Chapter Thirty-Eight

266K 8.9K 4.2K
                                    

"Ayen, taga-saan ba kayo sa Camarines Sur? Para naman mapuntahan ko kayo," sabi ni Wrena saka hinawakan ang kamay ko. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya.

"Bibisitahin ka na lang namin sa Caloocan, bibisita naman ako sa 'yo paminsan-minsan e," sabi ko na lang saka pinulbuhan ang likod ni Vander.

"Bakit hindi na lang kayo sa Caloocan tumira? May mga kapatid ka naman na nagbabantay sa mga magulang mo diba? Saka mas marami kang pwedeng pagtrabahuhan sa Caloocan," nakangusong sabi pa ni Wrena.

Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kanya saka umiling.

"Hindi ko kayang tumira ro'n, Wrena. M-maaalala ko lang siya," sabi ko na lang at napailing.

Napabuntong hininga na lang si Wrena at hinaplos ang buhok ko na tila pinapakalma ako. Napatingin din naman si Vander sa 'kin saka yumakap sa baywang ko. Napangiti na lang ako at dinampian ng halik ang sentido niya.

Ayoko munang umiyak, napagod na ang mga mata ko. Gusto ko muna ng sariwang hangin at malimutan ang lahat kahit saglit... Pero alam kong mananatili siya sa puso ko, mananatili si Arken sa puso ko habang buhay.

Tinulungan ako ni Wrena na mag empake. Buti na lang at ipinadala na rito ni Vaughn ang mga damit namin ni Vander para hindi na kami mahirapan.

Laking pasasalamat ko nang tanggapin ni Vaughn ang pagtanggi ko sa kasal. Sinabihan na lang niya ako na kung may maitutulong siya sa 'kin ay sabihin ko lang.

Malaki ang pasasalamat ko kay Vaughn, naging mabuti siya sa 'min ng anak ko. Hindi ko lang talaga siya kayang pakasalan, sa tingin ko nga ay hindi ko naman talaga siya minahal. Masyado lang akong naging thankful sa kanya dahil sa mga naging tulong niya sa amin ni Vander.

Nagresign na rin ako sa vet clinic. Nanghihinayang man ang amo ko, sinabihan niya na lang ako na mag-ingat sa pag-uwi sa Camarines Sur at pwedeng pwede akong bumalik sa vet kung gusto ko. Nagpaalam na rin ako sa mga naging kaibigan ko ro'n na sina Ember.

"Hindi ka ba nagtataka kay Mayor Vaughn? Bakit basta na lang siya pumayag na hindi na tuloy ang kasal niyo?" tanong ni Wrena habang nakain ng apple.

"Iyan ka na naman sa mga iniisip mo, siyempre wala naman siyang ibang magagawa kundi tanggapin dahil ayaw ko ng ituloy ang kasal," sabi ko na lang habang hinahaplos ang buhok ni Vander, tulog na naman ang anak ko. Simula nang mawala si Arken, palagi siyang natutulog, mukhang doon niya inilalabas ang lungkot niya.

"Hindi mo 'ko naiintindihan e, kung talagang mahal ka niya, hindi niya agad matatanggap 'yon, o kaya gagawa siya ng paraan para mahalin mo siya ulit, gano'n. Siya tinanggap na lang niya basta na ayaw mo ng ituloy. Parang may mali e," sabi ni Wrena saka naningkit pa ang mga mata. Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Nga pala, Wrena, magpapaalam muna ako kay Vaughn bago ako umalis. Pupuntahan ko siya saglit, pakibantayan muna si Vander."

Bukas na kami pupunta ng Camarines Sur ni Vander. Wala namang tutol ang anak ko sa plano ko. Sa totoo lang hindi ko pa nasasabi kina nanay na uuwi kami ni Vander doon, paniguradong magugulat sila, pero matutuwa rin dahil tuwang tuwa ang mga 'yon kay Vander pati na rin ang mga kapatid ko ro'n.

Meron akong kapatid na lalaki, yung isa si Kuya Jomer na mas matanda ng dalawang taon sa 'kin, teacher siya. Yung isa naman ay si John, mas bata sa 'kin ng tatlong taon, engineer na siya ngayon.

Ako ang nag-iisang babaeng anak kaya galit na galit noon sina nanay nang sabihin kong buntis ako, lalo pa silang nagalit dahil wala akong ipinakilalang tatay. Ngunit natanggap din naman nila di kalaunan.

"Ako ang bahala kay Vander, ingat ka ha. Bumalik ka ng buo ha, wala talaga akong tiwala riyan sa Mayor Vaughn na 'yan," sabi niya saka napaismid.

Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Wrena ang mga ideyang 'yan, pero siguro dahil buntis siya kaya kung ano-ano ang naiisip niya.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon