Chapter 20

52 1 0
                                    



Weeks have passed since our trip to Siargao and it's already the second week of February. Noon ngang pagka-uwi ko agad akong niyakap ni mommy nang mahigpit.

"You look stunning in all your pictures, anak!" and she even squealed. I awkwardly laughed at her compliment, si daddy naman may tipid na ngiti lang, "Nakita pala ng daddy mo lahat. I'm sorry, anak di ko napigilan ang reaksyon ko kaya nagtaka siya. I don't have a choice," mom whispered.

That explains his smile. Kinabahan ako agad kaya nagpa-good shot ako kay dad the whole week. Pero hindi naman niya ako pinagalitan at nagulat pa nga ako nung bigla niya akong purihin.

"Like what your mom said, you looked stunning, Kirsh," and he smiled at me but the corners of his eyes were watery.

I gave him one big hug pagkasabi niya nun, "Si daddy nagiging iyakin. Ganon na ba ako kaganda para mapaiyak ka?" pagbibiro ko sakanya. Napatawa siya habang yakap ako.

"Ang hangin mo na, anak," pagbibiro din niya, "Dalaga na talaga ang anak ko. Dati rati hinahabol habol lang kita but look at you now, you've got yourself a boyfriend and been going on trips with him." I laughed at what he said but I felt tears building up on the corner of my eyes.


A talk like this with them never fails to make me cry. Hindi naman ako iyakin na tao pero pagdating sakanila parang may sariling isip ang luha ko na tutulo nalang nang kusa. Lalo na pag si daddy ang ganito. I love them both but dad was... he's like my bestfriend most of the times. He likes to joke around and would sometimes overreact on things and so when he talks seriously and pours out his heart, emotion gets the best of me.


Nadatnan kami ni mommy na sumisinghot at nagulat nalang kami na umiiyak na rin siya. Nataranta pa si daddy dahil umiiyak si mom pero sinabi niya na kanina niya pa daw kami pinapanood. Sinisi niya pa kami kesyo pinaiyak daw namin siya. Natawa nalang kami ni dad. Mom and her mood swings.


Pagkatapos nung trip namin mas dumalas kaming magsama ni Cove. We've been having breakfast date, studying together, and hanging out either in his house or ours. Inaasar na nga kami nila Kaiei na baka daw magkapalit na kami ng mukha dahil parati kaming magkasama. Mas naging close pa kami ni Awy dahil nga mas madalas na akong tumambay sa bahay nila. At pag pauwi na ako she would give me her puppy eyes tsaka babanat na doon nalang daw ako matulog. Di ko siya natanggihan noong una kaya doon ako natulog, tabi pa kami sa kwarto niya. I read her bedtime stories bago matulog at nakailang kwento ako ng 'The little mermaid' at kabisado niya na yung mga lines. She was super cute while doing that, sinusuklay niya pa yung buhok nung doll niya na Ariel.

Siguro nung pang limang ulit ko nakatulog na siya. Pagkatapos nun lagi niya na akong kinukulit na doon matulog dahil ang pangit daw pag si Cove ang nagkukwento sa kanya pero pinagsabihan na siya ni Tita and she sadly obliged. Muntik na nga ako magpaalam ulit dahil dun. 


That has been our routine pero ngayong second week of February, hindi na kami ganoon kadalas magkasama. Sinusundo niya pa rin naman ako sa bahay pero wala nang breakfast date dahil late niya na akong nasusundo. Ganoon din pag ihahatid pauwi, papaalam na siya sa 'kin kaagad at aalis na. Naiintindihan ko naman dahil malapit na ang finals at baka nag-aaral na siya. At isa pa hindi lang naman sa 'kin umiikot ang mundo niya. He's got a life of his own and I got mine.


"Kirsche, anong meron sainyo ni Cove? LQ kayo?" pagtatanong ni Cos.

Alam kong nagtataka na rin sila sa amin dahil nung kelan lang hindi kami mapaghiwalay pero ngayon para na kaming nagkakasalisihan. Wala silang sinabi kahit napapansin na nila yun, tahimik lang sila pero nabo-bother na ata sila.

Brave the Storm (La Familia Series #1)Where stories live. Discover now