Chapter 22

50 1 0
                                    



"Time's up. Pass your paper to the aisle"

"Kirsche, yung papel mo ipasa mo na. Nakatingin na sa 'yo si Sir," natigil ako sa pagtulala ng sipain ako ni Eli.

Doon ko lang napansin na ako nalang pala ang hindi nagpapasa ng papel at nakatingin sila saking lahat. Wala sa sarili kong ipinasa ang papel at ibinalik ang tingin sa labas.

"Hoy, ayos ka lang ba?" isang tango lang ang sinagot ko kay Cos.

I heard them murmuring things but I ignored them. Last day na ngayon ng klase and last final exam na namin pero wala pa ring Cove na nagpapakita. After our moment in Tagaytay hindi na siya pumasok pa. Even on our way home, he was extra clingy. He didn't let go of my hand the whole ride and he'll kiss it from time to time. Panay rin ang sabi niya ng 'I love you'. At pilit man niyang itinago, nakita ko kung paano niya pinupunasan ang mga mata niya and then he would face me and smile like he just didn't cry. Nagpalusot pa siya na kumakati daw ang mata niya kaya ganoon. He held onto my hand so tight na akala mo mawawala ako sakanya but I held onto to it tighter because as much as I want to deny this hollow feeling in the pit of my stomach, deep inside I know I'm losing him. No matter how tight I held on to those hands, it was slipping away; slowly he's removing my grasp onto him and before I even knew it, he slipped away.

"Kirsche"

"Kirsche Artemis ano ba,"

"Kirsh, tara na"

Naririnig ko naman sila pero ayoko muna. Baka kasi panaginip lang 'to, baka maya-maya gigisingin din ako ni mommy. And by that time it will all be but a nightmare; hindi magkakatotoo. Everything will be back the way it used to be. Kaya maghihintay ako kasi sabi niya mahal niya ako at wag kong pagdududahan 'yon. Kaya mamaya na, onting oras pa.


But it didn't come. So I collected myself and I went to their house. I need to see him. I need to ask if he's okay, kung kumakain ba siya. Baka mamaya nalilipasan na siya ng gutom. Masyado niya ng pinababayaan ang sarili niya. Pagdating ko sa harap ng bahay nila, it looked abandon but I still tried.

I pressed the doorbell.

Walang sumagot.

I tried it again.

Wala pa rin.

I tried again and again and again, pero walang lumabas. Wala ng tao. I was staring at their house ng may kumalabit sa 'kin. My eyes widened and I smiled upon turning to see him.

"Sabi na— " pero natigilan ako ng hindi si Cove ang makita ko kundi isang matandang babae.

"Ah hija, may kailangan ka ba?"

"Ah... kilala niyo ba yung nakatira dito? Wala po kasing sumasagot e."

"Wala ng nakatira diyan hija," napatulala ako ng marinig ang sagot niya.

"Po?" baka kasi mali lang yung dinig ko.

"Kako wala ng nakatira diyan. Binenta 'to nung mag-asawa na may dalawang anak. Isang lalaki na kasing edaran mo at isang babae na mukhang asa pito o walong taong gulang. Nung nakaraang linggo pa sila umalis dito." Hindi ako alam anong sasabihin ko sakanya kaya naman ngumiti nalang ako at yumuko bago umalis.


Wala sa sariling nakarating ako sa bahay namin. Dirediretso lang ako at hindi ko man nabati si mommy. Babatiin niya dapat ako pero nang makita ang itsura ko, naisara niya nalang ang bibig niya.



"Kirsh, please at least say something. Nag-aalala na kami sa 'yo," napatingin ako kay Randi at sa mga kaibigan ko. Nagulat nalang ako nasa kwarto ko na sila. Pare parehas ang emosyon na meron sila, awa.

Brave the Storm (La Familia Series #1)Where stories live. Discover now