Chapter Five

284K 10.2K 6.1K
                                    

"Mama, bakit po parang hindi ka mapakali?"

Napatigil ako sa paglalagay ng mga pinamili ko sa ref nang magsalita si Arkia na katabi ko lang.

"H-ha? Hindi naman, okay lang ako," sabi ko saka alanganing ngumiti sa kaniya.

"Your hands are shaking po, Mama," sabi ni Arkia saka hinawakan ang nanginginig kong mga kamay.

Hindi ko rin talaga alam kung paano ako nakauwi rito nang ligtas kahit na nanginginig ang mga kamay ko habang nagda-drive. Para akong naubusan ng lakas dahil lang sa katangahang text na nagawa ko.

Ang totoo niyan, ilang beses na akong na-wrong send kung kani-kanino. Hindi na big deal sa 'kin ang gano'n, nagso-sorry na lang ako, pero ibang usapan na kasi ang ngayon. Kay Mayor ako na-wrong send!

Parang gusto ko na lang lumubog sa lupa at maglaho.

"Arkia, kumain na tayo, ha. Tapos mag-shower na tayo at matulog na agad para hindi tayo abutan ng papa mo, okay?" saad ko saka kinurot ang pisngi niya.

Nagtatakang napatingin siya sa 'kin. "Bakit po? Galit ka po ba kay Papa? Inaway ka po ba ni Papa?" nag-aalalang tanong niya.

Sana nga gano'n na lang ang nangyari para hindi ako nai-stress ngayon nang ganito. Hindi ko alam kung paano haharapin si Mayor ngayon.

Kung bakit naman kasi naka-save ang number niya sa cellphone ko, eh? Hindi naman ako ang naglagay n'on. Saka malapit ang Arkia Zaviere sa Arken Zaviere, bakit kasi Arkia ang ipinangalan kay Arkia?! Bakit ba 'to nangyayari sa 'kin? Gusto ko lang namang maka-survive dito para hindi mabaril ni Mayor.

Paano na lang kapag binaril ako ni Mayor Arken habang natutulog ako dahil buong akala niya na-fall na ako sa kaniya? Dapat ba na hintayin ko siya para ipaliwanag ang side ko? E paano kung isipin niya na defensive ako at barilin niya pa rin ako?

"Mama, masusunog po ang niluluto mo."

Natigilan ako sa sinabi ni Arkia. Agad kong hinango ang fried chicken sa kawali. Nagiging lutang na tuloy ako dahil sa pagkapraning. Para na akong masisiraan ng bait.

"Mama, nag-away po ba kayo ni Papa kaya ka po ganyan? Don't worry po, ipagtatanggol po kita, kakausapin ko po si Papa. Nakakatakot po si Papa pero mabait naman din po siya minsan. Ako po ang bahala sa 'yo," sabi ni Arkia saka yumakap sa baywang ko. Tipid na ngumiti na lang ako at hinaplos ang buhok niya.

"Wala naman kaming problema ng papa mo, Arkia. May iniisip lang talaga ako," sabi ko saka ngumiti na lang sa kaniya.

Iniisip ko kung bakit simula nang makilala ko si Mayor, natatanga na ako.

Pinilit ko na lang na iwaglit sa isip ko ang nangyari kanina. Pinilit ko na lang na mag-focus kay Arkia.

"Pasensiya na, prito na naman ang nailuto ko para sa 'yo, ginabi na kasi ako, e. Babawi na lang ako sa 'yo bukas, lulutuan kita ng masarap," nakangiting sabi ko habang pinanonood siyang kumain.

"Okay lang po, Mama," nakangiting sabi niya.

Grabe, ang bait talaga ng batang 'to. Sana naman pasahan niya ng kahit kaunti ang papa niya na galit yata sa mundo.

"Arkia, inuwian kita ng gummy worms at gummy bear!"

Inilabas ko ang binili ko sa kaniya pagkatapos naming kumain. Napasinghap naman siya saka agad na napangiti. Tuwang-tuwa na kinuha niya 'yon saka ako niyakap.

"Pero bukas mo na kainin 'yan, ha? Gabi na kasi, kailangan mo pang matulog nang maaga," sabi ko saka hinaplos ang buhok niya.

"Opo, Mama," nakangiting sabi niya.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon