Chapter 01

379 10 8
                                    



Author's note: I just want to be clear sa pronunciation ng name ni Kirsche, it's pronounced as keer-sha. That's all. Thank you and happy reading :).

"Maligayang pagbabalik eskwela. Nawa maging makabuluhan ang taon na ito at marami kayong mapulot na aral sainyong mga guro. Muli, maligayang pagbabalik!"

Hindi ko magawang sumang-ayon sa Presidente ng unibersidad namin. This might not be a good year for me. I have Biophyiscs, Biostatistics and Biochemistry all in one semester! That's insane at mukhang pati ako mababaliw.

Dumiretso na ako mag-isa sa classroom na naka-assign samin. At dahil nga under ako ng College of Science sa pinaka top floor ang mga rooms namin; 6th floor. Amoy mandirigma ka na pagkaakyat.

Agad akong umupo sa bakanteng upuan ng matagpuan ang aming silid. Marami rami na rin ang kaklase ko na nandito at mukhang magkakakilala na sila. Ayos lang naman sakin yun, I am fine being by myself.

"Good morning, is this BS Biology 2-3?" tanong ng babae na pumasok.

"Yes," sagot ng mga kaklase ko

"Great, I'll be your professor for Biochemistry. I'm Ms. Ildefonso and I will be your professor for both lecture and laboratory. Are all of you here already?"

"No, Ma'am. May 2 pa po nawala"

Pagkasagot ng babae kong kaklase may pumasok na isang kaklase ko. Napansin naman agad yun ng prof.

"So isa nalang inaantay natin? Then let's start." Agad siyang tumayo at namigay ng syllabus.

She seems enthusiastic and full of energy to think that this was just the first day of class. We don't basically expect profs to be present the first week of class. Ganon kasi kadalasan ang set-up nila.

She discussed the whole syllabus. Papatapos na siya ng may pumasok na lalaki. Di naman niya sinaway at hinayaan lang. Tumabi sa akin ang kararating lang na lalaki dahil doon nalang may bakanteng upuan.

"Ano ng diniscuss?" tanong sakin ng katabi ko.

"Wala pa naman namigay lang ng syllabus. Gusto mo tignan?" kinuha niya rin kaagad ang syllabus at nagpasalamat pagkatapos niya mabasa ang mga nilalaman.

"We still have 2 hours so should we start our lesson now?"

I groaned upon hearing those words. First day of class tapos lesson agad? Humiram na agad ng projector at extension ang dalawang kaklase ko.

"While waiting for your two classmates to return, kindly find yourself a partner dahil may exercises tayo na sasagutan mamaya."

Napalingon ako sa buong klase at nakita na may kanya kanya na silang partner. Magtataas na sana ako ng kamay para sabihin na mag-isa nalang ako gagawa pero naudlot ng kalabitin ako ng katabi ko.

"May partner ka na?" tanong niya sa akin

"Wala"

"Ako rin eh. Tayo nalang." I just shrugged my shoulders dahil wala na rin naman akong choice.

The biochemistry of water was discussed to us. From its properties, structure, intramolecular forces and intermolecular forces, ionization of water and pH.

"Okay, na gets niyo ba lahat? Clarification? Violent reaction?" wala naman sumagot sa amin dahil madali lang naman ang lesson. "Mabuti naman at naintidihan ng lahat. Now, get one whole yellow pad and answer all these questions with your partner."

"May papel ka ba?" tanong agad ng katabi ko.

"Meron"

"Ang tipid mo naman sumagot. Wala na bang ihahaba yang mga sagot mo?" maloko siyang ngumiti sa akin.

Tinignan ko lang siya at kumuha na ng papel.

"Anong number gusto mo sagutan?" tanong ko sakanya dahil baka sabihan niya na pinipili ko ang madadali.

"1 and 2 nalang" tumango nalang ako at nagsimula na magcompute.

pH lang naman kukunin namin and we only have 4 sets of question kaya mabilis nalang to. Puwede na rin daw umalis pag tapos na.

"Tapos na ako. Ikaw nalang magpasa. Thanks." Kinuha ko ang bag ko at nag paalam na ko sa prof. Hinayaan niya lang naman ako dahil tapos na ako.

"Hey, sandali naman!" napairap ako ng marinig ang pamilyar na boses.

I continued walking dahil wala naman dahilan para intayin ko siya. Pero nakakailang hakbang palang ako nakaharang na siya agad sa harapan ko.

"Sinabi ko ng antayin mo ko eh. Mahina ba ang pandinig mo?" nag sign language pa siya sa pag-aakalang bingi ako.

Inirapan ko lang siya at lalagpasan na ng bigla niyang hinigit ang braso ko. Agad ko siyang tinignan nang masama para bitiwan niya ang braso ko at mabuti naman at nakuha niya ang gusto ko iparating.

"Ano bang problema mo?" sa wakas ay tanong ko sakanya

"Nakapagsasalita ka naman pala at di naman pala mahina pandinig mo," natatawa niyang sabi

"Sino ba kasi nagsabi sayo na bingi ako?" napakamot siya sa ulo niya dahil sa tinuran ko.

"Kasi naman sinigaw ko na kanina na hintayin mo ko pero tuloy-tuloy ka lang sa paglakad."

"Eh hindi ko naman obligasyon na antayin ka." Mangha siyang napatingin sakin.

Naoffend ko ata siya sa sinabi ko. Madalas pa naman na walang filter ang bibig ko.

"Oo tama ka naman dun. Pero I just want to hang out," nahihiyang sabi niya

"And I don't want to. Goodbye," sagot ko sakanya at agad na siyang tinalikuran.

"Hep Hep" and for the nth time humarang nanaman siya sa lalakaran ko.

"What? Do you expect me to say hooray?" napamaang muna siya sakin bago napailing habang natawa ng bahagya.

"Di mo naman sinabi na joker ka pala," pang-aasar niya pa.

"That was not a joke, it was sarcasm. And puwede ba stop pestering me. Humanap ka ng iba na puwede mong samahan."

"Eh ikaw nga gusto ko samahan. Why can't you just let me? Di naman kita kukulitin." Napairap ako sa sagot niya

"Ngayon palang makulit kana." Hindi ko alam bakit ba pinag-aaksayahan ko ng oras itong tao na 'to. "Alam mo, bahala ka na." Napangiti naman siya agad at sumunod nalang sa akin. 

Brave the Storm (La Familia Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat