Chapter Thirty-Four

317K 8.3K 6.1K
                                    

Napagtanto ko lang yata ang katangahan ko nang sumapit na ang umaga.

Napatingin ako sa gwapong mukha ni Arken na natutulog habang nakayakap nang mahigpit sa 'kin. Napabuntong hininga na lang ako at sinubukang alisin ang matipunong braso niya pero agad niya iyong iniyakap ng mas mahigpit sa akin.

Paano ba ako makakaalis nito? Gusto ko ng maligo at makapagsuot nang maayos na damit. T-shirt niya ang suot ko ngayon, naiilang ako na maabutan niya akong ganito ang hitsura.

Sinubukan kong alisin muli ang pagkakayakap niya sa 'kin ngunit hindi na naman ako nagtagumpay. Napasapo na lang ako sa noo ko.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay ni Arken na bumababa sa pang-upo ko.

Agad kong hinampas ang braso niya, sabi na nga ba at gising talaga ang hinayupak na 'to!

"Arken, bitiwan mo ako kung ayaw mong tadyakan kita," pananakot ko na lang.

Bakit ba kasi nagpadala ako sa init ng katawan kagabi? Oo nga at gwapo siya, maganda ang katawa, at mabango rin, pero hindi naman sapat na dahilan 'yon para bumigay na lang ako basta.

Ano ba kasi ang nakain ko at hinayaan kong may mangyari sa 'min ulit? Nahihibang na yata talaga ako.

Impit na napatili ako nang pumaibabaw sa 'kin si Arken. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Pilit kong pinigil ang paghinga ko.

Paniguradong hindi maganda ang amoy ng hininga ko, nakakahiya kapag naamoy niya.

"Matapang ka na ngayon?" nakangising tanong niya.

Napasinghap ako nang ipasok niya ang kamay sa loob ng t-shirt na suot ko. Agad na nanlambot ang mga tuhod ko sa ginawa niyang 'yon. Ang mainit niyang kamay ay nasa tiyan ko na ngayon at marahang hinahaplos 'yon. Napalunok na lang ako at pinigil ang sarili ko na mapakagat-labi.

"But last night, you were different. You were helpless when I touched you, when I kissed you, when I fu--"

Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko na ang susunod niyang sasabihin at paniguradong kabalbalan iyon. Bakit ba walang filter ang bibig ng lalaking 'to?

"Hindi ako natutuwa ha, n-nalasing lang talaga ako nang kaunti kaya nangyari 'yon," pagdadahilan ko na lang.

Isang lagok lang naman ang ininom ko at ewan ko ba kung nakakalasing na 'yon, pero iyon na lang ang idadahilan ko dahil ayaw kong aminin na nadala ako sa mga halik niya.

"Hmm, really?" tila nang-aakit na tanong niya.

Napasinghap ako nang umakyat ang kamay niya sa dibdib ko at marahang pinisil 'yon. Agad ko namang tinapik ang braso niya. Ngumisi lang naman siya sa 'kin.

"Let's take a bath together."

Muli akong napasinghap nang walang pasabi na binuhat ako nito. Wala naman akong nagawa kundi ang kumapit sa batok niya at iyakap ang mga hita ko sa baywang niya.

"Arken, duda akong ligo lang ang gagawin natin kaya bitiwan mo ako. Maliligo ako mag-isa," naiinis na sabi ko at sinubukang magpumiglas sa pagkakahawak niya ngunit hindi siya nakinig at ipinasok pa rin ako sa banyo.

LUMABAS NA kami ng hotel pagkatapos naming maligo at magbihis. Tama nga ako na hindi lang ligo ang mangyayari, hindi ko alam kung saan nakukuha ni Arken ang lakas niya sa gano'ng bagay. Hindi ba uso sa kanya ang mapagod?

"What do you want to eat?" tanong ni Arken habang hawak hawak ang kamay ko. Hinayaan ko na lang siya dahil komportable naman ako ro'n kahit papa'no.

Ang sarap maglakad-lakad dito dahil kitang kita ang malinis na dagat. May mga bilihan din ng kung ano-anong pagkain sa paligid at maraming turista, pero hindi naman gano'ng karami.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon