Chapter Twenty-Six

311K 12.3K 8.9K
                                    

Agad ko na siyang itinulak nang mapagtanto ko ang ginawa niya. Agad na nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matagal na pagpigil ko ng hininga saka siya sinampal nang malakas sa pisngi.

"Mamamatay ka na nga't lahat-lahat, nagawa mo pang manghalik!" naiinis na sabi ko.

Tila natauhan naman siya saka napahawak sa pisngi niya habang titig na titig sa 'kin.

"Damn, you're real," napapangiwing sabi niya saka muling napahawak sa tiyan niya na may tama ng baril.

Napailing na lang ako, hindi ito ang tamang oras para isipin ang halik niya.

"T-tumayo ka, dadalhin kita sa ospital," sabi ko na lang at inalalayan siya sa pagtayo.

Kahit nanghihina pa siya at tila hindi makapaniwala na totoo ang nangyayari ngayon, pinilit niya pa ring tumayo. Agad kong ikinapit ang braso niya sa balikat ko at buong lakas siyang dinala sa kotse, sa may shotgun seat. Agad akong sumakay ng kotse at pinaharurot 'yon.

"Dadalhin kita sa ospital, k-kayanin mo muna," nauutal na sabi ko habang napapatingin sa kaniya habang nagda-drive ako.

Baka pareho pa kaming mamatay nito sa ginagawa ko. Hindi ako makapag-focus sa pagmamaneho dahil napapatingin ako sa kaniya na nakapikit lang na tila ba tinitiis ang sakit.

"D-don't mind me, just drop me off somewhere. I'll call Adham. I don't want to be in a fucking hospital," tila nahihirapang sambit niya. Napakunot naman ang noo ko.

"'Wag ka na ngang mag-inarte! Dadalhin kita sa ospital sa ayaw at sa gusto mo!" naiinis na sambit ko.

"Then do it, Jonalyn. Fucking do it and I'll kill the doctor who will treat me in front of you," sabi niya sa mariing tono.

Natatarantang napasabunot na lang ako sa buhok ko habang pasimpleng napapatingin sa sugat niya.

"Tawagan mo si Adham, natataranta na ako rito!"

Pinaharurot ko na lang ang sasakyan papuntang vet clinic. Malamang sarado na 'yon ngayon pero mayroon namang susi sa bag ko, bahala na.

Hindi kumilos si Arken at napapikit na lang habang nakahawak sa sugat niya. Hinubad ko ang jacket ko gamit ang isang kamay ko at inilapat 'yon sa sugat niya.

"'W-wag kang pipikit! Natatakot ako!"

Pakiramdam ko kapag pumikit siya baka hindi na siya dumilat pa. Gustong-gusto ko na siyang dalhin sa ospital pero alam kong may posibilidad na seryosohin niya ang sinabi niya na papatayin niya ang doktor na gagamot sa kaniya. Baka naman kasi mauna pa siyang mamatay sa lagay niyang 'yan, e!

Agad akong bumaba ng kotse pagkarating namin sa vet clinic. Agad kong binuksan ang pinto sa may shotgun seat at mahinang tinampal ang pisngi ni Arken na nakapikit pa rin.

"Arken! Gumising ka riyan, tinatakot mo 'ko!"

Naramdaman ko na ang panlalabo ng mga mata ko dahil sa takot. Wala na akong pakialam sa kaniya, pero ayoko namang mamatay siya sa harapan ko nang basta-basta.

Nakakaawa si Arkia kapag nagkataon.

"Arken!"

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya. Agad kong kinuha ang braso niya at isinabit iyon sa batok ko saka inalalayan siya palabas ng kotse.

Mali ako ng akala, bukas pa ang clinic. Halatang nagulat sina Ember nang makita ako, lalo na kay Arken na duguan ngayon.

"T-tumawag ka ng doktor, Ember!"

Tinulungan nila ako na ipasok si Arken sa operating room namin para sa mga hayop. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at dahan-dahang inihiga sa hospital bed si Arken.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon