Chapter 13

63 3 0
                                    

"Hey, where's the food?"

"Andito na ba lahat ng gamit?'

"Check all your things, kids! Mamaya may makalimutan tayo!"

Disaster. That's the only word that will suit our situation right now. Andito na rin ang pamilya ni Cove sa bahay namin at kahit kaka-meet lang nila parang ilang taon na kami magkakasama sa iisang bahay dahil sa kaguluhan na meron ngayon.

Nagkatinginan kami ni Cove and we can't help but to laugh. Sobrang aligaga ng mga pamilya namin to think na isang buong araw lang naman kami sa Subic pero ganito na agad.

"Let's go! We don't want to be stuck in traffic. So, hop in," sa wakas ay saad ni daddy.

We used our van dahil pito lang naman kami. While we're on our way, todo ang chikahan ni mommy and Tita Annastasia. Nagpatugtog naman kami ni Cove, and daddy would sometimes jam with us dahil "millennial" daw siya. Tatawa nalang si Tito Eduardo sa ginagawa ni daddy. Awy danced to the beat of the song, I would sometimes play with her. She's a really cute little girl, she's the total opposite of Cove. She has a fair skin, brown orbs, the ends of her hair curls naturally, small pointed nose, rosy cheeks, and that smiley face. She has an aura na mapapangiti once na ngitian ka niya.

"How can you have such a cute sibling?" pang-aasar ko kay Cove habang sinusuklay ko ang buhok ni Awy, she was busy playing with her Ariel doll.

"It runs in our genes, Kirsh." I scoffed with his reply.

Habang tumatagal lumabas na ang kayabangan ng lalaki na 'to. Pero hindi naman talaga maitatanggi na maganda ang genes nila. Cove took after Tita's features. Tita Annastasia has hooded eyes, small pointed nose, thin lips, and fair skin. Noong una kala ko ay papa niya ang kamukha niya pero si Awy ang nakakuha ng features ni Tito. Tito Eduardo has deep set eyes, narrow pointed nose, long stubble, thin lips, tanned skin, and cleat cut hair. Pati yung masayahin na aura ni Tito nakuha ni Awy. If only I could adopt her, I would. I need her cuteness in my life. I just can't wait for our baby girl.

After fours hours of long drive nakarating na kami sa Subic. Pasikat palang ang araw at sarado pa ang Inflatable Island; so much for an early bird. We opted to eat our breakfast habang nag-iintay ng opening. Binilisan ko ang pag-kain ko dahil nahihirapan si Awy kumain mag-isa at etong si Cove napakaresponsableng Kuya. Kesyo malaki na daw ang kapatid niya at marunong naman na daw gumamit ng kubyertos kaya naman inirapan ko lang siya at sinubuan si Awy.

"Hayaan mo na yan, Kirsh. 7 years old na yan. Marunong nga yan. Hinahayaan nga yan ni mama e. Kayo lang ni papa ang nagb-baby diyan e," pangangaral pa ni Cove.

Awy stucked her tongue out to Cove at gumanti naman etong lalaki na 'to. Napakamature talaga. Nagmake face pa siya kay Awy hanggang sa kumibot ang labi ni Awy, naiiyak na. Kaya naman agad kong binuhat yung bata.

"Napaka-pang-asar e," sabay kurot ko sa tagiliran niya na tinawanan niya lang, "Shh, don't cry na, baby. Di na natin bati yan si Kuya mo," pang-aalo ko sakanya habang pinupunasan niya ang luha niya.

"Bad, Kuya" and she pointed at Cove at ang loko dinilaan pa ang bata kaya naman lalo pang umiiyak.

"Cove, isa!" at tsaka ko siya binatukan.

Tinignan ko siya ng masama kaya naman napilitan na siya tumigil. Bumubulong bulong pa siya pero di ko nalang pinansin at naglakad lakad habang buhat si Awy.

Maya-maya pumasok na rin kami and they gave us two wristband tickets, one for the inflatable access and one for the sunflower lounge. Agad na nagtatakbo si Awy sa buhanginan and she was shouting for us to walk faster dahil gusto na raw niya mag-swimming. Natawa ang lahat sa inasal niya.

Brave the Storm (La Familia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon