Chapter 19

64 1 2
                                    



Nang malaman nila Randi na pupunta kami ni Cove sa Siargao nainggit sila at gusto na agad sumama pero biglang sumingit si Rya sa usapan.

"Nako, guys di niyo ba gets ha? Gustong masolo ng Cove ang Kirsche kaya ano ba wag na kayo third wheel sakanila. Hayaan niyo sila magsolo," sabay kindat sa 'kin ni Rya.

"Gaga itulad mo naman si Kirsche sa 'yo," pagtatangol naman sa 'kin ni Kaiei.

"Ay nako sis di pa nga sila aba'y hinalikan na ang Cove pano pa kaya ngayong sila na?" napaisip si Kaiei sa sinabi ni Rya.

Agad ko naman hinaltak ang buhok ni Rya, "Baliw, hindi pa rin sis. Tsaka ano ba lasing nga ako nun diba."

"E sabihin mo ngayon na di pa kayo nagkikiss na sober ka?" agad akong natahimik sa tanong niya.

Kaya kantyawan agad ang inabot ko sakanila.

"Ay nako Kirsche bago ko makalimutan, may swimsuits ka na ba?" agad nangunot ang noo ko sa tanong ni Rya.

"Wala. Mag ra-rashguard lang ako." Napasapo siya sa noo niya dahil sa sagot ko.

"Nako, Kirsche asa beach ka. Sayang ang tangkad at hubog ng katawan mo. Tapos ang puti mo pa. Flaunt it may pag may time."

Swimsuit? Ako? Tsaka sa harap ni Cove? Baka isipin nun inaakit ko siya. Tsaka nakakahiya. Hindi pa ako nakakapagbikini ever.

"Wag mo nga ako bolahin, Rya. Hindi maganda ang katawan ko para sa ganoong kasuotan."

"Kirsche Artemis, manahimik ka. Maganda ang katawan mo kaya mamayang uwian aagawin ka namin kay Cove at mamimili tayo ng swimsuit. Diba girls?" agad naman nag-tanguan sila Cos na mukha ring excited sa plano ni Rya.

Mukhang wala na akong magagawa. Di ko nalang isusuot yung mga bibilhin nila.


Pagdating ng uwian tinotohanan talaga nila na bibili kami at libre na daw ni Rya yun sa 'kin. Apat na pares nang swimsuits ang binili nila sa 'kin, hindi daw dapat ako paulit ulit lang; dapat daw iba-iba per day. Tumutol pa ako dahil sayang lang sa pera pero mapilit sila kaya wala na rin akong nagawa.


Pagkauwi sa bahay agad kong pinakita kay mommy yung binili sa 'kin ng mga kaibigan ko at si mommy naman tuwang tuwa, napapalakpak pa siya.

"Nako, anak bagay sa 'yo lahat ng 'to. Make sure to send me some of your pictures ha. Di ko papakita sa daddy mo dahil baka bigla kayong sundan sa Siargao nun," sabay kaming natawa ni mom sa sinabi niya.

Wala rin akong balak na ipakita kay dad dahil baka bawiin niya yung pagpayag niya. Noong pinapunta niya pa naman si Cove dito para ipaalam na pumapayag na siya e napakarami niyang bilin samin. Ang tagal nilang nag-usap ni Cove at napakaseryoso nilang pareho tapos kinausap niya rin kami nang magkasama. Si mommy nga nagingiti ngiti sa gilid ni dad. Kung hindi pa siya aayain ni mom na matulog ay hindi pa ata matatapos ang mga bilin niya samin. Parang namang nabunutan ng tinik sa likod si Cove nung wala na si dad pero naiintindihan niya naman daw kung bat ganon si dad. Dahil si Tito rin daw ay ang tagal siyang kinausap lalo na daw si Tita. Nakotongan pa nga daw siya ni Tita nung una siyang magpaalam.


Three days before our planned date of departure we reserved our tickets and it's kinda pricey since last minute na kami nag-book. We'll be staying in Siargao for four days and three nights since wala na rin kaming pasok sa Friday. Noong una balak ni Cove i-shoulder lahat ng expenses but I disagree dahil trip naman naming dalawa yun kaya dapat lang na share kami sa expenses. Pero nung pumunta ang family ni Cove sa bahay at na-discuss nga yung lakad namin, naalala ni Tita na may ancestral house sila doon. It was from her great great grandfather kaya naman may sentimental value daw talaga yun, na kahit ilang beses na may gustong bumili sakanila noon ay hindi nila binebenta kahit gaano pa kalaki ang offer. It was their grandmother's dying wish to keep the house and to maintain it. Kaya naman hindi na problema ang accommodation namin. We didn't argue with them dahil hindi rin naman kami mananalo.

Brave the Storm (La Familia Series #1)Where stories live. Discover now