Chapter 17

66 1 2
                                    



It has been weeks since Cove and I became official. Nasabi na namin sa mga parents namin and they were all happy for us. Nung sinabi naman namin kila Rya pambubuyo at batok ang inabot namin, but nonetheless they were happy for us too. First week of December ng mangyari yun and now it's the third week at eto na ang last day namin before holiday break begins.

"Goodbye class. Have a Merry Christmas and a Happy New Year," said our prof at sabay sabay rin namin siyang binati.

"Sa wakas bakasyon," punong ng emosyon na sabi ni Rya.

"E san kayo niyan? Kami sa bahay lang," tanong naman ni Eli.

"Bahay lang rin." Sagot ni Cos, Rya, at Randi.

"Uuwi sa province. Tradition na namin yun e," sabi naman ni Kaie.

Napatingin sila sa amin ni Cove, "Punta dapat kaming U.S. kaso bawal na magtravel si mommy dahil sa Feb na ang due date niya. E nataon naman na pupunta rin pala sila Cove dun, so sinuggest ni Tita na isama nalang nila ako. Pumayag naman si dad and mom, kaya magkasama kami sa holidays," pagsagot ko.

Mga pang-asar na tingin ang ipinukol nila sa amin, "Jusko magsosolo kayo ng room no?" pambubuyo ni Rya

"Puwede rin." Pagsakay ni Cove sa biro.

Agad siyang nahampas ni Rya sa braso, "Malandi talaga kayo. Kelan lang naging kayo ha. Atat na atat na ba, Cove?" and she gave Cove a meaningful look na naging dahilan ng pagkasamid nito kahit walang iniinom.

Sinambunutan ko naman si Rya dahil wala nanamang preno ang bibig.

"Gaga. Idadamay mo pa sa karumihan ng utak mo si Cove e." she scoffed at what I said.

"Loka. Madumi rin utak niyan. Tignan mo lang, Kirsche sinasabi ko sayo." Inilingan nalang namin siya at nagpaalamanan na.



The night before we leave for the U.S tinulungan ako ni Cove na mag-impake ng mga gamit ko. And now, we were currently lying down on my bed, my head on Cove's chest, his other hand was encircled on my shoulder, and his other hand he used as his pillow.

"Are you excited?" I asked out of the blue.

Kanina pa kami tahimik we were just staring at the ceiling, pero it was a comforting silence.

"Yeah, only because we'll be together through the holidays." He was drawing circles on my shoulders while answering that.

I smiled at his answer.

"I'm excited too," I looked at him and smiled.

He smiled back at me and leaned forward to kiss me on my forehead. I closed my eyes the moments his lips touch my forehead.

"Sleep. It'll be a long flight tomorrow," he hugged me tighter as he said that.

"You'll sleep here?"

"Hindi. Baka hindi ako makasama sa U.S pag ginawa ko yun," and he nervously chuckled.

"Daya," I looked at him and pouted.

He pinched my nose and chuckled, "Easy, love. Papalakas muna ako kay Tito," I just shrugged my shoulders as an answer, and I felt him kissed the top of my head.

I just tried my luck kahit alam ko na hindi kami papayagan ni dad. Kanina nga nung nag-iimpake nakabukas yung pinto tas nanonood pa siya, mga 30 minutes ata siyang nakamasid samin. Kung hindi pa siya hinatak ni mommy di pa siya aalis. Pero hindi pa doon natapos dahil kunwaring napadaan lang siya, pero sino bang niloko niya e nakailang balik siya. Ang dami ring bilin ni dad kay Cove pati sa 'kin. Bawal raw kami magsama sa isang room, wag daw kami hihiwalay kila tita, take care of myself daw, etc. Napailing nalang kami ni Cove sa ginawa ni dad.

Brave the Storm (La Familia Series #1)Where stories live. Discover now