Ara.

"I miss you Kuya Lucas!" sabi ko naman.

Pagkatapos non ay umupo na kami at nagkwentuhan.

"Babalik ka pa sa Korea Kuya?" tanong ni Ara.

Umiling naman si Kuya Lucas. "Hindi na, dito na daw ako mag-aaral, same school sa inyo, naka-enroll na nga ako." sabi ni Kuya Lucas.

"Talaga Kuya?" tanong ni Caster.

"Oo, bakit ayaw mo?" sagot ni Kuya Lucas.

"Syempre gusto! Yes!" energetic na sagot ni Caster.

Maski kami ay masaya din na dito na siya mag-aaral.

Nagkwentuhan pa kami sa ibang mga bagay, at masaya kami na nagkita kita ulit kami.

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now