Chapter 26

63 0 0
                                    



'You have a colon cancer. Stage IV.'

'You have a colon cancer. Stage IV.'

Napatawa ako ng malakas sa sarili ko.

"Colon cancer? Stage IV? Ha!" muli akong napatawa sa sarili ko. Colon cancer? Si daddy? Imposible!

Health-conscious si daddy, hindi nga mahilig sa taba yun. Hindi rin umiinom yun. Wala siyang bisyo. Tapos sasabihin ni Dr. Nuerva colon cancer sakit ni daddy? Tapos stage IV? Ha! Kalokohan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tumatawa mag-isa ng may maramdaman nalang akong tela na pinatong sa mga balikat, isang jacket. Nag-angat ako ng tingin upang tignan kung sino ang naglagay nun at lalo akong napatawa.

"Cove!" I energetically said. He must have thought I've gone mad.

"Kanina ka pa nila hinahanap. Pati ni Kaisley," napatawa nanaman ako sa sinabi niya.

"Hindi ko alam na joker pala si Dr. Nuerva," pag-iiba ko ng usapan, "Teka, ikaw yung umasikaso ng mga lab results ni daddy, diba? Ano yun prank? Tapos na April 1, Cove. December na, masyado naman ata late prank niyo. Hindi nakakatuwa," nabasag ang boses ko sa mga huling salita, "Hindi nakakatuwa," ulit ko pa at naramdaman ko nalang na niyakap niya na ako.

At bigla nalang nagbasakan ang mga luha ko, walang awat. Hindi totoo yun e.

Cancer?

Imposible.

Hindi puwede.

Halos hindi na ako makahinga dahil ayaw maawat ng mga luha ko. Nang sabihin ni Dr. Nuerva yung mga katagang 'yon bigla nalang nanikip ang dibdib ko. Biglang hindi ko marinig ang mga ingay sa paligid ko. Paulit-ulit na naririnig ko yung sinabi ni Dr. Nuerva. Nakita ko kung paano humagulgol si mommy at kung paano siya niyakap siya ni daddy.

Suddenly everything was spinning around me. Parang bigla akong binabangungot. Muntik ko pa mabagsak si Kaisley kaya agad ko siyang binaba at wala sa sariling tinungo ang pinto. Narinig ko pa ang pagtawag sa 'kin ni daddy, Dr. Nuerva at Cove pero hindi ko sila pinansin. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapagod ako.

Sandali lang.

Baka kasi hindi nanaman totoo 'to.

Baka binabangungot lang ako.

"Shush, tahan na, Kirsche. Tahan na," pag-aalo ni Cove sa'kin.

"Dad has cancer, Cove. Cancer," tila parang bata akong nagsusumbong sakanya.

I felt him nodding as he continues caressing my back, "I know, kaya naman kailangan ka na ng daddy mo. You need to fight with him. He needs you all beside him. To fight the battle with him."

Alam ko naman na ganon ang dapat kong gawin pero hindi ko magawa. Parang tuluyan nag-shut down yung utak ko kanina. I just need time to absorb everything, to make sense of it all. I just need to... breathe.

Hinarap ako ni Cove sakanya at sinapo niya ang magkabilang pisngi ko, "You can do this, Kirsh. For your dad and your family. At pag kailangan mo ng masasandalan o kailangan mo lang magpahinga, andito lang ako," sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko at bahagyang ngumiti sa 'kin.

I bit my lower lip as I felt that stinging sensation in my eyes again, "Okay, thank you," I answered and he smiled widely at me and he tousled my hair.

"C'mon, I'm sure your mom and dad are starting to get worried," and he draped his arm on my shoulders as we walked, "Nahirapan pa akong hanapin ka, puwede naman kasing sa rooftop magdrama dito mo pa sa isolated place ng ospital napili," bigla nalang ako napatawa dahil sa sinabi niya. Kanina lang umiiyak ako tas tumatawa nanaman ako. Nababaliw na nga ata ako.



Brave the Storm (La Familia Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat