Chapter Twenty-Eight

308K 10.5K 5.6K
                                    


Tila may kung anong mabigat na tensyon ang nanggaling sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko nga ay talagang magbabarilan sila.

Kinakabahang napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Dapat na ba akong makialam?

Napatili ako nang paputukin ni Vaughn ang baril niya. Napahawak ako sa dibdib ko at kinakabahang napatingin sa kanila. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang hindi niya binaril si Arken, sadyang pinaputok niya lang ang baril.

Mukhang hindi man lang nagulat si Arken sa putok ng baril at nanatiling walang emosyon na nakatitig kay Vaughn.

"Tama na 'yan!" Agad akong lumapit sa kanila. Humawak ako sa braso ni Vaughn at hinila siya palayo kay Arken.

Hindi ko alam kung bakit natigilan ako nang mapatingin si Arken sa kamay ko na nakahawak kay Vaughn. Napailing na lang ako.

"Baka magising si Vander sa ginagawa n'yo at makita pa kayong nagbabarilan dito! Ikaw naman, Arken, 'di ba sinabi ko na sa 'yo na wala kang karapatan sa anak ko?! Ano ba ang hindi mo maintindihan do'n?!"

Hindi siya sumagot, nanatili siyang tahimik habang nakatitig sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Vaughn.

"I never follow orders from anyone, Jonalyn," sabi nito saka tumitig sa mga mata ko.

Napabuntonghininga na lang ako at hinarap si Vaughn at hinawakan ang kamay niya.

"Kakausapin ko lang siya, a-ako na ang bahala, pumasok ka na sa loob," sabi ko na lang saka tipid na ngumiti sa kaniya.

Ilang segundo ring napatitig sa 'kin si Vaughn na tila ba hindi siya kampante na kausapin ko si Arken nang mag-isa. Ngumiti na lang uli ako sa kaniya at tumango.

"Sige na, Vaughn, kaya ko na 'to. Ako na lang ang kakausap sa kaniya kaysa magbarilan kayo. A-alam mo namang takot ako sa baril, 'di ba?" tanong ko na lang.

Napabuntonghininga siya saka tumango. "Just scream loudly if he tries to harm you or take you away," tila hindi pa rin kumbinsidong sabi niya saka bahagyang hinaplos ang pisngi ko.

Tumalikod na si Vaughn at pumasok sa bahay. Hinabol ko na lang siya ng tingin bago hinarap si Arken at tiningnan nang masama. Nanatili naman siyang walang emosyon na nakatingin sa 'kin.

"That's fucking sweet, I almost teared up," may bakas ng sarkasmong sabi niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at naikuyom ang kamao ko.

"Bakit ka ba nandito? Ano ba ang pinaglalaban mo?! 'Di ba pumayag ka na no'ng una na sa 'kin na lang si Vander at hindi mo na siya kukuhanin? Bakit biglang nagbago ang isip mo? Pinaglalaruan mo ba ako?"

Hindi sumagot si Arken at inilagay ang baril niya sa bulsa ng coat niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Do you love him?"

Imbis na sagutin ang tanong ko, tinanong niya rin ako. Napabuntonghininga na lang ako at inilagay ang kamay ko sa baywang ko.

"Hindi 'yan ang pinag-uusapan natin ngayon, Arken! Ang sinasabi ko, wala ka ng karapatan na kuhanin sa 'kin si Vander!" Bakit niya ba iniiba ang usapan?

"You're not safe with that man, Jonalyn," sabi na lang niya.

Natawa ako nang mapakla dahil sa sinabi niya. Napakagat pa ako sa ibabang labi ko upang pigilan na matawa nang mas malakas.

"Safe ako kay Vaughn, Arken. Sa 'yo ako hindi ligtas! Ikaw ang totoong mapanganib, h'wag mong ipasa sa iba ang baho mo. Si Vaughn ang tumulong sa 'kin no'ng mga panahong pinalayas mo ako at tinangkang patayin. Si Vaughn ang nagligtas kay Vander noong nasa sinapupunan ko pa lang siya. Si Vaughn ang tumulong sa 'kin na umahon. Kung wala siya, baka wala na rin si Vander ngayon. Kung wala siya, baka matagal na akong sumuko sa buhay ko. Kaya 'wag na 'wag mong sasabihin na hindi ako ligtas kay Vaughn, sa kaniya ako pinakaligtas laban sa mga katulad mong walang puso at pakiramdam!"

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon